Smag: Kainis! Ganito nalang ba ang gagawin natin. Bakit di nyo kaya ako turuan kung paano makipaglaban.
Ini: Dahil hindi ka pa nga handa!
Smag: Paano mo nasiguro na hindi pa ako handa kung hindi natin susubukan. Maglaban tayo!
Ini: Eh? Sigurado ka?
Biglang dumating naman ang isa sa mga batang tagapagligtas ng mundo na si Nokage Jeunyang, pitong taong gulang palang, grade 1 sa elementarya. Sya ay isang batang pilipino na may halong koreano dahil ang kanyang ama ay galing sa South Korea. Sya ay isang Korean Ninja. Marami na syang nagawa gaya ng pagpigil sa mga terorista sa pagwasak nila sa isang kastilyo sa Fulham, United Kingdom, at saka sa pagsagip nya sa mga batang nakasakay sa muntikan ng mahulog na school bus sa Golden Bridge sa San Francisco California, at saka dahil sa kanya, top 7 ang Tribong Arbol sa ginanap na Grand War Games na ginanap naman sa Washington D.C. noong nakaraang taon, at sya din ang nagligtas sa buong New York City mula sa masamang plano ni Dr. Buha na tabunan ang buong New York City sa buhangin, at marami pang iba. Ang sabi nya.
Nokage: Ako subukan mo akong kalabanin.
Smag: Eh? Ikaw? Sa tingin mo...
Nokage: Peonchi Jutsu!
At sinuntok si Smag ng hangin kaya sya ay napatumba.
Smag: Ahh! Papaano mo nagawa iyon?
Nokage: Huwag kang magpakasiguro sa kakayahan mo. Marami ka pang kakaining bikas.
Smag: Ano ang!
Bigla namang dumating si Gem.
Gem: Smag!
Smag: Huh? Bakit?
Gem: Ang nanay mo! Alam ko na kung nasaan ang nanay mo.
Smag: Ano? Nasaan?
Gem: Nasa isang isla sa bandang taas ng Palawan.
Smag: Sigurado ka bang nanay ko iyon? Paano mo naman nalaman?
Gem: mahabang kwento..Maria ang pangalan ng nanay mo diba?
Smag: Baka siguro kapangalan lang.
Ini: Paano natin masisiguro kung hindi natin susubukan?
Smag: Eh!
Nokage: E saan naman tayo sasakay papuntang Palawan?
Gem: Sasakay tayo ng Cebu Pacific. Sakatunayan nakabili na ako ng ticket nating apat.
Ini: Wow ha! Nahulaan mo na apat tayong pupunta sa Palawan.
Smag: Sasakay tayo ng eroplano?
Ini: Bakit? Natatakot kang sumakay?
Smag: Anong natatakot? Isa kaya ang eroplano sa mga gusto kong masakyan.
Gem: Ano naman ang mga gusto mo pang masakyan?
Smag: Barko, LRT, Yate, at saka spaceship.
Gem: Spaceship?
Smag: Oo. Teka bakit sasabay sa atin yang .....anong pangalan mo?
Nokage: Nokage. Nokage Jeunyang.
Ini: Dahil mas masaya kapag marami. Oo nga pala Gem. Kailan ang flight?
Gem: Ngayong araw mismo.
"Ano!!!" Sabi nila Smag at Ini.
Gem: Oo kaya kung ako pa sa inyo, magbibihis na ako. Isang oras at pitong minuto nalang at aalis na ang sasakyan nating eroplano patungong Palawan. Kaya magbihis narin kayo! Baka maiwan tayo!
