Kabanata 58: Ang mga kahon ni Ina

8 0 0
                                    

Nagising si Besa. Dahan-dahan syang tumayo. Sa kanyang pagtayo napansin nya na bumalik na ang isa nyang kamay. Pagkatapos ay binalikan nya yung katawan ng kinalaban nyang pasatsat.

Besa: Siguradong malaya ka na ngayon.

At napansin nya ang isang papel na nakaipit sa may bewang ng pasatsat. Kinuha nya ito at binasa ang nakasulat sa papel. Nanlaki ang mga mata nya sa kanyang nabasa.

Samantala napalobo na ng mga mamamayan ng Orliba ang hot airballoon at handa na itong lumipad. Nakikita narin nila ang unti-unting paglapit ng makapal na usok na may kidlat sa kalangitan mula sa direksyon na pinanggalingan nilang gubat.

Imana: Sumakay na tayo at paangatin na ang mga hat er balun!

Nagsigawan ang mga mamamayan habang nagmamadali sa pagsakay. Nung makasakay na ang lahat ay sinimulan na nilang paliparin ang mga hot air balloon.

Imana: Minaya! Ikaw ang gumabay sa kanila papuntang Adamya!

Minaya: Bakit po? Hindi po kayo sasama sa amin?

Imana: May kailangan akong malaman.

Minaya: Pero lola Imana! Hindi nyo po ba nakikita ang maitim na usok na may mga kidlat? Masyado na pong mapanganib!

Imana: Minaya! Maraming salamat at binantayan mo ang bahay at mga gamit ko habang wala ako.

At umiba ng direksyon si Imana papunta sa pabrika.

Minaya: Lola Imana!

At unti-unti nang lumayo sa kanila si Imana.

Minaya: LOLA IMANA!

At nilakasan ni Minaya ang pagtawag para marinig sya ni Imana. Narinig naman ito ni Imana kaya napalingon sya kay Minaya. At nagsalita si Minaya ng lumuluha.

Minaya: IPANGAKO NYO PO NA SUSUNDAN NYO KAMI SA ADAMYA!

At tumango si Imana. At nagpatuloy na sina Minaya sa pag-alis. Lumingon naman pabalik si Imana sa sa direksyon papuntang pabrika at nagsimula naring paandarin ang hot air balloon papunta rito.

Samantala, sina Agane ay nakarating na sa kaharian ng Hanthoria.

Dinala nya sina Alena at Danaya sa hari ng Hathoria na si Haring Hagorn

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dinala nya sina Alena at Danaya sa hari ng Hathoria na si Haring Hagorn. Si Alena at ang nanghihinang si Danaya ay nakatali. May mga kawal sa paligid na nagbabantay sa maraming sulok ng malawak na kwarto. Lumuhod si Agane at nagsalita.

Agane: Avisala Haring Hagorn. Dala ko po sa inyo ngayon ang dalawang diwatang ito bilang regalo sa inyo para sa inyong kadakilaan.

Tumayo si Hagorn at lumapit sa kanila.

Hagorn: Kamusta ang digmaan Agane?

Agane: Dahil po sa pagbagsak ng dalawang diwatang ito at ang pagtakas ng hari ng Sappiro ang naging dahilan ng ating pagkapanalo sa malawakang digmaan at ngayon ang ating hukbo ay kasalukuyan nang sumusugod papunta sa kaharian ng Sappiro. Dinala ko po sila dito upang mapasa-inyo na ang kanilang brilyante.

Hagorn: Hindi ko na kailangan ng kanilang mga brilyante. Sapagkat may nakita na akong bagay na magbibigay sa akin ng mas malakas na kapangyarihan.

At lumapit ang isang kawal na may dalang kahon na gawa sa metal. Napatingin din dito si Alena.

Hagorn: Alam mo ba kung ano ito Agane?

Agane: Hindi po mahal na hari.

Hagorn: Ito ang kahon ni Ina. Isa sa mga susi para mabuksan ang pintuan ng kanyang kaharian.

At pumunta sa kanan si Hagorn at hinila pababa ang isang malaking tela. At pagkatapos ay tumambad sa kanila ang isang malaking pintuan na may ukit ng isang ahas . Nabubuksan ito na parang aparador pero nakasarado pa ito.

Hagorn: Sya ang magbibigay sa akin ng malakas na kapangyarihan at palalakasin ang ating kaharian.

At ipinasok nya ang kahon sa butas na kahugis ng kahon sa ibaba ng pintuan. At ito ay umilaw ng kulay pula.

Hagorn: Ina. Dalawang kahon nalang at mabubuksan na namin ang pintuan ng inyong kaharian.

Agane: Mahal na haring Hagorn. Saan po natin hahanapin ang ikalawang kahon?

At tinanong ni Hagorn ang kahon. Mas lumiwanag pa ito at tila may sinabi kay Hagorn na tanging sya lang ang nakarinig.

Hagorn: Ang unang kahon ay gawa sa pinakamatibay na metal sa buong Encantadia at mabubuo lamang ito sa pamamagitan ng dugo ng pinakamalakas na taong bato. Ang ikalawang kahon ay mabubuo lamang sa pamamagitan ng dugo ng isang diwata.

Lumingon si Hagorn kina Alena at Danaya.

Hagorn: Isa sa inyo ang magsasakripisyo upang mabuo ang ikalawang kahon.

Alena: Kahit kailan. Hindi kami magpapagamit sa'yong kahibangan!

At itinuro ni Hagorn si Danaya.

Hagorn: Dalhin sya sakin.

At kinuha ng mga kawal ang nanghihinang si Danaya at inilapit kay Hagorn.

Alena: Anong gagawin nyo sa kanya? Bitawan nyo sya! Pakawalan nyo ako!

At inilabas ni Hagorn ang kanyang espada.

Alena: Huwag! Huwag nyo syang sasaktan!

At  inihanda nya ang espada sa pagsaksak kay Danaya.

Alena: HUWAAAAAAAG!!!

At naglabas ng malakas na kapangyarihan ng brilyante ng tubig si Alena para makawala sa pagkagapos at mabilis na tumakbo para harangan si Danaya.

At nagising si Danaya sa kanyang naramdaman. Tumingin sya sa kanyang itaas at nakita nya si Alena na may saksak ng espada.

Naramdaman din ito nina Amihan at Pirena.

Amihan: Ha!

Pirena: Ah. A–Alena.

Napalingon si Pirena sa direksyon kung saan papunta sa kaharian ng Hathoria.

Bakil sa Hathoria.

Danaya: A–a–Alena?

Ngumiti si Alena sa kanya.

Alena: Pakisabi kay Ybrahim na mahal ko sya.

At binunot ni Hagorn ang espada na nakasaksak sa katawan ni Alena.

Danaya: ALENA!!

At napasigaw si Danaya sa lungkot at galit at inatake nya ang lahat ng kawal gamit ang kanyang brilyante ng lupa. Tumalsik naman ang  mga kawal. Inatake naman ni Agane si Danaya gamit ang kanyang sandatang kadena ngunit pinigilan ito ni Danaya gamit ang kanyang kapangyarihan. At sila ay naglaho.

Agane: Pashnea ka Danaya!

Hagorn: Hayaan mo sila.

At lumingon si Agane kay Hagorn na sa ngayo'y may hawak ng kahon na gawa sa kristal. Lumapit sya sa pintuan at ipinasok ang kahon sa butas na hugis kahon at ito ay umilaw ng maliwanag na kakulay ng isang puting ilaw.

Hagorn: Ina. Isang kahon nalang.

At napangiti si Agane sa kanyang nasilayan.








Susunod: Generator

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon