Kabanata 9: Ang Lumang Libro

46 3 0
                                    

Kinaumagahan, nagyoga sina Caver,Gem, at Ini.

Caver: Hay grabe nakakapagod naman to. Simulan na kaya nating palabasin ang kapangyarihan ko.

Ini: O sige subukan mo.

Itinaas ni Caver ang kanyang mga kamay at itinapat sa araw. pilit na pinapalabas ni Caver ang kanyang kapangyarinhan na apoy sa kanyang mga kamay ngunit walang nangyari.

Caver: Bakit ganun?

Ini: Hindi pa handa ang iyong buong katawan.

Gem: Malapit na ang pasko.

Ini: Oo nga lumalamig na ang simoy ng hangin

Caver: Anu ba yan nakakabagot.

Gem: Ok ganito ang susunod mong gagawin.( Kumuha siya ng tuwalya).

Caver: O anong gagawin ko diyan? Iwawagayway na parang bandila?

Ini: Kailangan mo munang maligo.

Caver: Bakit naman?

Gem: Ang baho mo na kaya, hindi mo ba naaamoy ang sarili mo?

Inamoy ni Caver ang kanyang sarili.

Caver: Oo nga no.

Ini: Sige maligo ka muna at kami naman ay bibili ng mga pangdekorasyon  para sa pasko.

Caver: Para sa pasko agad? Hindi pa pwedeng kandila muna para sa Undas? Sa Sabado na kaya ang Undas.

Gem: Alam mo kasi habang palapit nang palapit ang pasko lalong pamahal nang pamahal ang mga bilihin lalo na ang mga gagamitin sa pasko kaya bibili na kami habang maaga pa.

Ini: Sige dito na kami.

Caver: Ok ingat kayo.

At umalis na ang magkapatid at naligo na rin si Caver. Samantalang si Ersiya ay nagpunta sa isang lumang hindi kilalang bayan sa Tagaytay. Pumunta siya doon upang hanapin ang isang lumang libro na nagmula pa sa bansang Egypt. Nagtanong-tanong siya sa mga tao roon.

Ersiya:Mawalang galang lang po. Alam nyo po ba kung nasaan ang lumang libro na nagmula pa po sa Egypt?

Mamamayan: Anong pong lumang libro?

Ersiya: Ang lumang libro ng mga numero.

Mamamayan: Ang iyong hinahanap na libro ay matatagpuan sa New Old Library.

Ersiya: New Old Library?

Mamamayan: Oo.

Ersiya: Sige po, maraming salamat po.

Mamamayan: Walang anuman.

At nagpunta sa New Old Library si Ersiya para hanapin ang lumang libro ng mga numero.Habang hinahanap ni Ersiya ang lumang libro ay may isang batang babae ang lumapit sa kanya at sinabing...

Sarah: Ate ano po ang hinahanap nyo? Ako nga po pala si Sarah.

Ersiya: Nagagalak akong makilala ka. Ako naman si Ersiya. Hinahanap ko kasi ang lumang libro ng mga numero.

Sarah: Hindi nyo po tunay na pangalan?

Ersiya: Oo.

Sarah: Ito po ba ang hinahanap nyo? ( Pinakita ang isang lumang itim na libro na may nakasulat na "Libro ng mga Numero").

Ersiya: Maraming salamat, ito nga ang hinahanap ko. Binabasa mo ba ito?

Ngumiti si Sarah at napalingon si Ersiya sa likod ni Sarah at nakita niya ang maraming libro na nakalagay sa dalawang basket. At nabigla sya.

Ersiya: Sayo ba ang lahat ng librong iyan?

Sarah: Opo. Mahilig po akong magbasa ng mga libro halos mga sampung libro na po ang nabasa ko at lahat ng nakasulat sa sampung libro na iyon  ay kabisado ko po.

Ersiya: ANO!?

Sabay ngumiti ulit si Sarah.

Ersiya: Ummm, maraming salamat. Sige aalis na ako.

Sarah: Sandali po maaari po kayong mamahinga muna sa aming bahay, mukha po kayong pagod na pagod.

Ersiya: Hindi na kailangan ayos lang ako.

Sarah: Pero gabi na po.

Ersiya: Hindi ayos lang ako.

Paalis na sana si Ersiya nung biglang umulan ng malakas at narinig nila ang radyo.

Radyo: Pasensya na po kayong lahat ngunit hindi po muna pwedeng umalis sa bayang ito sapagkat may paparating na malakas na bagyo ayon sa PAG-ASA.

Ersiya : Ano? ( Sabi niya sa kanyang sarili).

Sarah: Gusto nyo po bang tumuloy muna sa aming bahay?

Ersiya: Sige na nga.

Pagkarating nila sa bahay ni Sarah ay sinalubong sila ng kanyang ina.

Ina ni Sarah: Sarah buti naman at nakauwi kana kailangan kita dito.

Ersiya: Magandang gabi po.

Ina ni Sarah: Aba may bisita pala tayo ngayon.

Sarah: Opo sya nga po pala si Ersiya.

Ina ni Sarah: O bakit ka napadalaw dito?

Ersiya: A. Ano kasi umm. 

Sarah: Dito po muna sya magpapalipas ng gabi kasi po sabi ng PAG-ASA may paparating daw na malakas na bagyo.

Ina ni Sarah: Ganunba, sige ayos lang sa akin.

Sarah: Talaga po.

Ina ni Sarah: Oo ayos lang sa akin ngunit sa isang kundisyon.

Sarah: Ano po iyon?

Ina ni Sarah:Pwedeng paki balatan mo muna itong mga patatas?

Sarah: A, sige po. Ersiya magpahinga ka muna sa kwarto ko.

Ersiya: Sige. Saan ba ang kwarto mo?

Sarah: Sa taas lang doon sa kaliwa.

Ersiya: Sige salamat magpapahinga na ako.

Sarah: Ok.

Umakyat si Ersiya sa taas papunta sa kwarto ni Sarah para magpahinga. Habang sya'y papunta sa kwarto ni Sarah ay may napapansin syang parang may sumumsunod sa kanyang anino ng isang babae pero hindi lang nya pinansin at nagpatuloy sa kwarto at nagpahinga. Habang si Sarah ay nagbabalat ng mga patatas ay may nakita siyang isang nilalang sa kanilang bintana na kulay pula ang mata at sya'y napasigaw at pinuntahan sya ng kanyang ina.

Ina ni Sarah: Anak bakit!?

Lumingon ulit si Sarah sa bintana ngunit wala na syang nakita.

Sarah: Wala po nagulat lang ako sa insekto.

Ina ni Sarah: Ikaw talaga oh pinapakaba mo ang dibdib ko. Sige magluluto na ako, pakibilisan mo yan tapos pumunta ka sa akin ok.

Sarah: Ok.

At nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa.

Abangan ang susunod na kabanata...

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon