Blue Flames Special 11: Argumento

5 1 0
                                    

Sina Goust at ang kanyang magulang kasama pa ang iba pang mga kaleratives nila ay nagpunta sa isang mumurahing resort. Bata pa lamang si Goust nung panahong ito. Isang maliit na resort lamang ito, pito lang ang kwarto pero sa dami ng mga nagpupunta dito ang iba nalang ay nagrenta ng mga kubo at kasama doon sina Goust. May malaking swimming pool ang resort nato para sa maraming tao at sa gilid naman nito ay may beach.

Inihahanda nila ang kanilang mga gamit habang ang mga bata kasama si Goust ay nagswimming sa swimming pool. Sinusubukan ni Goust na lumangoy nang di sinasadya na matamaan ng kanyang kaliwang paa ang isang binata.
" Ano ba'to bano lumangoy amputa! Languy-languyan lang. " sabi ng binata ng patawa na may halong konting inis. Tumawa naman ang mga kasama nito. Napahiya si Goust dito kaya umahon sya at pumunta sa kubo nila. Nainis naman sya sa mga yun.

At pagdating ng tanghali, nagsikainan na sila. Kumuha si Goust ng kanyang makakain. Bigla naman syang pinagsabihan ng kanyang nanay.

Nanay ni Goust: Huy kumuha ka pa. Lakas-lakasan ang kain. Tignan mo yang pinsan mo. Kain ng marami!

Kaya kumuha pa sya ng marami. At sila ay nag-usap-usap. Kanya-kanyang usap sila. Nag-uusap ang mga matatanda habang may sariling usapan naman ang mga kabataan. May sariling usapan din ang mga batang kasing edad ni Goust. Bigla naman silang pinatigil ng mga matatanda. Sabi sa kanila dapat tahimik lang ang mga bata pag kumakain, tanging mga nakatatanda lamang ang pwedeng mag-usap pag kumakain. Nagreklamo naman ang isa sa mga pinsan ni Goust na kasing edad lang din nya. Bakit hindi daw pinigilan ang mga nakatatanda nilang mga pinsan. Sabi naman sa kanila dahil mga binata't dalaga na kasi sila kaya ok lang.
Umabot din sa mga argumento ang usapan ng mga matatanda pero kahit paano hindi humantong sa pag-aaway at sa bandang huli, naenjoy parin nila ang outing.

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon