Nagulat si Aghar sa kanyang narinig.
Aghar: Anong sinabi mo?
Goust: Hindi mo ba narinig? Ang sandatang to ay gawa ng isang tao.
Aghar: Hindi maaari! Hindi ako naniniwala.
Goust: Wala akong pake kung di ka maniwala sa akin. Kailangan mo akong dalhin sa pagawaan ng mga sandatang to.
Aghar: At pagkatapos? Sisirain mo? Di mo magagawa yun. Sinasabi mo ba na tao ang gumagawa sa mga makabagong sandata namin?
Goust: Hindi ko alam. Pwedeng oo, pwede ring tinuruan sila. Basta kailangan kong pigilan ang paggawa ng mga ganitong sandata.
Aghar: At bakit naman? Hindi ba sinabi mo na hindi kayo nagpunta dito? Ibig sabihin wala kayong alam sa mga nangyayari. Bakit bumalik ka nalang sa mundo nyo at hayaan nyo kaming lutasin ang gulo dito sa Encantadia?
Goust: Dahil nag-aalala ako sa mga ordinaryong tao dito na namumuhay nang payapa.
Aghar: Namumuhay ng payapa? Hindi ka ba nakinig sa kwento ko?!
Goust: Hindi lahat ng tao katulad ng mga tao na nasa kinwento mo.
Aghar: Iba ang tao dito sa Encantadia. Huwag ka nang mangelam!
Goust: Pakakawalan kita dyan kung sasabihin mo sa akin kung saan ang pagawaan.
Nag-isip-isip si Aghar. Pagkatapos nyang mag-isip ay itinuro nya kay Goust kung saan ang daan papunta sa pagawaan ng mga makabagong sandata ng mga Hathorian.
Goust: Paano ako makakasiguro kung nagsasabi ka ng totoo?
Aghar: Wala akong pake kung hindi ka maniwala sa akin basta kailangan mo kong pakawalan dito.
Goust: Sigurado ka wala kang pake?
Aghar: Pupunta ka ba o ano?!
At naglakad na si Goust papunta sa direksyon na tinuro ni Aghar. Sumunod naman ang kulungan ni Aghar.
Samantala, si Agane ay nakaupo at nakatingin sa mapa ng Encantadia sa isang tent sa kampo ng Hathoria.
Agane: Sarum ang paraan Sshedi. Agortho!
Lumapit naman si Agortho kay Agane.
Agortho: Ano po iyon kosma Agane?
Agane: Asshenti. Magtungo ka sa pusod ng digmaan at ikaw ang manguna sa pagsugod sa kampo ng Lireo.
Agortho: Masusunod po. Avisala meiste Agane.
At umalis na si Agortho. Sa kampo naman ng Lireo. Nagkasundo ang limang heneral ng Lireo na gawin ang planong inihayag ni Rama Ybrahim kung saan ang isang malaking grupo ng mga kawal ng Sappiro ay pupunta sa bayan ng Rosas upang ito ay bawiin at ang dalawang maliit na grupo ng mga kawal ng Lireo ay palihim na susugod sa mga bayang hawak ng mga Hathorian na may mga bihag na mga tao sa kalaliman ng gabi. At ang marami at malaking grupo ng Lireo at Sappiro kasama ang dalawang heneral ng Lireo at isang heneral ng Sappiro kasama si Rama Ybrahim ang susugod sa kampo ng Hathoria.
Samantala, sina Smag, Luna at si Lupan ay kumakain sa kusina ng airship, ang iba naman ay kumain nalang sa labas dahil hindi nagkasya ang mga mamamayan ng Rosas sa kusina. Si Ngiti naman ang nagbibigay ng mga pagkain sa kanila at tumutulong sa mga nagluluto habang si Imana ang nagmamaneho ng airship. Sa labas ng kusina, may isang batang babae na may bitbit na pagkain. Habang sya ay naglalakad ay nakita nya ang isang mamang nakaupo sa gilid, nababalot ng malaking tela ang kabuuan ng ulo nito at balot na balot ng makapal na damit ang katawan nito. Matangkad din ito kumpara sa mga lagi nyang nakikita sa bayan. Nilapitan nya ito at tinanong kung nagugutom ba ito. Sumagot naman yung mama at sinabing nagugutom sya. Ibinigay ng bata ang kanyang pagkain, tinanong sya na paano sya dahil wala na syang pagkain. Sinabi naman ng bata na kukuha nalang ulit sya sabay umalis narin ito. Ang mamang yun naman ay sinumulan ng kainin ang pagkaing binigay sa kanya.
____: Nararamdaman ko, malapit na.
Ang isang taong kumakain sa labas ng airship ay may napansin sa mga ulap na nadadaanan ng kanilang sinasakyan. May mga itim na usok na nanggagaling sa lugar kung saan sila papunta.
Balik kina Goust
Sina Goust ay naglalakad ng mapansin nya ang itim na usok sa kalangitan.
Goust: Ano to?
Aghar: Mukhang malapit na tayo.
Goust: Nakapunta ka na ba sa pagawaan ng mga bagong sandata nyo?
Aghar: Hindi pa, pero nasabi na sa akin na ang palatandaan na makakakita ka ng itim na usok ay ibig sabihin na malapit ka na sa pagawaan. Galing daw ang usok na yun sa dragon na lalagpasan mo para makarating sa pagawaan.
Samantala, may isang babae na nakasuot ng isang maikling pambabaeng short at nakadamit ng puting t-shirt ang nakatayo sa isang burol at nakatingin sa itim na usok sa kalangitan at nakatingin sa pinagmumulan nito sa likod ng mga burol sa di kalayuan.
Susunod: Ang pagbagsak ng airship
