Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
At sina Smag ay nagsimula nang maglakbay. Samantala, tahimik ang kaharian ng Lireo. Si Alena ay nagpunta kay Ynang Reyna Minea.
Alena: Ina. Nasaan po si Amihan?
Minea: Inutusan kong puntahan si Danaya. May sasabihin ako sa inyo.
Alena: Ano po iyon?
Minea: Hintayin mo sina Amihan at Danaya.
Biglang may dumating na dalawang batang mulawin. Nagulat ang mga kawal kaya tinutukan sila ng mga sandata nito.
Ang Mulawin ay isang uri ng nilalang na mukhang tao, pero sila ay may pakpak na gaya sa mga agila. Ang ulo nila ay napapalibutan ng mga balahibo.
Agali: Mawalang galang lang po. Kayo po ba ang reyna ng Lireo?
Minea: Oo. Ako nga. Ano iyon?
Agali: Sinugod ng mga Hathoria ang lugar namin. Nakatakas lang po kami ng kaibigan ko.
Mato-mato: Pakiusap po. Tulungan nyo po kami.
Ikinagulat nila ito.
Minea: Matagal nang panahon nung huli nating nakita ang mga Hathoria. Matagal din silang nanahimik. Mukhang tama nga ang hinala ko. Maghihigante sila.
Alena: Kailangan po nating maghanda.
Minea: Alena. Magpunta ka sa bayan ng Rosas. Nanganganib ang mga mamayan doon.
Alena: Masusunod po.
At umalis na si Alena, nagsama sya ng mga kawal.
Tinanong naman ng reyna ang pangalan ng dalawang batang mulawin.
Mato-mato: Ako po si Mato-mato.
Agali: Ako naman po si Agali.
Minea: Mato-mato, Agali. Maaring dito muna kayo mamalagi.
At nagpasalamat ang dalawang mulawin. Samantala, sa bayan ng Rosas. Ang mga mamayan nito ay nakahanda na para sa pag-alis.
Pinuno ng Rosas: Paalam, bayan ng Rosas.
Heneral: Tayo na.
Pinuno ng Rosas: Oo.
At nagsalita ang pinuno ng Rosas sa mamamayan nito. Sinabi nya na oras na para umalis. Nagsimula na silang maglakad. Hindi pa sila masyado nakakalayo ng biglang lumitaw ang maraming kawal ng Hathoria. Sila ay napaligiran nito. Natakot ang mga tao. Nagsipaghanda naman ang mga kawal ng Lireo. Lumitaw naman ang isa sa mga heneral ng Hathoria. Si Mashna Agortho.
Heneral ng Lireo: Padaanin nyo kami!
Agortho: At sino ka naman para utusan ako ng ganyan. Isa ka lamang Vashne.