Kabanata 37: Misyon sa Bundok

13 1 0
                                    

At hinila ni Aghar si Goust kaya pareho silang nahulog. Sinubukan namang tulungan ni Smag si Goust ngunit pinigilan sya ni Luna.

Smag: Pero hindi naman sya nagsakripisyo!

Luna: Ganun na rin yun. At Huwag kang mag-alala, hindi lahat ng nagsasakripisya namamatay. Kahit paano ay may alam na sya sa pakikipaglaban kaya siguradong kakayanin nyang kalabanin yung kalaban.

Tinawag sila ni Imana at pinagsabihan sila na pumasok muna sila sa loob ng barko para makapagpahinga.

Samantala, sina Goust at Aghar ay nahuhulog sa himpapawid. Nakita ni Goust na malapit na silang bumagsak sa mga puno. Kaya ang ginawa nya ay pinalabas nya ang kanyang kapangyarihang buhangin at gumawa ng malapad na lupang buhangin na nakadikit sa ibabaw ng mga puno. Hindi sya nasaktan sa pagbagsak dahil naranasan narin nya ito noon sa isang misyon nila sa isang bundok. Si Aghar naman ay nagpalabas ng kanyang kadena, nagkaroon naman ng apat pang kadena sa dulo nito at tumusok ito sa lupa. Tumigas ito kaya nagmistula itong bakal kaya hindi sya bumagsak. Pagkatapos tinignan nya si Goust.

Aghar: Nakikita ko sa iyong katayuan na marunong kang makipaglaban ngunit hindi ka bihasa.

Itinutok nya ang kanyang espada kay Goust.

Aghar: Hindi ako mahihirapang tapusin ang buhay mo.

Goust: kawal ka lang at wala pang kapangyarihan. Wala kang tyansang mapatay ako.

Aghar: Hindi ako basta kawal lang. Ako si Aghar, alagad ni guro Agane.

Smantala, si Besa ay pinaghahampas parin ng bakal ang pasatsat. Ngunit tinatanggap lang ito ng pasatsat na parang hindi nasaksaktan.

Besa: Kuso! Kailangn kong malaman ang kahinaan nya.

Bigla namang nagpalobo ng asido ang pasatsat sa bibig nito. Nabahala dito si Besa dahil paniguradong pasasabugin nya ito para kumalat sa buong paligid. Wala syang matataguan maliban sa butas sa itaas kung saan dumaan yung airship. Agad syang tumakbo nang mabilis. Base sa kanyang kalkulasyon, aabutin pa ng isang daan at pitomput pitong segundo bago mapasabog ng pasatsat ang lumolobong asido sa bibig nito. Nakita sya ng pastsat at nalaman nya na papunta ito sa butas sa itaas para makaiwas sa pagsabog. Bigla namang lumaki ng kaunti ang braso ng pasatsat at bumilis ang paglobo ng asido.

Makalipas pa lamang ng pitong segundo ay sumabog na agad ito. Narinig ni Besa ang tunog ng pagsabog. Natamaan ng asido ang kanyang buong likuran bago pa sya makaabot sa aakyatan. Napasigaw sya sa sakit. Napuno ng maraming pasa ang buo nyang likod mula paa, kamay hanggang sa ulo. Halos nakalbo rin ang buhok nya sa likod ng kanyang ulo. At nawalan sya ng lakas para bumangon.

Lumapit sa kanya ang pasatsat, hinawakan ang kanyang leeg at hinagis sya sa mabatong pader ng kuweba. Ito'y nawasak at pumasok sya sa loob. Pjmasok dito ang pasatsat. Makikitang may malaking lawa sa likod nang pader sa kweba. Hindi rin ito gaanong kalaliman. Hanggang tuhod lang ang babaw ng lawa.

Lumingun-lingon ang pasatsat sa paligid para hanapin si Besa. At biglang lumitaw si Besa sa tubig sa harap nya at malakas nyang inatake ito gamit ang mahabang kukong metal at sinipa sya ng malakas kaya tumilapok sya. Nag-iba na ang itsura ni Besa. Naging taong-ahas na sya, Nangyari ito dahil sa tubig.

Besa: Ngayon, pareho na tayong halimaw.







Susunod: Paumanhin

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon