Isang magandang umaga ang gumising kay Imana. Isang simpleng dalaga na namumuhay sa bayan ng Orliba. Pagkagising nya, sya ay nagpunta sa kanyang tito para kumuha ng pagkain para sa almusal. Si Imana ay mag-isa nalang na namumuhay, namatay sa digmaan ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay namatay sa isang sakit.
Binigyan sya ng isang kamote at mga gulay. Pagkauwi nya sa kanyang bahay, binalatan nya ang kamote gamit ang isang punyal at hiniwa naman nya ang mga gulay. Pagkatapos ay kinuha nya ang isang palayok at sya ay nagpunta sa ilog na nalapit lang sa kanyang bahay para kumuha ng tubig. Habang kumukuha sya ng tubig ay napansin nanaman nya ang isang ibon na lagi nyang napapansin sa tuwing kukuha sya ng tubig sa ilog tuwing umaga. Ang ibon ay lumilipad sa ilog ng paikut-ikot. Nagtataka si Imana sa ginagawa ng ibon dahil mukhang di yun normal sa isang ibon lalo na kung wala naman itong hinuhuling isda.
Pagkatapos nyang kumuha ng tubig ay bumalik na sya sa kanyang bahay para magluto. Inilagay nya ang kamoteng hiniwa nya sa palayok. Pagkatapos ay nagsindi sya ng apoy sa pamamagitan ng pagkiskis ng dalawang bato sa gitna ng mga batong pinagdikit-dikit nya ng pahugis bilog. Nang makagawa ng sya ng apoy ay nilagyan nya ito ng mga sanga ng puno at saka inilagay nya ang palayok. Una nyang pinakuluan ang kamote. Nang lumambot na ang kamote saka naman nya isinali ang mga gulay. Nang lumambot narin ang mga gulay ay nilagyan nya ng mga pampalasa ang palayok. Ang mga pampalasa ay kinuha nya sa mga maliliit na mga palayok, hinalo-halo nya hanggang sa magkalasa ang niluluto nya. Nang natapos syang magluto ay kinuha nya ang palayok saka patay sa apoy.
Pagkatapos ay kumuha sya ng isang maliit na panandok para makain nya ang nasa loob ng palayok. At sya'y nagsimula nang kumain ng kanyang almusal.
Nang matapos syang kumain ng almusal, sya ay nagpunta sa pamilihan sa kanilang bayan para mamimili ng mga pagkain para sa mga alaga nyang mga manok.
Habang sya ay namimili ay napansin nya ang madaming tao sa pasukan ng bayan nila na mukhang may pinagkakaguluhan. Lumapit sya dito, nakiraan sya sa maraming tao para makalapit sa unahan. Pagkalapit nya sa unahan ay nagulat sya sa kanyang nakita. Sampung tao na matatangkad. Ang kanilang balat ay halos kakulay ng puting buhangin. Ang isa sa kanila ay kulay dilaw ang buhok at sila'y nakasuot ng mga kakaibang damit na kulay itim,yung iba ay nakasuot ng damkt na hindi mo maipaliwanag. Parang pangdigma pero hindi ito baluti. Sila ay mukhang nag-uusap-usap pero di maintindihan ang kanilang mga sinasabi. Ibang linggwahe ang kanilang ginagamit.
Dumating naman ang namumuno sa bayan nila at tinanong kung sino sila, saan sila nanggaling at ano ang dahilan ng kanilang pagpunta sa bayan ng Orliba.
"I'm sorry, we don't understand you." sabi ng lalaki na kulay dilaw ang buhok. "Can you tell us where are we?" dagdag pa nito. "Anong sinasabi mo?" tanong ng namumuno sa bayan ng Orliba.
"Man I'm hungry!" Sabi ng isang lalaki. Tinanong naman ng lalaking kulay dilaw ang buhok kung meron ba silang makakainan sa lugar na'yon. Gumalaw sya na parang kumakain habang tinatanong nya iyon para maintindihan nila ang ibig nyang sabihin."Ah nagugutom kayo. Halikayo dito." sabi ng namumuno sabay turo ng kanyang dalawang kamay patungo sa kanyang bahay. Sinundan naman nila ang namumuno hanggang sa makarating sila sa bahay nito, doon sila pinakain.
Naalala naman ni Imana na kailangan pa nyang pakainin ang kanyang mga alagang manok kaya bumalik na agad sya sa kanyang bahay.
Pagbalik nya sa kanyang bahay ay pinakain na nya ang kanyang mga alaga sa kanyang bukid. Habang pinapakain nya ang mga ito ay napansin nya na wala na pala silang maiinuman. Kaya nagtungon sya sa ilog para kumuha ng kanilang maiinuman.
Papalapit na sya nung makita nya ang lalaki na kulay dilaw ang buhok na nakaupo sa isang kakaibang disenyo ng upuan. May hawak itong isang mahabang bagay na kulay itim at may mga tali na nakakabit dito. Ang tali ay umaabot hanggang sa tubig. Hindi maintindihan ni Imana ang ginagawa ng lalaki. Maya-maya ay gumalaw na ang tali na nasa tubig. Hinila ito ng lalaki at lumitaw ang isang isda na nakatusok sa isang matulis na bagay na nakakabit sa tali.
Nagulat dito si Imana kaya pinigilan nya ito.
Imana: Itigil mo yan!
Napalingon naman yung lalaki sa kanya. Nagkatinginan sila tuloy.
Susunod: Kaalaman mula sa ibang mundo