Nahuhulog si Perdix sa malalim na bangin.
Perdix: Aaaaaaaaaaaaaaaaaaah!
Biglang hinila ni Ngiti ang damit ni Perdix at sila ay unti-unting umaangat ngunit kulang sa lakas si Ngiti para buhati si Perdix.
Ngiti: Aaaaah! Grabe ang bigat mo!
Perdix: Ngiti? Anong ginagawa mo dito? Diba nandoon ka sa Arbol?
Ngiti: Sinundan ko kayo dito sa pamamagitan ng libro ng mga numero.
Perdix: Ano?
Ngiti: Hayun! may mga sanga ng kahoy doon.
Inilapag ni ngiti si Perdix sa mga sanga ng kahoy na nakadikit sa mga bato sa bangin. Nag-ipon muna sila ng hangin bago magsalita.
Perdix: Nakapunta ka dito sa pamamagitan ng lumang libro? Teka, paano mo naman nalaman na nandito kami?
Ngiti: Nalaman ko dahil hinanap ko kayo. At nahanap ko nga kayo, pero bigla nalang lumitaw ang lagusan papunta sa mundo ng Encantadia. Ang liwanag sa kalangitan na humihigop sa mga nilalang na nais dumayo sa mundo ng mga Engkantada.
Perdix: At tapos?
Ngiti: Hinanap ko ang libro ng mga numero para makapunta sa iba't-ibang mundo.
Perdix: Ano? Ibig sabihin?
Ngiti: Maraming mga mundo at iba't-ibang dimensyon ang hindi pa natutuklasan ng mga tao. Kung iniisip nyo na matanda na ang inyong lahi? Nagkakamali kayo. Dahil ang tingin sa inyo ng ibang mga nilalang sa ibang mundo ay mga batang nilalang pa lamang, dahil masyado pa kayong bata sa kalagayan nyo ngayon.
Perdix: Marami pang mundo?
Napatigil saglit si Perdix saka nagsalita ulit.
Perdix: Tapos?
Ngiti: Nang mahanap ko ang libro ng mga numero, hinanap ko agad ang numero patungo sa Encantadia.
Perdix: Paano ang gagawin para makapunta ka sa Encantadia?
Ngiti: Una hanapin mo ang numero ng mundong gusto mong puntahan. Halimbawa: Gusto mong pumunta sa mundo ng Saladin. Para magawa mo iyon, kailangan mong alamin ang katumbas na numero sa bawat letra ng pangalan ng mundong nais mong puntahan. Tapos sabihin mo sa libro ang pangalan ng mundong nais mong puntahan tapos isunod mo ang katumbas na letra ng pangalan ng mundong iyon. Kailangan bigkasin mo ang mga numero ng magkakahiwalay.
Perdix: Hindi ko makuha yung banda sa pagbigkas ng mga numero? Alin? Para bang halimbawa: Encantadia one,two,three,four,twenty-five?
Ngiti: Hindi. Dapat ganito. Halimbawa: Daigdig Isa, Dalawa, Tatlo, Apat, Lima.
Perdix: E paano naman malalaman ang katumbas na numero ng bawat letra?
Ngiti: Teka may tanong ako sa'yo?
Perdix: Ano iyon?
Ngiti: Bakit nga pala kayo pumunta dito?
Perdix: Hindi kami pumunta dito. Bigla nalang kaming napunta dito.
Biglang sinugod sila ng isang maitim at malaking gagamba. Naputol ang ilang mga sanga, mahuhulog na sana sina Perdix pero buti nalang, nakahawak ang isang kamay nya sa isang sanga. Nasa balikat naman nya si Ngiti. Papalapit nang papalapit sa kanila ang gagamba. Napansin ni Ngiti na nangingiig si Perdix.
Ngiti: Perdix? Ba't nanginginig ka?
Perdix: Huh? Anong sinasabi mo?
Ngiti: Teka? Takot ka sa gagamba?
