Kabanata 28: Ang bayan ng Rosas

22 1 1
                                        

" Ilang taon na ang lumipas. Di man lang namalayan. Napag-iwanan na ng panahon ang ating bayan. Huli na tayo sa kabihasnan. Ang mga pangarap na dapat ginawa pa noon, hindi na natuloy. Ano na ang dapat nating gawin? Sabi ni Juan,  mapanganib na daw ang lugar na'to lalo na't malapit tayo sa kaharian ng Hathoria. Dapat na ba tayong lumikas? Paano ang mga alaala ng mga mamamayan dito sa lugar na'to? Karamihan sa kanila ay dito na namulat. Nakapag-ipon ng kahit konting mga masasayang alaala. Ano ang dapat naming gawin? " Sabi ng bagong pinuno ng bayan ng Rosas sa heneral ng Lireo.

Heneral ng Lireo: Wala tayong ibang pagpipilian.  Nakasalalay sa inyong desisyon ang buhay ng mga mamamayan sa bayan na'to.

Bagong pinuno ng bayan ng Rosas: Ngunit saan kami lilipat?

Heneral ng Lireo: Maaari kayong lumipat sa kaharian ng Lireo. Pero kung gusto nyo,  pwede din kayong lumipat sa kaharian ng Sappiro o sa kaharian ng Adamya kung hindi kayo sanay sa malayuang paglalakbay.

Nag-isip-isip ang bagong pinuno ng bayan ng Rosas. Masakit sa kanya at sa mga mamamayan ng Rosas na iwanan ang bayang kinagisnan. Ngunit kailangan din nyang alalahanin ang kanilang kaligtasan. Hindi rin sya sigurado kung magugustuhan nila ang kanilang lilipatan o kung magiging komportable ba sila doon. Kailangan nyang makapagdesisyon kaagad bago pa may mangyaring hindi maganda.

Samantala,  sina Smag, Luna, Goust, Besa, at si Juan kasama ang mga kasamahan nito ay naglalakbay sa gubat.  Medyo hindi pa sila nakakalayo sa bayan ng Rosas.

Juan: Ano?  May balak pa ba kayong bumalik sa mundo ng mga tao?

Goust: Oo naman!  Namimiss ko na ang mga pagkain doon!

Luna: Oo nga pala matanong ko lang. Ano nga pala ang nangyari bago tayo mapunta dito?

Besa: Umm...  ang naaalala ko ay..  di ko maalala. Ikaw Smag?  May naaalala ka?

Smag: Wala rin e.

Goust: Paano nga pala tayo makakabalik sa mundo ng mga tao?

Smag: Alam ko sinabi yun sa akin ni Ngiti.

Luna: Nandito si Ngiti?

Smag: Oo!  Huli ko nga sya nakita nung...

Biglang napatigil sa pagsasalita si Smag.  Naalala nya na kinuha si Ngiti ng higanteng gagamba.

Smag: Lagot!

Goust: Bakit?

Smag: Si Ngiti nga pala nakalimutan ko!

Ngiti: Smaaaag!!!  Lunaaa!!!  Nandyan lang pala kayo!

Dumating si Ngiti kasama ang higanteng gagamba.

Smag: Teka...  Yung...  Higanteng gagamba!

Ngiti: Huwag kang mag-alala.  Mabait sya.  Gusto lang naman nya tayong tulungan nung nasa bangin tayo,  ang kaso bumitaw ka.

Tumingin naman si Ngiti kina Luna.

Ngiti: Uy! Kamusta narin kayo?

Luna: Ayos lang naman.

Juan: Ngiti,  Ako nga pala si Juan at sila ang aking mga kasamahan.  Ikinagagalak ka naming makilala.

Ngiti: Ikinagagalak ko rin po kayong makilala.

Juan: Hanggang dito nalang muna tayo, kailangan nating magpahinga lalo na't gabi na. Bukas na tayo magpatuloy sa pagpunta sa bayan ng Orliba. Doon kayo makakakita ng kakailanganin nyo para makabalik sa mundo ng mga tao. Sa ngayon, dito muna tayo magpalipas ng gabi.

At gumawa sila ng kanilang mahihigaan na gawa sa kawayan. Pagkatapos ay naghanap sila ng mga makakain.

Nagtanong si Smag sa isa sa mga kasamahan ni Juan.

Smag: Nasaan po ang aking ama?

" Nandoon sa ilog nanghuhuli ng isda" sabi ng isang kasamahan ni Juan.

At pinuntahan nya ang kanyang ama. Pagkarating nya ay nagtanong sya.

Smag: Tay. Pwede ba tayong mag-usap?

Juan: Alam mo na ba?

Smag: Alam?  Ang alin?

Juan: Yung nangyari sa nanay mo.

Smag: Opo alam ko na po. Alam nyo rin po?

Juan: Ang kanyang pagkamatay ang nag-udyok sa akin na tuluyan ng lisanin ang mundo ng mga tao.

Smag: Wala na po kayong balak na bumalik?

Juan: Oo, matagal nang tapos ang aking buhay sa mundo ng mga tao. Ilang taon na ba ang lumipas? Di ko man lang namalayan. Naging walang saysay ang buhay ko sa mundo ng mga tao.

Smag: Huwag nyo pong sabihin yan. Nakilala nyo ang nanay ko. At nagmahalan po kayo.

Juan: Kung ganon hindi mo alam.

Smag: Hindi alam?  Ano po ang hindi ko alam?

Juan: Hindi ang iyong ina ang tunay kong minahal.

Smag: Kung hindi ang aking ina, sino?
Juan: Isang babaeng dayuhan. Nakilala ko sya nung nag-abroad ako sa isang bansa sa kanluran. May gusto ako sa kanya,  pero hindi nya nararamdaman iyon. Dahil may gusto syang iba. Wala akong nagawa. Nirespeto ko ang kanyang kagustuhan kahit na masakit. Simula nung umuwi ako sa Pinas,  di na ulit ako nakapag abroad at nag trabaho nalang ako sa isang palayan sa Pampanga.  Doon ko nakilala ang iyong ina. Isa syang mabuting babae,  pero hindi ako nagkagusto sa kanya. Lagi nya akong tinutulungan sa aking mga problema. Naging magkaibigan kami sa loob ng ilang taon hanggang sa nangyari ang hindi dapat nangyari. Sobrang nalungkot ako nang malaman ko na ikinasal na ang aking minahal sa kanyang minamahal at meron na silang anak. Parang gumuho ang mundo ko nang malaman iyon. Para mawala ang aking lungkot,  naglasing ako. Hindi ko na maalala kung ano ang nagawa ko nung araw na iyon. Makalipas ang ilang mga araw, nalaman ko na nabuntis ko ang inyong ina. Tinanong ko sya kung paano nangyari iyon. At nalaman ko na nalasing nga pala ako.  Wala kaming nagawa kundi gawin ang responsibilidad namin bilang isang magulang. Hanggang sa isilang ka ng iyong ina. Ewan ko pero parang napaka komplikado ng aking buhay. Pero ang lahat ng iyon, kinalimutan ko na. Nandito ako ngayon sa Encantadia upang magsimula ng panibagong buhay. At ikaw, kailangan mong bumalik sa mundo ng mga tao. Hindi pa tapos ang paglalakbay mo doon. Tandaan mo. Huwag mong gawin ang pagkakamaling ginawa ko noon. Hangga't buhay ka, gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang matapos mo ang iyong paglalakbay sa mundo ng mga tao ng hindi nagtatapos sa isang malungkot na katapusan.

Smag: Opo.

Besa: Nandyan pala kayo. May nahuli na po ba kayong mga isda? Hinihintay na po namin kayo.

Juan: Oo marami. Tayo na.

Smag: Opo.

Balik sa bayan ng Rosas

Naisip ng bagong pinuno ng bayan ng Rosas na mas mahalaga ang kaligtasan ng mga mamamayan kaya napagdesisyunan nya na lilikas sila bukas ng umaga. Sinabihan nya na mag-impake na ang mga mamamayan para sa paglisan bukas.



Susunod: Ang pwersa ng Hathoria



Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon