Ngayon ay naputa naman sina Goust at Mapulon sa isang malawak na disyerto sa mundo ng Encantadia.
Goust: Disyerto?
Mapulon: Dapat kang bigyan ng leksyon dahil sa pagnais mong pagsugod kay Bathalang Maykapal.
Goust: Huh? Sino ka nga pala?
Mapulong: Ako si Mapulon, ang Diyos ng mga panahon. Ako ang nagpapaikot ng panahon sa inyong daigdig. Mula sa panahon ng tag-init, panahon ng tag-ulan, panahon ng tag-sibol, at panahon ng tag-lamig.
" Kailangan kong makaalis dito, pero paano? Wala akong kapangyarihan para kontrolin ang mga buhangin." Sabi ni Goust sa kanyang isip.
Mapulon: Kailangan kitang turuan ng leksyon sa pamamagitan ng mga parusa.
Goust: Ano? Anong mga parusa?
Mapulon: Una!Titigan mo ako at huwag mong alisin ang tingin mo sa akin kundi.
Goust: Kundi ano?
Mapulon: Kundi magiging bato ka.
Goust: Ano?
Mapulon: Nagbibiro lang ako. Hindi ko kayang gawing bato ang isang nilalang.
Goust: Ano?
Mapulon: Hahahaha!
Goust: Hindi yon nakakatawa!
Mapulon: Pangalawang parusa, makakaramdam ka ng matinding init dahil paiinitin ko ang init ng araw.
Pinainit ni Mapulon ang init ng araw pero mukhang wala itong epekto kay Goust.
Goust: Kahit painitin mo pa ang init ng araw wala iyang epekto sa akin.
Mapulon: Ganoon ba? Edi pauulanin ko nalang ng malakas.
At nagpaulan ng malakas si Mapulon ngunit ang nabasa lang kay Goust ay ang kanyang mga kamay dahil balot na balot ang kanyag sarili sa jacket na suot nya.
Goust: Walang epekto sa akin.
Mapulon: Ikatlong parusa, taglamig.
At pinalamig ni Mapulon ang ihip ng hangin para malamigan si Goust pero nakasuot sya ng jacket kaya walang epekto sa kanya ang lamig.
Goust: Wala paring epekto sa akin.
Mapulon: Hm, pana ng yelo!
Goust: Anong...
Naglabas ng isang pana na gawa sa yelo si Mapulon at pinatamaan si Goust. Umiwas-iwas naman si Goust ngunit hindi huminto si Mapulon sa pagpapatama ng mga panangyelo.
Goust: Aaaaaaaaaaaaaah!
Mapulon: Iyan ang sigaw ng pinaparusahan. Hahahaha!
Patawang sabi ni Mapulon. Tinanggal naman ni Goust ang kanyang jacket para ipangharang sa mga panang pinapatama sa kanya ni Mapulon kaya nasira ang kanyang jacket. Nakaramdam ng sobrang lamig si Goust dahil pinapaihip parin ni Mapulon ang malamig na hangin kaya sya ay natumba.
Goust: A-a-ang lamig.
Mapulon: At ang ikahuling parusa ay tinatawag kong Triangulo.
Goust: Ano? Triangulo? Bakit?
Mapulon: Nanggaling sa isang kuwento ang pangalan ng parusang ito.
Goust: A-a-a-a-anong kuwento?
