Nakarating na sa kaharian ng Lireo sina Amihan at Danaya. Tinanong nila si Ynang Reyna Minea kung bakit sila ipinatawag. Sinabi naman ni Reyna Minea na kailangan ng mga kawal ng Lireo ang tulong nila dahil ang mga Hathorian ay nagpapasiklab na ng digmaan sa mga lugar na malapit sa kaharian ng Hathoria. Kaya agad na silang tumungo sa kampo ng Lireo doon kasama ang maraming kawal ng Lireo.
Samantala, Si Juan at ang kanyang mga kasamahan kasama ang mga ilang kalalakihan sa bayan ng Orliba ay kasalukuyang nakikipaglaban sa mga kawal ng Hathoria. Ginagamit ni Juan ang kanyang sagradong hangin sa pakikipaglaban sa mga kawal ng Hathoria pero medyo nahihirapan parin sya dahil may mga dumarating pang mga kawal. Ang ibang bahay sa Orliba ay nagkasira-sira na.
Pero nagaganap ngayon ang malawakang digmaan sa hilagang timog ng Hathoria kung saan malapit ang ginawang kampo ng Lireo.
Sa kampo ng mga kawal ng Lireo.
Ang limang heneral kasama ang hari ng Sappiro na si Rama Ybrahim ay pinagpaplanuhan ang mga susunod na gagawin upang pigilan ang itinuturing nilang pananakop ng mga Hathorian.
May mga ilang bayan na kasing nasakop ng mga Hathorian at meron narin silang sinunog na bayan. Mga dalawamput anim na mga tao ang mga pinatay ng mga Hathorian at labing isa ang mga kasalukuyan nilang mga bihag. Mas marami ding namamatay na mga kawal ng Lireo kaysa sa mga kawal ng mga Hathor. Natanong ito ni Rama Ybrahim kung bakit mas maraming kawal ng Lireo ang namamatay.
Sinabi ng isang heneral na kaya hindi agad nababawasan ang mga Hathorian dahil may mga gamit silang hindi kayang tapatan ng mga kawal ng Lireo, mga makabagong armas. Sila ay nabahala dito.
Bigla namang may dumating na isang kawal at sinabing nasa pagamutan ng kampo si Alena kasama ang kanyang anak na mukhang walang malay. Pinuntahan ito ni Ybrahim at nakita nya si Alena na umiiyak sa nakahigang katawan ni Kahlil. Dahan-dahan syang lumapit at tinanong kung anong nangyari kay Kahlil. Sinabi naman ni Alena na wala na si Kahlil. Ikinagulat ito ni Ybrahim, humingi naman sya ng paumanhin kay Alena dahil hindi nya ito naipagtanggol.
Susunod: Nasayang
