May isang batang babae ang tumatakbo sa isang madilim na kagubatan malapit sa kaharian ng Hathoria. Ang batang babae ay nagmamadaling magpunta sa Kaharian ng Lireo para kausapin si Ynang Reyna Minea, Ang reyna sa Diwatang Kaharian ng Lireo. Sya ang ina ng apat na magkakapatid na babaeng Sang'gre's ng Lireo. Si Pirena, ang pinakamatanda sa magkakapatid na babae. Ang tagapangalaga ng hiyas ng apoy. Ang pinakamatalino at pinakamagaling sa magkakapatid na babae. Kaya nyang kontrolin ang apoy at kaya nyang mag-ibang anyo. Ang pangalawa ay si Amihan, ang tagapangalaga ng hiyas ng hangin. Sya ay may malambot na puso sa kanyang mga mahal sa buhay lalo sa kanyang pamilya. Kaya nyang kontrolin ang hangin at kaya nyang makalipad. Ang pangatlo ay si Alena, ang tagapangalaga ng hiyas ng tubig. Sya ang pinakaromantiko sa lahat ng magkakapatid na babae. Sya ang kasintahan ni Ybarro at nanay ni Khalil. Kaya nyang kontrolin ang tubig. Si Alena ay may kakayahan upang kontrolin ang mga tubig na kung saan ay pinalalakas ng hiyas ng Tubig ngunit siya ay mas masigasig na gamitin ang kapangyarihan ng kanyang tinig. Ito ay sinabi na siya ay nagtataglay ng isang boses na maaaring maglagay ng mga tao sa isang ulirat o kahit pumatay. Ang pang-apat ay si Danaya, ang tagapangalaga ng hiyas ng lupa. Si Danaya ay ang walang takot at pinaka-legal na isa sa gitna ng Sang'gres. Siya ay isang Feisty at tusong Mandirigma na ang katapatan sa trono at mga batas ng Lireo ay sinisunod. Dahil sa kanyang mga kamag-anak nung kabataan, siya ay nakararanas ng kalokohan at maliit na argumento (lalo na sa kanyang pamangking babae na si Lira), ngunit laging ang kanyang puso (at isip) ay nasa tamang lugar. Tumatanggap ng mga pag-aalaga at pagmamahal kay Aquil, Heneral ng Lireo Militar. Si Danaya ay may kakayahan upang kontrolin ang lupa ngunit higit pa sa anyo ng mga flora nito, kahit na siya ay nakikita ng paggamit ng pareho. Bukod dito, siya rin ay may kapangyarihan na mag-ibang anyo sa anumang hayop na kagustuhan niya.
Haharian ng Lireo.
Papasok na sana ang batang babae sa kaharian nang bigla syang harangin ng dalawang bantay na kawal.
Kawal: Sino ka at anong kailangan mo?
Batang babae: Paumanhin po ngunit kailangan ko pong makausap ang reyna.
Kawal: Maghintay ka muna dyan.
Umalis ang isang kawal at naiwan ang isa para bantayan ang batang babae. Pumunta naman ang kawal upang ibalita sa reyna na may gustong kumausap sa kanya.
Kawal: Mahal na reyna. May gusto pong kumausap sa inyo. Isang batang babae.
Reyna Minea: Papasukin sya.
Utos ng reyna kaya pinapasok nila ang batang babae.
Reyna Minea: Maligayang pagdating sa Kaharian ng Lireo.Anong pangalan mo at taga saan ka?
Batang babae: Sa bayan po ng Rosas. Wala po kaming mga pangalan.
Reyna Minea: Ganoon ba? Bakit gusto mo akong makausap?
Batang Babae: Gusto ko pong humingi nang tulong sa inyo.
Reyna Minea: Bakit anong problema?
Batang Babae: Sinugod po ng apat na masasamang kapre ang bayan namin. Hindi po sila makaalis dahil nagtatago po sila sa itaas ng pinakamataas na puno sa bayan namin. Buti nalang po, nakatakas po ako para humigi ng tulong. At ang una ko pong naisipan ay magpadala ng mga tao galing sa Daigdig. Dahil baka po sakaling matulungan po nila kami.
Reyna Minea: Nagpadala ka ng mga tao dito mula sa Daigdig?
Batang Babae: Paumanhin po mahal na reyna. Hindi ko po kasi alam na hindi pwedeng magpunta dito ang mga ordinaryong tao. Paumanhin po. Hindi na po mauulit.
Reyna Minea: Kung ganoon ay mapapatawad na kita. Dapat kang mapatawad dahil ikaw ay isang bata pa lamang.
Batang Babae: Matutulungan nyo po ba kami?