Si Luna at ang tikbalang na si Senturok ay naglalaban sa airship. Ginagamit ni Luna ang mga teknik sa eskrima para atakihin si Senturok. Iniiwasan naman siya ni Senturok.
Luna: Kuso! Naiiwasan nya ang mga atake ko.
Sabi nya sa kanyang sarili.
Senturok: Hanggang dyan lang ba ang kaya mo?
At sumugod uli si Luna. Dahil sa mga paang kabayo ni Senturok kaya mabilis syang makaiwas sa mga atake ni Luna.
Bigla namang umatake ng mabilis si Senturok. Sinipa nya si Luna, si Luna naman ay napatilapok at napasok sa loob ng airship. Bumangon si Luna sa pagkakabagsak. Sa kanyang pagbangon ay naramdaman nya ang atakeng paparating sa kanya kaya agad syang kumilos para iwasan ito. At lumitaw nga si Senturok mula sa kisame pabagsak kay Luna pero buti nalang at nakaiwas si Luna.
Agad tumakbo si Senturok at ginamit ang kamay nito na parang paa ng kabayo para atakihin si Luna. Pinigilan naman nito ni Luna nung tinransform nya ang kanyang arnis sa espada. Napalayo naman si Senturok.
Senturok: Hmm! May tinatago ka palang kakayahan ha!
Luna: Sabihin mo! Bakit gusto mong patayin si lola Imana?
Senturok: Kung sasabihin ko ba sa'yo ipapaubaya mo bang patayin ko sya?
Luna: Bakit naman kita papayagan?
Senturok: Hihihi! Kung ganun hindi mo malalaman.
At biglang tumakbo ng mabilis si Senturok papalapit kay Luna. Umilag naman si Luna pero sa kanyang pag-ilag ay nakita nya si Senturok na sinipa ang pader at lumabas. Tumakbo si Senturok papunta sa direksyon kung saan pumunta sina Smag kasama si lola Imana.
Luna: Hindi!
Hinabol naman nya si Senturok. Pero biglang hindi na nya ito makita. Kinabahan sya dahil baka maabutan ni Senturok sina lola Imana kaya binilisan nya ang kanyang takbo.
Takbo takbo takbo takbo!
Takbo sya nang takbo pero hindi nya makita si Senturok pati sina lola Imana.
Luna: Teka? Imosibleng hindi ko sila maabutan! Naglalakad lang naman sila.
Tumakbo pa ulit si Luna hanggang sa mabigla sya sa kanyang nakita. Dahil imbes na si Senturok o sina Smag ang makita nya ay ang airship ang nakita nya. Lumingon naman sya sa likod at sinigurong hindi sya umikot pabalik sa airship
Luna: Ano to?! Anong nangyayari?
Tumakbo pa ulit sya pero napunta lang ulit sya sa kinalalagyan ng airship. Naguluhan na dito si Luna. Naisipan nya na pumunta sa mga burol para tignan kung nasaan sila. Tukbo sya papunta sa burol pero hindi lumalapit ang mga burol kahit tumatakbo sya. Paglingon nya sa kanyang likod ay nagulat sya sapagkat nasa likod parin nya ang airship.
Nanlaki ang mata nya.
Luna: Hindi maaari!
Bigla namang lumiwanag ang dalawang espadang hawak nya. Tumingin sya dito. Sa reflection sa patalim ng espada ay nakita nya na parang nakabaligtad sya. Nagtaka sya sapagkat hindi naman sya nakabaliktad pag napapatingin sya dito.
Luna: Ano ang gusto mong ipahiwatig sa akin?
At nag-isip-isip si Luna hanggang pumasok sa isip nya ang kanyang damit.
Luna: Ha! Bakit lumitaw sa isipan ko ang damit?
Tinignan nya ulit ang nagliliwanag nyang espada.
Luna: Baliktad, damit?
Biglang nagkaroon ng ideya si Luna. Ang ginawa nya ay binaligtad nya ang kanyang suot. Pagkabaligtad nya ay nakita nya na wala na sa kanyang likod ang airship at hindi narin pamilyar ang lugar na nasa paligid nya. Pero biglang inatake sya ni Senturok ng mabilis. Napatumba sya dito. Nang matumba sya ay mabalis naman agad na sinipa sya ni Senturok.
Luna: Aaaaaaaaaaah!
Sinubukang tumayo ni Luna pero sunud-sunod ang pag-atake ni Senturok kaya patuloy syang napapatumba hanggang sa dumugo ang kanyang mga braso at paa. Dahil dito sya ay napadapa.
Luna: Hin–di ko...mmmagalaw...ang–buong katawan ko.
Sabi nya.
Senturok: Hindi mo talaga maigagalaw ang katawan mo sapagkat inatake kita ng atakeng pagharang ng lakas. Sa atakeng ito, haharangan ang lahat ng dadaluyan ang mga lakas mo para hindi ka makagalaw. Ngayon tatapusin na kita para mapatay ko na rin si Imana. Hahahahaha!
Biglang may naalala naman si Luna.
=============================
Naglalakad ang batang si Luna nang makita nya ang ibang mga batang naglalaro. Nang makita nila sya ay nagsitakbuhan sila. Maraming beses itong nangyari sa kanya kaya nagtanong sya sa kanyang guro tungkol dito.
Luna: Ma'am bakit po nila ako nilalayuan?
Huminga naman ng malalim ang guro at sinagot sya.
Guro: Ngayon nararanasan mo na ang bunga ng ginawa mo?
Luna: Ano pong ginawa ko?
Guro: Alam kong binubully mo si Besa at inaaway mo rin ang mga kumakampi sa kanya. Dahil dito kaya maraming natakot sa'yo.
Luna: nagsusumbong po ba sya sa inyo?!
Pagalit na tanong ni Luna.
Guro: Kahit hindi nya isumbong malalaman ko pa rin.
Luna: Kinakampihan nyo rin po ba sya?!
Guro: Wala akong kinakampihan sa inyo. Ang gusto ko lang sabihin sa iyo. Ay maging mabait ka sa kapwa. Hindi mo maiiwasang sungitin sila kung di ka sang-ayon sa kanila ngunit isipin mo rin ang perspective nila. Hindi lahat ng tao pare-pareho ng ugali. May mga matatapang at merong hindi. Matuto kang makisama sa iba upang magkaroon ka ng mga kaibigan dahil mahirap mabuhay ng mag-isa pag wala kang kaibigan. Hindi mananatili sa mundo ang mga magulang mo kaya kailangan mo ng mga taong tutulong sayo pag kailangan mo. At iyon ang mga kaibigan mo. Huwag mo sila hayaang mawala sayo. Huwag mo ring hayaang nawala ka sa kanila dahil kahit di mo sila kasama nasa paligid mo parin ang kanilang presensya na syang magbibigay ng lakas ng loob pag ika'y nasa panahon ng kahirapan.
=============================
Luna: Mga–kaibigan ko.
=============================
Goust: Grabe nakakatakot ka.
Smag: Ang sungit mo naman.
Besa: Kung hindi mo ako kayang ituring na kapatid, ituring mo nalang akong kaibigan. :-)
============================
At unti-unting tumayo si Luna.
Luna: Hindi ako pwedeng mamatay dito. Dahil, kailangan ako ng aking mga kaibigan at kailangan ko sila!
Senturok: Imposible! Papaanong!?
At nagsimulang tumakbo si Luna papalapit kay Senturok.
Luna: Kahit ilang beses ako matumba makakabangon ako. Dahil ramdam ko na lagi kong kasama ang aking mga kaibigan.
Senturok: Imposible! Imposible! Imposible!
Luna: NAKAMA Slash!
Slash!
At inatake ni Luna si Senturok gamit ang kanyang dalawang espada.
Senturok: Imposible!
At natumba si Senturok. Napaluhod naman si Luna saka natumba narin.
Susunod: Ang madilim na gubat
