" Nay, ang ganda po dito sa Antique rice terraces" Sabi ni Luna sa kanyang ina.
"Oo nga anak." Sabi ng ina ni Luna.
" Gusto ko pong kunan ng larawan ang hagdang-hagdang palayan." Sabi pa ni Luna.
Nagising si Luna sa loob ng isang malaking bahay-kubo.
Luna: Ang larawan na iyon. Teka? Nasaan ako?
Dumakulem: Ikaw ay nasa loob ng isang malaking bahay-kubo.
Luna: Bakit mo ako dinala dito?
Dumakulem: Par linawin sa iyo ang iyong maling pagtingin sa iyong ina.
Luna: Sino ka ba?
Dumakulem: Ako si Dumakulem, ang pinakamalakas na tagapagbantay ng mga kabundukan.
Luna: Ano ang gusto mong linawin sa akin?
Dumakulem: Nagbago ang tingin mo sa iyong ina simula nang umalis sya.
Luna: Mahina sya! Pinabayaan nya ako!
Dumakulem: Kaya ipinakita ko sa iyo ang pangyayaring iyon para maalala mo.
Luna: Maalala ang alin? Ha? Yung panaginip!
Dumakulem: Sinabi mo sa iyong ina na gusto mong kunan ng larawan ang lugar na iyon at sinabi nya sa iyo na kailangan mo ng isang materyal para kunan ng larawan ang lugar na iyon. Ngunit alam ng iyong ina na hindi nyo kayang makabili ng ganoong materyal kaya nag-isip sya na maghanap-buhay sa ibang bansa para mabilhan ka ng materyal na iyon.
Luna: Pero bakit sinabi nya sa akin na mas kailangan ko ang aking tatay?
Dumakulem: Dapat hindi pa sya aalis sa araw na iyon dahil sa susunod na linggo pa ang kanyang alis ngunit pinalayas na sya ng iyong ama. Inakala nya na hindi na nya ikaw makikita. Pero hindi sya sumuko at pinagdisisyunan na kukunin ka nya kapag nakabalik na sya.
Luna: Saang bansa sya nagtrabaho?
Dumakulem: Sa Brazil.
Luna: Sa Brazil? Bakit sa Brazil?
Dumakulem: Dahil sigurado syang tutulungan sya ng kanyang tunay na minamahal doon.
Luna: Ano?
Dumakulem: Ikaw ay isang pagkakamali sa kanila dahil ginahasa noon ng iyong ama ang iyong ina.
Luna: Ina. Pero hindi ako galit sa kanya dahil alam kong mabuti ang kanyang hangarin.
Dumakulem: Alam kong madali kang makaunawa kumpara sa iyong kapatid.
Luna: Kapatid?
Dumakulem: Yung babaeng sumugod kay Bathala.
Luna: Hindi ko sya kapatid! Anak sya sa labas!
Dumakulem: Kapatid mo narin sya dahil kinilala ka nyang kapatid noon bago mo sya kainisan.
Luna: Sakatunayan matagal na iyon. Ako nga ang may mali.
Dumakulem: Lahat kayong mga tao ay nagkakamali. Iyan ang patunay na bahagi kayo inyong daigdig. Ngayon, huminahon ka.
Luna: Oo.
Huminga ng malalim sa Luna.
Dumakulem: Sa pagkaalam ko, nawala ang kapangyarihang ibinigay sa iyo ni Bathala.
Luna: Oo, dahil kay Besa.
Dumakulem: Ngunit kaya mo paring makipaglaban kahit hindi nagbabago ng anyo ang iyong arnis.
Luna: Oo kaya ko nga, bakit naman?
Naglabas ng arnis si Dumakulem at niyayang makipaglaban kay Luna.
Dumakulem: Kalabanin mo ako.
Luna: Ano?
Dumakulem: Gusto kong malaman kung karapatdapat bang ibalik sa iyo ang iyong kapangyarihan.
Luna: Sige.
At naghanda sila sa laban.
Unang sumugod si Dumakulem. Iniwasan ni Luna ang atake ni Dumakulem, sumunod namang umatake si Luna sa likod ni Dumakulem pero napigilan nito ang atake ni Luna. Pagkalipas ng pitong minuto, pagod na pagod si Luna sa pakikipaglaban kay Dumakulem pero hindi parin sya sumusuko hangga't hindi nya natatamaan si Dumakulem.
Luna: Ang hirap mong tamaan.
Dumakulem: Tumigil kana.
Luna: Pero hindi pa kita natatalo?
Dumakulem: Ayos lang kahit hindi mo ako matalo. Ang mahalaga ay napatunayan mo na karapatdapat na ibalik ang iyong kapangyarihan. Sumama ka sa akin.
Luna: Saan tayo pupunta?
Dumakulem: Sa kaharian ng Adamya. Doon maibabalik sa iyo ang iyong kapangyarihan.
Luna: Sige.
Pumunta sila sa kaharian ng Adamya ng matatagpuan sa timog ng Encantadia para ibalik ang kapangyarihan ni Luna.
Abangan ang susunod na kabanata...
Susunod: Goust vs Mapulon: Triangulo