Kabanata 7: Ang Buhay ni Caver

69 4 0
                                        

Nakikinig lang si Caver sa mahiwagang salamin.

Mahiwagang Salamin: At ngayon kailangan mo nang malaman kung sino ka talaga.

At ipinakita ng mahiwagang salamin kay Caver ang pinanggalingan niya at sinabing.

Mahiwagang Salamin: Ikaw ay isa sa mga pinagkalooban ni Bathala ng kapangyarihan upang tulungan ang mga itinadhana sa kanilang mga misyon at para mailigtas ang buong mundo.

Caver: Sila ba ang tatalo kay Bakunawa?

Mahiwagang Salamin: Ayon sa kuweba ng propesiya may mga nilalang galing sa napakalayong lugar na darating sa ating mundo para patayin tayong lahat at sakupin ang mundong ito sa loob ng pitong milyong taon at pagkatapos wawasakin nila ang ating daigdig. Kaya nagsama-sama ang mga diyos upang pag-usapan kung paano nila mapipigilan ang plano ng mga nilalang na iyon at naisip nila na lumikha ng mga taong itatadhanang pipigil sa mga nilalang na iyon.

Caver: Bakit kailangan pa nilang lumikha ng mga itatadhana eh diba mga diyos sila bakit hindi nalang sila pumigil sa mga nilalang na iyon? At saka pa sino-sino ba ang mga nilalang na iyon?

Mahiwagang Salamin: Dahil may posibilidad na ang mga nilalang na iyon ay nilikha ng isang napakasama at napakalakas na diyos na hindi pa nakikilala sa unibersong ito. At walang sino pa man ang nakapagsabi kung anong klaseng mga nilalang ang mga iyon, may mga nagsasabing ang mga nilalang na iyon ay nanggaling sa Unibersong Pangkailaliman at ang tawag daw sa kanila ay mga Necromancers pero walang nakakapagsabi kung totoo iyon.

Caver: Ibig sabihin meron pang nilalang na mas malakas kay Bathala?

Mahiwagang Salamin: Hindi ko alam dahil isa palang iyong teorya. At balik sa iyo. Ikaw ay ipinanganak sa Pampanga at ang iyong ina ay si Maria at ang iyong ama ay si Pedro, payapa kayong namumuhay doon hanggang isang gabi sinalakay kayo ng mga impakto at itinakas ka ng iyong kaibigang kalapati at ang magulang ay pumunta sa ibang direksyon upang sundan sila dahil hindi alam ng mga impakto na ikaw ay itinakas ng iyong kaibigang kalapati na nagngangalang Ngiti. At dinala ka sa Cavite nung sanggol ka palang nag-ibang anyo siya at nagmukhang tao at nagpakunwaring tito mo. Tumingin ka sa iyong likod.

At tumingin si Caver at nakita niya ang kanyang tito.

Ngiti: Kumusta ka na Caver.( Nagsasalita ng nakangiti).

Caver:Ok naman po.

At nag-ibang anyo ang kanyang tito at naging kalapati.

Ngiti: Yay! nakabalik narin ako sa dati kong anyo.

Caver: Woah! Naging kalapati po kayo tito.

Ngiti: Huwag mo na akong tawaging tito, tawagin mo nalang ako sa pangalan ko.

Caver: O-o-o sige. Kung ganon kaibigan kita noong sanggol palang ako?

Ngiti: Oo.

Caver: At sinabi mong namatay ang aking mga magulang.

Ngiti: Patawarin mo ako Caver hindi ko namang gustong lokohin ka.

Caver: Ayos lang sa akin iyon naiintindihan kita.

Ngiti: Talaga! maraming salamat aking kaibigan. Pero sigurado ka ba talagang ayos lang sa iyo, ayos lang sa akin kung parusahan mo ako karapa't- da...

Caver: Oo nga ayos lang sa akin iyon ayo kong maging masyadong madrama, at isa pa maraming beses ko nang napanood sa tv ang ganitong pangyayari. Sa una napaluha ako kaunti pero nung paulit-ulit na nakakasawa na parang oey.

Ngiti: Ok, salamat ulit sa pagpapatawad mo sa akin.

Caver: May gusto lang akong malaman, diba sabi mo namatay ang mga magulang ko kahit hindi iyon ang tunay na nangyari sa kanila.

Ngiti: Oo

Caver: Ibig sabihin may posibilidad na buhay pa ang mga magulang ko. Tama ba ako mahiwagang salamin?

Mahiwagang Salamin: Sa katunayan hindi ko na rin nalaman ang nangyari sa mga magulang mo dahil bigla nalang silang naglaho sa ating daigdig.

Caver: Kung ganon nasaan sila?

Nasaan kaya ang mga magulang ni Caver?

Abangan ang Susunod na Kabanata.....

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon