Kabanata 2: Ang Paghanap sa Katotohanan

168 5 0
                                    

At dumating na ang araw ng Martes, katulad ng nangyari sa kanya nung Lunes, pinagtatawanan at pinag-uusapan pero dirediretso lang siya sa kanyang silid-aralan para mag-aral. At uwian na at bumalik na si Caver sa kanyang bahay. Nung makarating na siya sa kanyang bahay agad siyang nagpahinga sa kanyang kama dahil sa sobrang pagod sa klase. Gabing-gabi na nung nagising si Caver nakita niyang madilim na ang kapaligiran kaya binuksan niya ang ilaw at dahil nakapagpahinga na siya napansin na niya na kanina pa siyang nag-iisa sa bahay. Masyadong tahimik sa kaniyang bahay kaya hinanap niya ang kanyang tito, pumunta siya sa kuwarto ng kanyang tito ngunit wala siya doon at doon na siya kinabahan kaya hinanap niya sa lahat ng sulok ng bahay ang kanyang tito pero hindi niya nahanap. Ngunit nag-isip siya na baka bumili lang ng ulam sa palengke ang kanyang tito kaya naghintay nalang siya na baka sakaling namalengke nga ang kanyang tito. 9:00 na ng gabi, inaantok na si Caver nung biglang may kumatok sa pintuan at bigla siyang nagulat.Sabi niya.

Caver: Naku nandiyan na yata si tito.(Pumunta sa pinto at binuksan).

Nung binuksan niya ang pinto, sa halip na tito niya ang kanyang nakita. Isang lalaki ang tumambad sa kanyang mukha.

Eltin: Ikaw ba si Carrie?

Caver: Sino po kayo?

Eltin: Ako si Eltin. Ikaw ba si Carrie?

Caver: Pasensiya na po pero hindi po ako si Carrie.

Eltin: Hmm? Papaanong hindi ikaw si Car... teka mali yata ang pagbasa ko.

Caver:Papaano pong mali ang pagbasa niyo?

Eltin: Ang pagbasa ko kasi ay Carrie pero ang nakasulat pala ay Caver. Ikaw pa si Caver Aidem?

Caver: Opo. Bakit po?

Eltin: Inaanyayahan ka ng tribong Unpo upang matutunan mo ang mga iba't-ibang galaw sa pakikipaglaban.

Caver: Seryoso pu ba kayo diyan eh masyado pa po akong bata para sa pakikipaglaban.

Eltin: Kailangan mong...(Biglang sumabog ang ilang mga katabing bahay ni Caver at nabulabog ang lahat ng mga tao doon).

Nagulat si Caver at si Eltin. Si Eltin ay 25 yrs old na kaya mas matanda siya kay Caver.

Eltin: Caver hali kana umalis na tayo dito, mapanganib na dito.

Caver: Ngunit bahay ko ito.(Biglang sumabog ang kusina sa bahay ni Caver at nabigla siya hindi makagalaw, at parang natatakot sa nangyayari kaya hinila siya ni Eltin at umalis doon sakay ang isang lumang kotse).

Caver: Anong nangyayari?

Eltin: May gustong pumatay sa iyo.

Caver: Sino?

Eltin: Mga Impakto.

Caver: Mga Impakto? Ngunit bakit nila ako gustong patayin?

Eltin: Dahil gusto nilang kunin ang dugo mo at iba pang dugo ng mga katulad mo na nagtataglay ng mga kapangyarihang ipinagkaloob sa inyo ni Bathala upang buhayin si Bakunawa.

Caver: Sino si Bakunawa?

Eltin: Sa pagkakaalam ko si Bakunawa ay isang malakas na halimaw at hari ng mga pangkat ng Timenpung Impakto noong Ancient Times. Gusto niyang kainin ang pitong buwan na nilikha ni Bathala at maghasik ng lagim sa buong mundo dahil galit siya sa buong mundo. At nakain niya ang anim na buwan ngunit hindi niya nakain ang ikapitong buwan dahil pinarusahan siya ni Bathala at ipinatapon sa karagatan at dahil doon nagkaroon ng lakas ng loob ang mga tao na kalabanin ang mga Impakto. Maraming namatay na Impakto ngunit may iilang na nakatakas at nagtago at hindi na nakita ng mga tao hanggang sa dumating ang panahon ng teknolohiya. Ngunit nung nakaraang buwan may nababalitaan kaming may mga Impaktong sumasalakay sa mga iilang bayan sa Capiz. Marami ng katulad mo ang namamatay at dahil hindi namin ito mapigilan napag-isipan naming lipunin ang mga taong ipinagkaloob ni Bathala ng kapangyarihan upang sanaying makipaglaban para matalo natin ang kampon ni Bakunawa.

Caver: Eh paano niyo naman nalaman na gusto nilang buhayin si Bakunawa?

Eltin: Nalaman namin sa mga nahuli naming mga Impakto.

Caver: At paano niyo naman nalaman kung sino ang mga taong ipinagkalooban ni Bathala ng kapangyarihan?

Eltin: Nalaman namin ang mga pangalan ninyo sa kuweba ng propesiya at nalaman namin kung nasaan kayo matatagpuan sa pamamagitan ng mga Online Websites gaya ng Twitter,Instagram,Facebook at marami pang iba. Pero hindi namin lahat mahahanap sa online websites kaya nagpadala kami ng mga taong maghahanap sa iba pang katulad mo na hindi mahahanap sa Internet. At isa ako doon.

Caver: At nahanap mo ako dahil hindi ako gumagamit ng Internet.

Eltin: Tama ka diyan. At kailangan mo ding malaman ang iyong katotohanan.

Caver: Huh? Anong katotohanan?

Abangan ang susunod na kabanata...

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon