Blue Flames Special 3: Sea of Blessings

71 1 0
                                        

Si Luna ay akmang hihiwain ang pitong maliliit at mga batang isda na hinuli nya sa lawa ng Tagaytay.

Si Luna ay akmang hihiwain ang pitong maliliit at mga batang isda na hinuli nya sa lawa ng Tagaytay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.








Luna: Kayo! Dahil sa inyo kaya nahulog ang mga binili kong tinapay.

Pagalit nyang sabi.

Ang kanyng arnis ay naging espada. Hihiwain na nya sana ang mga batang isda nung biglang pinigilan sya ni Babaylan Luda.

Luda: Anong ginagawa mo?

Napatigil si Luna.

Luna: Babaylan Luda! Bakit po?

Luda: Bakit gusto mong hiwain ang mga batang isda na yan?

Luna: Patalon-talon po kasi sila sa tubig habang ako ay naglalakad sa tulay. Ang taas ng talon nila at nasagi ang binili kong tinapay.

Luda: Dahil lang doon kaya nais mo silang patayin?

Luna: Mga isda po sila kaya ayus lang.

Luda: Ngunit sila ay masyado pang bata para lisanin ang mundo.

Luna: Ano po? Pero mga isda lang sila. Diba pinapatay sila para kainin?

Luda: Oo. Ngunit ang mga hinuli mong mga isda ay mga bata pa. At saka isa pa, hindi pwedeng patayin ang mga nahuli mong isda. Dahil ang nahuli mong mga isda ay mga Cypselurus. Hindi sila pwedeng patayin.

Luna: Saan nyo po nalaman ang tawag sa kanila?

Luda: Isang manlalakbay ang nagsabi sa akin. Ngunit kung iisipin mong mabuti. Ang mga batang isda na hinuli mo ay maihahalintulad mo sa iyong sarili bilang isang bata. Kung ikaw ang nasa kalagayan nila, ano ang iyong mararamdaman?

Hindi agad nakapagsalita si Luna ngunit nakapagsalita ulit makalipas ang ilang segundo at sinagot ang tanong ni Luda.

Luna: Matatakot po.

Luda: Ganun din ang nararamdaman ng mga isdang iyan. Pagmasdan mo sila. Sila ay isang biyaya kaya dapat silang pangalagaan.

At nung pinagmasdan ni Luna ang mga isda ay nagulat sya sapagkat natatakot nga mga ito na parang iiyak na.

Luna: Patawad po.

Luda: Tandaan mo. Bago mo gawin sa iba, isipin mo muna kung paano kapag ikaw ang gagawan ng kung ano man ang gagawin mong masama sa iba.

Hindi na nakapagsalita si Luna. At pinakawalan na nya ang mga isda sa lawa.

Sa tinutuluyan ni Luna.

Si Luna ay nanonood na ng balita kahit bata pa lamang. Sabi sa balita.

Balita: Nagkakagulo ang mga tao sa panghuhuli ng mga isda sa dalampasigan sa may Sulu Sea dahil sa biglang pagtalon ng mga isda sa dagat.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.







Ang naturang pangyayari ay pinaniniwalaan nila na biyaya galing sa diyosa ng mga mangingisda na si Amansinaya.








Luna: Biyaya mula sa karagatan.

Inosenteng sabi ni Luna.

Si Luna ay siyam na taong gulang pa lamang nung mga panahong ito.






Blue FlamesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon