Blue Flames Special 8: Boyscout & Girlscout Camping Activity

11 1 0
                                    

Dumating na ang araw ng boyscout at girlscout camping activity sa paaralan ni Smag nung sya ay nasa grade 6. Excited na ang marami sa kanila dahil napabalitaan daw na makakasama nila ang mga highschool students at mag cacanping daw sila sa gubat. Excited sila dahil sa mga panahong iyon, sikat na sikat ang mga highschool dahil halos nasa kanila ang center ng kasikatan. Sikat na sikat ang mga tvshows na tungkol sa mga highschool life, movies at musicals na tungkol sa mga highschool awesomeness. Halos lahat ng mga bata noon niwiwish na sana makatuntong na agad sila sa highschool at iwanan na ang boring life ng pagiging bata. Pati sa mga talent at singing contest sa tv, puro mga teenagers din ang mga hinahanap. Halos sila din ang mga nakakaunang nakakagamit ng mga latest gadget na in. Sila rin ang halos nagpapasikat ng mga bagong kanta at sayaw na nagiging in.
Hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa iba't-ibang bansa sikat ang mga highschool.

Balik sa paaralan, ang mga elementary students ay nakapila sa isang malawak na field ng paaralan. Nasa harap nila ang stage kung saan umakyat ang principal ng paaralan. Nagsalita ang principal, pagkatapos ay may isang babae na umawit ng pambansang awit ng Pilipinas. Pagkatapos nagsalita ulit ang principal, sinabi nya na sa paaralan nalang daw gaganapin ang camping nila. Ang dahilan daw ay dahil masyado pa daw silang bata para magcamping sa mga kagubatan. Maraming nalungkot sa sinabi ng prinicipal. Sunod ay sinabi nya ang ibang bagay na dapat nyang sabihin.

Pagkatapos nagsimula na ang camping activity, ang mga bawat section ay nagpunta sa mga nakatalaga nilang classroom. May nakatalaga ding mga guro sa mga bawat section. Isang math teacher ang nakatalaga aa section ni Smag. Doon sa classroom, sinabi ng teacher nila ang activity.

Ito ang activity

Ang bawat section ay may bandila sa mga nakatalagang classroom nila, pwede itong kunin ng ibang section para maeliminate ang isang section sa activity. Pero hindi ito ang magpapanalo sa isang section, dapat nilang kompletuhin ang mga papel na magbibigay sa kanila ng ticket para makapasok sa final stage ng acivity. Merong tatlong papel na kailangan nilang kunin. Ang isa ay nasa Big Mommy Cupcake Arcade Paradise (isang arcade malapit sa paaralan nila), ang isa naman ay nasa Land of Wander Wand (pangalan ng isang perya malapit sa paaralan nila), at ang isa ay nakay Marko (ang pinakakilalang guro sa kanilang paaralan, tinagurian din syang Phoenix teacher ng mga estudyante na naturuan nya) sa kanya ang pinakamahirap dahil kailangan pa syang hanapin ng mga estudyante.

Sinabi ng teacher kung ano ang strategy nila. Sa iba kasi hinati nila sa dalawang grupo ang section nila, ang isang grupo ay tagabantay at ang isa ay tagahanap. Ang iba naman ay lahat sila naghanap kaya nakuha ng ibang section ang bandila nila. Ang iba naman, inuna muna nilang kunin ang mga bandila ng ibang section.
Ito naman strategy nila na sinabi ng teacher na nakatalaga sa kanilang section. Hanati sa limang grupo ang section nila. Ang unang grupo ay magbabantay, ang pangalawang grupo ay ang kukuha sa bandila ng ibang section. Ang tatlong grupo naman ang maghahanap sa mga papel. Ang pangatlong grupo ang hahanap sa Land of Wander Wand, ang ikaapat na grupo ang hahanap kay Marko, at ang ikalimang grupo kung nasaan si Smag ang hahanap ng papel na nasa Big Mommy Cupcake Arcade Paradise.

At nagsimula na sila.
Sina Smag ay nagpunta sa Arcade nayun. Pagpasok nila, nakita nila ang ibang section na nakikipaglaban sa anak ni Big Mommy Cupcake (kaya tinawag na Big Mommy Cupcake dahil ang may-ari ng arcade ay isang malaki at matabang babae na mahilig sa cupcake). Meron syang isang anak na nasa highschool na, si Oath. Hindi sya sumama sa camping ng mga highschool.

Eto ang dapat nilang gawin, kailangan nilang talunin si Oath sa Tekken 5 para makuha ang papel. Natalo ang nakikipaglaban sa kanya. Sumunod naman ang grupo nila Smag. Isa sa kanila ay nakipaglaban kay Oath pero walang makatalo, Si Smag naman ang sumunod na kumalaban sa kanya. Nag start na ang game, mabilis na naaatake ni Oath ang character na gamit ni Smag.

"Tsk! Ang bilis ng kamay nya! Matatalo ako neto." sabi nya sa kanya sarili.

At natalo nga sya.

4 hours later

At nagsibalik na sila sa mga classroom nila, niilan nalang ang mga natitirang section dahil na eliminate na ang iba. Bumalik na sina Smag sa classroom nila. Doon, nalaman nila na isang papel lang ang nakuha nila,yung papel na makukuha kay Marko, nakuha daw nila ito nung makita nila si Marko, di daw sila nahirapan dahil ibinigay naman agad ni Marko sa kanila yung Papel nung makita nila sya. Sinabi naman ng grupo ni Smag kung bakit hindi nila nakuha yung nasa arcade. Sinabi naman ng isa pang grupo kung bakit di nila nakuha ang papel sa perya, makukuha lang kasi ang papel pag natalo mo sa isang quiz ang babaeng student ng Biclatan National Highschool.







Walang nanalo sa activity pero nenjoy naman kahit paano. Nagsi-uwian na ang mga estudyante.

Kasama ni Smag sa pag-uwi ang ilang mga kaklase nya. Nag-uusap sila tungkol dun sa activity. Nasabi ng isa sa mga kaklase nya na kaya hindi nila natalo si Oath sa arcade kanina dahil obvious naman na mas marami nang experienced si Oath kaysa sa kanila dahil bata pa lang daw ay naglalaro na sya ng mga arcade games. Nasabi naman nya na kaya naman walang nakatalo sa babaeng student kanina sa perya dahil obvious din naman na mas marami na syang kaalaman kaysa sa kanila dahil nasa highschool na sya. Tapos napag-usapan naman nila ang mga nangyari sa school nung wala yung mga grupong naghahanap sa mga papel.

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon