Nakatingin si Alena kay Agane.
Alena: Ikaw, ikaw ba ang pumatay sa anak ko?
Agane: Hindi.
Muling tumalon si Agane mula sa sinasakyan nya pababa.
Agane: Pero ako ang dahilan kung bakit sya napatay.
Itinuro nya kay Alena ang kanyang espada.
Agane: Ako naman ngayon ang papatay sa'yo.
At sumugod si Agane. Inatake ni Alena si Agane gamit ang kanyang kapangyarihan. Inanod si Agane. Ginamit naman ni Agane ang kanyang sandatang ginamit nya sa pagtusok kay Kahlil. Gumawa ng harang si Alena gamit ang tubig ngunit lumusot lang dito ang sandata ni Agane. Tutusok na sana yung sandata ni Agane ngunit napigilan ito ni Alena gamit ang kanyang espada.
Inihagis naman ni Agane ang kanyang espada kay Alena. Pinigilan ni Alena ang pagtama ng espada sa kanya gamit ang kanyang espada. Agad namang inatake ni Agane si Alena gamit ang kanyang sandata. Tinali nito ang kamay ni Alena, hinila ni Agane ang sandata nya ng malakas. Napasama si Alena.
Agane: Aaaaaaaaaaaa!!!!!!!
At ibinaksak nya si Alena sa lupa. Napasigaw naman si Alena sa sakit na naramdaman nya sa pagbagsak nya sa lupa. Nilapitan naman ni Agane ang bangkay ni Kahlil. Nakita ito ni Alena.
Agane: Tignan mo kung paano ko putulin ang ulo ng anak mo!
Alena: Huwag!!!
Itinaas na ni Agane ang kanyang espada para sa pagputol sa ulo ni Kahlil. Bigla syang hindi nakagalaw.
"Ano to? Hindi ako makagalaw! " sabi nya sa kanyang sarili.
Narinig nya na umaawit si Alena sa linggwaheng Encanta. Ang awit ni Alena ang naging dahilan para hindi makagalaw si Agane.
"Kaya nyang patigilin sa paggalaw ang isang nilalang gamit ang isang awit? " sabi ni Agane.
Lumapit si Alena kay Agane, kinuha ang sandata nito at itinali sa buo nyang katawan. Sa paa, kamay, at binti. Ipinwesto nya ang nakataling kamay ni Agane sa kanyang likod. Ibinuhol nya ito at kinuha nya ang espada ni Agane at itinusok sa nagkabuhol-buhol na kadena sa may likod ni Agane. Hinawakan nya si Kahlil at naglaho sila. Nagalit naman dito si Agane, binigay nya ang lakas nya para makawala sa pagkakatali sa kadena hanggang sa makawala sya.
Agane: Sang'gre Alenaa!!
Sigaw nya. Nagising na ulit si Agortho.
Agortho: Anong nangyari? Nasaan yung babaeng yun?
Lumapit sa kanya si Agane.
Agane: Mahina sya.
Agortho: Ang mga tao, nakatakas sila.
Pirena: Huwag kayong mag-alala. Maaaring makatakas sila sa atin sa ngayon, Pero hindi sila makakatakas sa atin habangbuhay.
Sabi ni Pirena na nasa mataas na lupa. Lumitaw naman mula sa likod ni Pirena ang maraming kawal ng Hathoria, mas marami sa ipinadala ni Agane para patayin ang mga mamamayan ng Rosas.
Samantala, sina Smag ay malapit nang makarating sa Orliba. Nakita na nila sa di kalayuan ang mga iilang bahay kubo.
Goust: Malapit na tayo.
Naitanong naman ni Smag kay Ngiti kung bakit di nalang nila gamitin ang libro ng mga numero na ginamit ni Ngiti sa pagpunta nya sa Encantadia. Sinabi naman ni Ngiti na iniwan muna nya sa bayan ng Orliba, baka maiwala pa nya kasi. Naitanong naman ni Smag sa kanyang ama kung ano ang tinutukoy nito sa Orliba na makapagpapabalik sa kanila sa mundo ng mga tao. Sinabi naman ng kanyang ama na may nakita syang libro ng mga numero sa may bayan ng Orliba.
Smag: Bakit di nyo nalang kinuha? Nakabalik na sana kami?
Juan: Mas ligtas sa Orliba ang librong yun.
Smag: Paano nyo naman nasabi?
Juan: Dahil nandoon ang kaibigan kong kayang protektahan ang mga ganung bagay.
Smag: Kung ganun ganito ang nangyari? Nung nagpunta dito si Ngiti, iniwan nya sa bayan ng Orliba yung libro. Saan mo nga pala eksaktong iniwan?
Ngiti: Sa isa sa mga puno doon.
Juan: Nahulog siguro yun. Nakita ko kasi na nasa lupa yung libro nung nakita ko.
Smag: Ok. Iniwan ni Ngiti yung libro sa puno pero nahulog ito. Nakita naman nito ng ama ko at ipinabantay sa kaibigan nya. Naintindihan ko na ang nangyari!
Goust: Sa madaling salita, kailangan lang nating magpunta doon, kunin ang libro sa kaibigan ng ama mo, at bumalik sa mundo ng mga tao.
Smag: Ganun na nga.
Luna: Kung ganun tayo na.
May napansin namang usok sa kalayuan si Besa. Pero di nya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Susunod: Patawad