At umakyat si Alena sa mga nag-aangatang mga lupa gamit ang kanyang kapangyarihan ng brilyante ng tubig para puntahan si Danaya. Habang nagsisiangatan ang mga lupa ay nagkakaroon naman ng mga lupa sa gilid nito na humahaba sa ibang direksyon at bumabangga sa ibang mga lupang nagsisiangatan. Dito dumaan si Alena para makalipat ng lupang aakyatan para mapuntahan sina Danaya. Ang kalahati ng kanyang katawan ay napapalibutan ng tubig na syang umaandar na parang alon paakyat.
Samantala, si Danaya ay nagpakawala ng mga malalakas na atake kay Agane. Mga lupang animo'y parang tela na sumasabay sa galaw ng kanyang kamay at paa na bigla nalang umaangat sa mga lupang inaapakan nila ngayon. Habang si Agane naman ay sinisira ang mga paparating na atake sa kanya gamit ang kanyang sandata na may kadena.
Agane: Kung gayon ay ganito pala ang tunay mong lakas Danaya. Nakakalungkot isipin ngunit isa kang diwatang hangal na hindi nag-iisip sa mga ikikilos mo.
Danaya: Aaaaaahhhh!
At nagpatuloy sa pag-atake si Danaya. Si Agane naman ay patuloy ring sinisira ang mga lupang atake ni Danaya na paatake sa kanya.
Agane: Para kang isang batang madaling mapikon.
At biglang may lumitaw na mga kadena sa lupang kinatatayuan ni Danaya. Idinaan pala ni Agane ang ilang mga kadena nya sa ilalim ng lupa habang pinipigilan ang mga atake ni Danaya. At tinali nya si Danaya sa kanyang kadena kaya natigil rin ang pag-atake nito sa kanya. Ngunit nagkaroon ng malakas na yanig sa mga kadena ni Agane na halos hindi nya mapigilan hanggang sa sinira ni Danaya ang kadenang nakapalibot sa kanyang katawan.
At gamit ng kanyang brilyante ng lupa ay mabilis nyang inilipat ang kanyang pwesto kay Agane na parang putik na gumagalaw sabay hinampas nya si Agane kaya tumilapok sya ng malayo.
Agane: Aaah!
At mabilis na tumalon si Danaya sa ere para puntahan si Agane na nasa ere sabay hinampas nya ulit sya. Paulit-ulit nyang pulinaghahampas ng mabilis si Agane. Wala syang problema sa pag-atake kay Agane na nasa ere sapagkat ginagamit nya ang brilyante ng lupa upang magkaroon sya ng tatalunan para makapunta agad kay Agane na nasa ere. Hindi na makaatake si Agane dahil sa bilis ng paghampas at pagsuntok sa kanya ni Danaya. Duguan narin sya dahil sa kanyang kasalukuyang sinasapit.
At bumagsak si Agane sa isang umaangat na lupa. Lumapag naman si Danaya dito. Hindi na ulit hinampas ni Danaya si Agane dahil nakita nya na malala na ang kondisyon nito.
Danaya: Kaaway kita pero hindi kita papatayin. Sapat na sakin na makitang basag ang mukha mo.
Lumapit si Danaya kay Agane para sana kunin ang sandatang ginagamit nito nang biglang bumalik ang kanyang normal na estado. Ang kanina'y puting mata nya ngayon ay naging normal na ulit.
Danaya: Ano?
Matamlay na pagkasabi ni Danaya. Tumamlay sya sapagkat nagpakawala sya ng malakas na enerhiya ng brilyante kaya't sya ay halos mapatumba. Napadapa sya sa sobrang pagod. Tumigil narin sa pag-angat ang mga lupa. Nakita naman ito ni Agane. Naisip nya na ito na ang pagkakataon para gumanti kaya dahan-dahan syang tumayo at lumapit kay Danaya na sa mga oras na iyon ay tuluyan nang natumba.
Agane: Hahahaha. Hahahahahahahahaha! Sinabihan na kita.
At tinapaktapakan ni Agane ang ulo ni Danaya.
Agane: Wala kang kwenta! Sa tingin mo papayag akong ikahiya mo ko kay haring Hagorn? Sinira mo pa ang mukha ko. Ang mukha ng isang magaling na kanang kamay ng hari ng Hathoria. Walang hiya ka! Ito ang nararapat sa ginawa mo sa akin!
At nilakasan pa nya ang pag-apak kay Danaya habang nagsasalita na tumatawa na pagalit.
Agane: Eto pa! Iyan! Iyan! At eto!
Sigaw nya. Pagkatapos ay tumigil sya at huminga ng malalim.
Agane: Natalo narin kita sa wakas Danaya. Ako ang huling humalakhak. Natalo ka. At matatalo rin ang inyong kaharian!
Bigla namang dumating si Alena at nagulat sya ng makita nya ang sinapit ni Danaya.
Alena: Danaya!
Agane: Andito ka narin pala.
Lumingon si Alena kay Agane na may halong galit na lungkot.
Alena: Sumosobra ka na Agane!
Sigaw ni Alena sabay nagpakawala sya ng tubig sa kanyang brilyante para atakihin si Agane. Ginamit ni Agane ang kanyang sandatang kadena upang pigilan ang tubig ni Alena. Sabay mabalis nyang isinunod ang mga iilang kadena para itali si Alena. Tinali rin ni Agane ang mga kamay ni Alena upang hindi nya maipalabas ang kapangyarihan ng kanyang brilyante.
Pinipilit na kumawala ni Alena ngunit hindi sya makawala.
Alena: Pakawalan mo ako!
Agane: Siguradong msisiyahan sa akin si haring Hagorn sapagkat may dala akong dalawang regalo para sa kanya.
At may dumating na isang sasakyang panghimpapawid ng mga hathorian. Inutusan ni Agane na isakay sya kasama ang walang malay na si Danaya at ang nakatali sa kadena nya na si Alena.
Alena: Dalhin mo ako kay haring Hagorn.
Kawal ng hathoria: Masusunod po.
At lumipad ang sasakyang iyon papunta sa kaharian ng Hathoria.
Bigla namang nagsidatingan ang maraming hukbo ng mga hathorian. Nagulat ang mga kawal ng Lireo, Sappiro at ang mga mulawin. Dumating din ang maraming sasakyang pangdigma ng mga hathorian. Dahil sa dami nila ay hindi nakayanan ng pinagsamang mga kawal ng Sappiro at Lireo laban sa mga hathorian. Sinabihan ng mga heneral na umatras ang mga kawal at bumalik sa kampo.Sa himpapawid naman habang umaandar ang sasakyang sinasakyan nina Agane ay nagsalita si Alena.
Alena: Hindi kayo magawawagi.
Agane: Huli na ang lahat para sa inyo Alena. Nanalo na kami. Tinitiyak ko na yan.
Alena: Nagkakamali ka Agane. Maaari ngang matalo nyo kami ngayon subalit may mga darating para talunin kayo.
=============================
Nagpapakawala ng mga kapangyarihang buhangin si Goust para atakihin ang mga hathoriang sumusugod sa kanya.
=============================
Alena: Mga bagong sibol ng mga bunga na mananaig laban sa inyo.
=============================
Sa kweba kung saan nakahandusay ang katawan ni Besa. Bumalik narin ang naputol nyang kamay. Wala parin syang malay ngunit medyo gumalaw ng kaunti ang kanyang daliri.
============================
Alena: Ang henerasyong pinagkaitan ng kanilang mundo. Sila ang hinihintay ng Encantadia.
============================
Nagtitinginan naman sina Smag at Pirena sa madilim na gubat. Inaalam at naghahanda sa kung ano ang gagawin ng isa.
============================
Agane: Iniaasa mo ang pagwawagi ninyo sa mga bata at baguhang nilalang galing sa ibang mundo? Nahihibang ka na Alena.
Alena: Marunong kang tumingin sa salamin Agane.
============================
Tuluyan nang lumubog ang araw at dumilim narin sa paligid. Gabi na.
Nakatayo na si Luna mula sa pagkakatumba nya kanina. Tinignan nya ang paligid. Hindi nya nakita ang katawan ng tikbalang si Senturok.Luna: Tsk! Mukhang buhay sya.
Lumingon naman sya sa direksyon kung saan tumungo sina Smag.
Susunod: Smag vs Pirena