Kabanata 11: Ang Pagtakas

43 1 0
                                    

" Bakit? Bakit mo kami pinabayaan Bathalang Maykapal?" sabi nang isang binata at may sumagot na mula sa isang maitim na usok at ang sabi ay " Wala na si Bathala! Matagal ko na syang pinaslang, salamat sa iyo. Pero ngayong wala kanang silbe sa akin, kailangan mo naring mamatay! Hahahahahahahaha!!!" At may lumitaw na isang espadang nagliliyab mula sa maitim na usok at tinamaan sa dibdib ang binata at saka namatay. Biglang nagising si Luna at ang sabi...

Luna: Isang masamang panaginip.

At natulog ulit sya sa kanyang kulungan matapos syang hulihin ng mga pulis mula sa trahedyang naganap sa bahay nila Sarah.

Samantala, Sina Gem at Ini ay iniinsayo si Smug na palabasin ang kanyang kapangyarihang apoy sa pamamagitan ng pagbibilad sa araw.

Smug: Kailangan ba talaga natin tong gawin? Baka abutin ako ng tanghalian.

Ini: Relax ka lang, wala kaming balak na paitimin ka at saka maganda naman ang sikat ng araw lalo na sa madaling araw.

Gem: Tama.

Smug: O sige.

Mayamaya ay dumating si Eltin kasama si Ngiti at Goust.

Eltin: Smug, Gem, Ini, nakita nyo ba si Luna?

Smug: Hindi, bakit?

Eltin: Kahapon pa kasi sya hindi bumabalik galing sa misyong binigay sa kanya ni Datu Asul.

Goust: Baka naman may nangyaring masama sa kanya?

Eltin: Imposibleng mangyari iyon! Magaling kaya sya sa pakikipaglaban at saka kaya nyang talunin ang mga kalaban kahit na ma ambush sya.

Smug: Puntahan kaya natin sya sa kanyang misyon?

Eltin: Sige.

Ini: Teka sandali.

Goust: Bakit?

Ini: Kayo nalang ang pumunta sa misyon ni Luna. Maiwan dito si Smug.

Smug: HA? Bakit?

Ini: Dahil hindi ka pa tapos sa pinapagawa namin sa'yo.

Gem: Kaya magpatuloy ka na.

Smug: Naku naman!

Kinagabihan, matutulog na sana si Luna nung biglang may narinig sya. At bigla nyang nakita sina Eltin, Ngiti, at Goust.

Luna: Anong ginagawa nyo dito? Baka mahuli kayo ng mga pulis.

Eltin: Nandito kami para iligtas ka.

Goust: At huwag kang mag-alala dahil pinatulog na namin ang lahat ng mga pulis na nagbabantay dito pati ang ibang mga nakakulong.

Luna: Ano? Kaya ko ang sarili ko, umuwi na kayo.

Eltin: Hindi pwede dahil pinapatawag kana ng Datu.

Luna: Ano? Teka,paano nyo nga pala nalaman na nandito ako ngayon sa kulungan?

Ngiti: Kinuha namin ang litrato mo at saka itinanong sa mga tao sa lugar nang iyong misyon kung nasaan ka hanggang madala kami dito.

Goust: Nabalitaan namin na may pinatay ka daw. Mamamatay tao ka pala ha? Mamamatay tao si Luna, mamamatay tao si Luna.

Luna: Alam mo kung hindi mo ititikom yang bibig mo ikaw ang isususnod ko!

Eltin: Alam kong hindi iyon totoo.

Luna: Oo, hindi iyon totoo. Ngunit totoong may masamang nangyari.

Eltin: Anong ibig mong sabihin?

Luna: May isang babaeng itim at punung-puno ng dugo ang buong katawan ang kumuha sa isang batang babaeng nagngangalang Sarah.

Ngiti: Alam nyo masmaganda siguro, umalis na tayo dito bago pa magising ang mga pulis.

Eltin: Mabuti pa nga.

At ginamit ni Eltin ang kanyang kapangyarihan, at ang mga bakal na humaharang sa kulungan ni Luna ay nawala na parang tinunaw ng asido. At silay umalis sa prisinto at nagtungo sa kagubatan patungo sa Arbol. Habang sila'y tumatakbo ay may narinig silang nagsalita sa kanila galing sa likuran nila. " Hahahaha!とどこに行くつもり?(To doko ni iku tsumori?)"

Goust: Sino sya? At ano daw sabi nya?

"我们不知道的?(Wǒmen bù zhīdào de?)"

Eltin: ANO?

"คุณไม่ได้ยินคู่ของฉันกล่าวว่า?(Khuṇ mị̀ dị̂yin khū̀ k̄hxng c̄hạn kl̀āw ẁā?)

Ngiti: Hindi ko sila maintindihan!

"Paja miingon diin kamo moadto, ug siya usab nailhan Nachi kon nakaila kanato, ug miingon pag-usab Yala kon kamo dili makasabut kanato.Unsa tin-aw?"

Luna: Naiintindihan ko na.

Eltin,Ngiti,Goust: Ano? Naiintindihan mo sila?

Luna: Oo. Sila ang tinatawag na Apat na abridor. Silang lahat ay may iba't-ibang sandata, si Paja ang abridor de Agua, si Nachi ang tierra Abridor, si Yala ang abridor de fuego, at si Besa ang abridor de viento. Sila ang pinakamalakas na panlaban ng ating bansa at walang nakakaalam nang tungkol sa kanila dahil pinangangalagaan sila ng gobyerno. At ang gobyerno at ang presidente ng ating bansa lamang ang nakakaalam ng tungkol sa kanila.

Goust: E bakit alam mo?

Luna: Dahil nagtrabaho dati ang aking ama sa gobyerno.

Eltin: Ano?

Luna: Mamaya mo na ako kausapin. Umalis kana. Kayo din, Ngiti, Goust!

Goust: Tayo na!

Eltin: Hindi! sasamahan kita dito dahil inutusan ako ng datu na umuwi na kasama ka.

Luna: Bahala ka.

Besa: Paja, Yala, follow the man and the dove!

At sinundan nina Paja at Yala sina Ngiti at Goust.

Nachi: So, We must beat them both and return them to prison.

Besa: Yes. It's going to be a fun fight tonight. Hahahaha!

Nachi: Hahahaha!

Luna: Eltin, Huwag mo silang mamaliitin.

Eltin: Ok.

At naghanda sa pakikipaglaban sina Luna at Eltin laban kina Nachi at Besa.






Abangan ang susunod na Kabanata.....


Susunod: Luna & Eltin vs Nachi & Besa



Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon