Kabanata 5: Ang Kwento ni Bathala

429 4 0
                                    

Pagsikat ng araw, nagising bigla si Caver dahil sa malakas na katok sa pintuan.

Caver: (Binuksan niya yung pinto). Sino yan?

Ersiya: Magandang umaga Caver.

Caver: Mgandang umaga rin Ersiya, anong kailangan mo? Teka paano mo nalaman ang bahay ko?

Ersiya: Napadaan kasi ako kanina dito at nakita ko kayo ni Eltin na nag-uusap at narinig ko ang pinag-usapan ninyo.

Caver: Bakit hindi kita nakita kanina?

Ersiya: Masyado pa kasing madilim kanina kaya hindi mo ako napansing dumaan.

Caver: Ahh ok, ano nga ulit yung kailangan mo?

Ersiya: Diba sabi ni Eltin ikaw ang bibili ng sarili mong gamit? At alam kong hindi ka pa sanay dahil may ibang bumibili dati sa mga gamit mo.

Caver: Paano mo nalaman hinulaan mo?

Ersiya: Halata lang sa mukha mo.

Caver: Ahh ganun ba, tapos?

Ersiya: Gusto kitang tulungan sa ngayon habang hindi ka pa sanay.

Caver: Salamat. Ahh, puwede mo ba akong samahan kung saan ko kukunin yung perang gagamitin ko sa pamimili? Sigurado naman akong alam mo kung saan kukunin dahil nauna ka na sa akin dito?

Ersiya: Pumunta ako dito para sabihin sa iyo na sasamahan kita sa pamimili ng iyong mga kagamitan, hindi samahan ka sa pagkuha ng perang gagamitin mo. Siguro naman sinabi na sa iyo ni Eltin kung saan kukunin yung pera diba?

Caver: Oo, sabi niya sa akin kukunin ko yung pera sa tribong Unpo pero hindi ko alam kung kanino?

Ersiya: Kung ganon magtanong ka.

Caver: Kahit kanino?

Ersiya: Oo, basta magtanong ka. Sige babalik muna ako sa tinitirhan ko, puntahan mo na lang ako kapag nakuha mo na yung pera.

Caver: Teka lang sandali, saan nga pala yung tinitirhan mo?

Ersiya: Diretsuhin mo lang ang kalsadang yan tapos kapag may nakita kang puno ng mangga makikita mong may dalawang daan, doon ka lumiko sa kaliwa tapos may madadaanan kang tulay diretsuhin mo lang iyon tapos may makikita kang malaking bahay at doon ako naninirahan. Doon mo ako pupuntahan ok?

Caver: Ok.

Ersiya: Sige alis na ako.(At umalis na si Ersiya).

Pumasok na ulit sa loob ng bahay si Caver para kumain dahil tanghali na, umupo na siya sa lamesa. At bigla niyang naisip na wala rin pala siyang pagkain. Sabi niya.

Caver: Kailangan kong bumili ng pagakain, kailangan ko ng kunin yung pera.

Papalabas na sana siya nung bigla siyang napalingon sa bintana at nakita niya ang mga tanim na gulay sa likod ng kanyang bahay ngunit hindi siya marunong magluto kaya lumabas na siya para kunin yung pera. Sanay na siyang bumuli ng pagkain dati nung nandoon pa siya sa Cavite kapag sinabi ng kanyang tito na hindi agad makakauwi, pero delata lang ang kaya niyang bilhin dahil hindi nga siya marunong magluto.

At pumunta na siya sa tribong Unpo, balak na sana niyang magtanong sa mga tao roon ng bigla niyang nakita si Chord na papunta sa isang ilog at sinundan niya ito. Nung nakarating na sa ilog si Chord nagtago sa isang puno si Caver para hindi siya makita ni Chord. Nakita niya ang ginawa ni Chord, naghugas ng kamay at mukha at biglang may lumitaw na pera sa ilog at kinuha ito ni Chord at sinabing " Maraming salamat po" at umalis na.Pagkaalis ni Chord lumapit sa ilog si Caver at ginawa niya kung ano ang ginawa ni Chord ngunit walang lumitaw na pera, nagtaka siya. Maya-maya ay may lumitaw na isang napakagandang babae, punung-puno ng bulaklak ang kanyang buhok at may mga nagliliparang makukulay na paro-paro sa kanyang paligid at tinanong siya.

Diwata Dinaria: Iho anong kailangan mo?

Nagulat si Caver pero nakasagot siya sa tanong ng diwata.

Caver: Umm? Kailangan ko po ng pera pambili ng aking pagkain at mga kagamitan.

Diwata Dinaria: Ang iyong nais ay masusunod.

Nilublob ng diwata ang kanyang kamay sa tubig at may lumitaw na pera at kinuha ito ni Caver.

Caver: Maraming salamat po, ano pong pangalan nyo?

Diwata Dinaria: Ako si Diwata Dinaria ang  diwata ng mga hardin. At ikaw siguro si Caver, tama ba ako iho?

Caver: Opo tama po kayo.

Diwata Dinaria: Kung gayon kailangan mong malaman ang iyong katotohanan.

Caver: Opo nasabi na po iyan ni Eltin sa akin.

Diwata Dinaria: Halika, sumunod ka sa akin at ipapakita ko sa iyo ang katotohanan sa iyong pagkatao.

At sumunod si Caver sa diwata at pumunta sila sa isang napakagandang hardin. Sabi ni Dinaria.

Diwata Dinaria: Iho lumingon ka sa salamin na iyan para makita mo ang iyong katotohanan.(At lumingon si Caver sa salamin).


Diwata Dinaria: Aking mahiwagang salamin ipakita mo at sabihin mo ang katotohanan sa pagkatao ni Caver Aidem.(At biglang nagsalita ang mahiwagang salamin at may ipinakita kay Caver).

Mahiwagang Salamin:Sa simula ng panahon mayroong tatlong malakas na mga diyos na nanirahan sa uniberso.Si Bathala ang tagapangalaga ng ​​lupa, si Ulilang Kaluluwa isang malaking na ahas na nanirahan sa mga ulap, at si Galang Kaluluwa isang may pakpak na diyos na mahilig maglakbay.Ang tatlong mga diyos ay hindi alam ang bawat isa. Pinapangarap ni Bathala ang paglikha ng mga mortal ngunit humihinto sa kanya ang walang lamang mundo mula sa paggawa nito. Si Ulilang Kaluluwa na malungkot din gaya ni Bathala, ang gumusto upang bisitahin ang mga lugar at ang lupa  ang kanyang paborito. Isang araw nagkita ang dalawang mga diyos. Si Ulilang Kaluluwa ay nakakakita ng isa pang diyos at hindi siya nalulugod. Hinamon niya si Bathala sa isang away upang magpasya kung sino ang magiging pinuno ng uniberso. Pagkatapos ng tatlong araw at tatlong gabi, si Ulilang Kaluluwa ay namatay sa pamamagitan ni Bathala. Sa halip ng pagbibigay sa kanya ng maayos na libing,  sinunog ni Bathala ang labi ng ahas. Ilang taon na ang lumipas ang ikatlong diyos, si Galang Kaluluwa ay pumunta sa bahay ni Bathala. Tinatanggap ni Bathala ang may pakpak na diyos ng may higit na kagandahang-loob at  Inimbitahan siya na manirahan sa kanyang kaharian. Sila ay naging totoong  magkaibigan at  nagpakasaya  sa maraming mga taon. Si Galang Kaluluwa ay nagkaroon ng napaka-masamang pakiramdam. Bago siya namatay sinabi niya kay Bathala na ilibing siya kung saan nakalibing ang sunog na katawan ni Ulilang Kaluluwa. At ginawa nga niya ang sinabi ni Galang Kaluluwa. Sa labas ng puntod ng dalawang patay na diyos ay may isang mataas na puno na may malaking bilog na may kulay ng nuwes. At iyon ang puno ng niyog. Kinuha ni Bathala ang niyog at tinignan niya ito.Napansin niya na ang panloob na balat ay matigas.Ang kulay ng nuwes mismo ang nagpaalala sa kanya ng ulo ni Galang Kaluluwa na may dalawang mata, may ilong, at may bilog na bunganga. Ang dahon naman nito ay nagmumukhang mga pakpak ng kanyang matalik na kaibigan. Ngunit ang kahoy ng puno ay matigas at pangit, kagaya ng katawan ng kanyang kaaway na ahas na si Ulilang Kaluluwa. At naisip ni Bathala na handa na siyang lumikha ng mga nilalang na gusto niyang makasama sa mundong ito. Gumawa siya ng mga iba't-ibang uri ng mga halaman, mga hayop, at ang unang lalaki at babae. Gumawa siya ng mga bahay para sa kanila. Gumawa rin siya ng mga pagkain at maiinuman nila. At sa mga dahon ng niyog nadiskubrehan ng mga tao ang paggawa ng sumbrero at walis. Ang hibla nito ay maaaring gamitin para sa lubid at marami pang ibang mga bagay. At doon nagsimula ang pamumuhay ng mga iba't-ibang nilalang na nilikha ni Bathala sa mundong ito.

Caver: Anong koneksyon ni Bathala sa katotohanan ng aking pagkatao?

Ano nga ba kaya ang koneksyon ni Bathala sa pagkatao ni Caver?

Abangan ang susunod na Kabanata...

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon