Oktubre. Ang buwan kung saan laganap ang katatakutan sa paligid. Sa ibang bansa ang tawag dito ay halloween. May mga paaralang nagsasagawa ng mga halloween party sa buwan na ito. Ang mga pribadong eskwelahan lamang sa elementraya ang magsasagawa ng halloween party. Ang mga highschool ay magsasagawa din ng halloween party pribado man o publiko. Si Smag ay nasa elementaryang eskwelahan na pampubliko kaya wala silang halloween party.
Ang ibang mga bahay ay nilalagyan ng mga halloween design ang kanilang bahay.
Uso din ang mga katatakutan na kwento na ikinikwento ng mga lola sa kanilang mga apo para hindi sila magmatigas ng ulo sa buwan ng katatakutan.
Ang iba naman ay hindi inaadopt ang halloween, sa halip ay pinaghahandaan na nila ang pasko kahit malayo pa ang buwan ng pasko. Ito ang tinatawag nilang BerMonth.
Laganap din ang mga iba't-ibang klase ng gulo sa mga kalye at kalsada gaya nang nakawan, patayan, at panggagahasa sa mga babae at dalaga.
Tatlong kwento ang ibabahagi ngayong taon.
Unang kuwento
May mga batang paslit ang naglalakad sa kailaliman ng gabi. May nadaanan silang tindahan na pasara na. Nakita nang tindera ang mga bata. Sinabihan nya ito.
Tindera: Ay anong ginagawa nyo? Bakit kayo naglalakad sa kailaliman ng gabi?
Bata 1: Maglalaro lang po kami sa may bukid.
Tindera: Ay nako mga batang to! Siguradong hinahanap na kayo ng mga nanay nyo. Ang mabuti pa umuwi na kayo. Baka mamaya kunin kayo ng mumu.
Biglang nakaramdam ng takot ang mga bata sa narinig nila.
Bata 2: Mu.... mu?
Tindera: Oo. May mumung gumagala sa kalasada sa kailaliman ng gabi na nangunguha ng mga bata. Lalo na yung mga pumupunta sa bukid. At yung gumagala.
Bata 3: Ano po yung itsura nang mumu?
Tindera: Nababalutan sya ng puting tela.
Tindera: At alam nyo ba kung nasaan na sya?
Bata 1: Nasaan po?
Tindera: Nasa likod nyo.
Mabilis na pagsabi ng tindera sabay turo sa likod nila na kunwari na nandoon ang mumu.
Mga bata: Aaaaaaah!!!
Sigaw ng mga bata sabay takbo papauwi sa mga bahay nila. Ang tindera naman ay isinarado na ang kanyang tindahan at pumasok na sa loob ng kanyang bahay. THE END
Pangalawang kuwento
May batang hinahabol ng tatlong binata dahil tinapunan nya ito ng isang kahoy. Nagawa iyon ng bata upang ipaghiganti sila ng kaibigan nya. Kaninang umaga kasi habang sya at ang kanyang kaibigan ay naglalakad patungo sa eskwelahan, dumaan ang tatlong binata sakay ng kotse at hinagisan sila nang tubig sabay pinagtawanan sila. Mukhang napagtripan sila ng mga binatang iyon. Nagalit tuloy sa kanila ang kanilang masungit na guro at pati ang kanilang mga nanay.
Ngayon, tumatakbo sya sa kailaliman ng gabi hanggang sa mapadpad sya sa isang eskinita. Malas nya dahil napunta sya sa isang deadend. Lumingon sya sa likuran nya at nakita nya ang tatlong binata. Naguguluhan sya at natataranta, hindi nya alam ang gagawin nya. Sabay napansin nya ang isang patay na daga. Pinulot nya ito at ipinakita sa kanila sabay sabing...
Bata: Ano?! Sige lumapit kayo! Kapag lumapot kayo itatapon ko ito sa inyo!
Nagtapang-tapangan sya nyung sinabi nya iyon. Napansin naman iyon ng mga binata. Lumapit ang isa at kinuha ang daga sa kamay ng bata sabay batok dito ng malakas kaya ang bata ay napatumba.
