Nag-uusap sina Caver at Ersiya nung napansin ni Caver na gising na gising ang mga mamamayan samantalang masyado pang madilim, 1:00 palang ng umaga kaya nasabi niya.
Caver: Ersiya, kaya ba maraming tao kahit masyado pang madilim dahil ngayon ang pagdating ng anak ng datu? (Biglang lumabas ang mga bata sa balay ng datu at pinarangalan ito ng datu).
Ersiya: Oo. At hindi lang iyon, papangaralan din siya at ang iba pang mga kasama niya sa kanyang misyon na ngayon-ngayon lang lumabas sa balay ng datu.
Caver: Ano naman ang ginawa nila sa loob ng balay ng datu? At sino-sino naman ang mga batang iyan na pinangangaralan ng datu kasabay ng kanyang anak? (Nagsalita ang datu at sinabing ngayong madaling araw na ito magsasaya para sa pagdating ng mga tagapagligtas ng mundo).
At nagsaya ang mga tao.
Caver: Tagapagligtas ng mundo ang anak ng datu at ang kanyang kasamang mga bata? Siguro maniniwala akong tagapagligtas ng mundo ang anak ng datu pero pati ang mga batang iyan? Eh parang mga grade 1 palang yata ang mga iyan?
Ersiya: Hindi sinusukat ang edad sa ganyang bagay, sadyang sila talaga ang itinadhana ng kapalaran na maging tagapagligtas ng buong mundo. At mas malakas ang kapangyarihan nila kumpara sa ating pinagkalooban lamang ni bathala ng katamtamang kapangyarihan upang tulungan sila.
Caver: kung ganoon, bakit dugo natin ang kailangan ng mga impakto upang buhayin si Bakunawa eh mas malakas pa pala ang mga itinadhana kumpara sa atin? At saka para pala tayong mga kawal lamang.
Ersiya: Oo, Bakit ba parang hindi mo tanggap kung ano lang tayo. Bakit naiinggit ka ba sa kanila?
Caver: A eh?
Goust: Oo, naiinggit nga siya sa mga itinadhana kitang-kita kaya sa mukha niya. (Biglang sabi ng isang lalaking nakajacket na parang nagyeyelo sa kanyang paligid).
Caver: Teka sino ka naman?
Goust: Ako si Goust Busters at kagaya morin ako. Pero hindi ako katulad mo na naiinggit sa mga itinadhana, alam mo bang kanina ko pa kayo pinakikinggan.
Caver: Ang yabang mo ha, gusto mo ba ng away o gulo?
Goust: Bakit may panlaban ka?
Caver: Wala pa akong panlaban sa ngayon pero meron akong posporong panlaban sa kapangyarihan mong yelo.
Goust: Yelo? Mag-ingat ka minsan sa sinasabi mo bata.
Caver: Anong sinabi mo? (Pagalit na sabi ni Caver).
Sinugod ni Caver si Goust at nag-away sila. Pagdating ni Eltin nadatnan niyang nag-aaway sila, kinausap niya si Ersiya.
Eltin: Ersiya alam mo namang hindi ko kayang magpatigil ng mga away na ganyan, hindi mo ba sila pipigilan?
Ersiya: Ayokong makealam sa away bata. Dalaga na ako. (Sabay alis si Ersiya at umuwi na).
Eltin: Uy huwag mo naman akong iwan dito.
Ersiya: Bahala ka na diyan.
Eltin: Ano? Ganun na lang. Huy kayong dalawa tumigil na kayo sa pag-aaway baka mapagalitan tayo ng mga babaylan sa ginagawa ninyo. (Biglang pinigilan sina Caver at Goust sa kanilang pag-aaway ng isang batang itinadhana gamit ang kanyang kapangyarihan).
