TOKTOK! May kumatok sa pintuan ng bahay ni Smag kaya binuksan nya ito.
Smag: A! Diwani Dinaria?
Dinaria: Magandang gabi sa iyo.
Smag: Bakit po kayo naparito?
Dinaria: May kailangan kang malaman ngayon din sa aking hardin.
At pumunta sila sa hardin ni Diwani Dinaria.
Smag: Ano po ang kailangan kong malaman?
==============================================================
Luna: Ano?
Luda: Oo, wala ang pangalan nya doon.
Luna: Ibig sabihin, hindi biniyayaan ni Bathala ng kapangyarihan si Smag?
Luda: Oo. Isa lang syang ordinaryong bata.
Salamin ni Dinaria: Mali kayo! Hindi sya isang ordinaryong bata.
Luna: Teka! Ikaw...
Luda: Anong ibig mong sabihin?
Salamin ni Dinaria: Si Smag ay may kapangyarihan na nanggaling kay Gugurang.
======================================================================
Smag: Ano? Sino si Gugurang?
Dinaria: Si Gugurang ay isang Diyos na nakatira sa Bulkang Mayon. Sya ang nagbabantay at pumoprotekta sa isa sa sampung sagradong elemento ng daigdig, at iyon ay ang sagradong apoy at ang kalahati nito ay nasa loob ng iyong katawan.
=====================================================================
Luda: Nasa loob ng katawan ni Smag ang kalahati ng sagradong apoy?
Salamin ni Dinaria: Oo, at hindi na Smag ang pangalan nya ngayon sapagkat may binigay ng bagong pangalan ang mga Diyos at Dyosa sa kanya.
Luna: Kung ganun. Ano na ang pangalan nya ngayon?
Salamin ni Dinaria: Sya na ngayon si Perdix.
=====================================================================
Smag: Perdix, teka parang ang corny naman yata nang pangalang iyon? Bakit hindi nalang kaya Pedro? Pero medyo ok narin.
Dinaria: Pito,Tatlo.Pito.
Smag: Huh?
====================================================================
Luda: Ano?
Luna: Teka! 7,3,7? Anong meron doon?
====================================================================
Dinaria: Ito ang oras ng pagkabigay sa iyo ni Gugurang ng kalahati ng sagradong apoy, Pitong oras, Tatlong minuto, at Pitong segundo.
Smag: Bakit naman nya binigay sa akin?
Dinaria: Hindi ko alam.
At natahimik saglit, pagkatapos.
Smag: Bakit naman hindi ko mapalabas ang aking kapangyarihan?
Dinaria: Eto ang masasabi ko sa iyo sa ngayon. Ikaw ang makakasagot sa tanong mo.
======================================================================
Sa kabilang banda naman.
Besa: Hmp, sino ka at napabisita ka sa akin.
Baku: Ako si Baku at may gusto akong itanong sa iyo.
Si Baku ang misteryosong nilalang na nagsabing may paparating na bagyo sa Tribong Unpo.
Besa: Ano iyon?
Baku: Nakita ko sa aking panaginip na mawawasak ang lugar na ito sa pamamagitan ng isang ahas. Hindi ko maipaliwanag ang ibig sabihin ng panaginip na iyon. Baka alam mo?
Besa: Hmp! Ako ang ahas na tinutukoy mo at mawawasak nga ang lugar na ito sapagkat nautakan ko silang lahat.
Baku: Nakita kitang natumba sa kagubatan dahil sa mabahong amoy.Bakit hindi mo tinakpan ang iyong ilong?
Besa: Kung ganun pinapanood mo pala kami, hindi kita naamoy,hmp dibale na. Dahil nasa dila ang aking pang-amoy at nagpakunwari lang akong nahimatay para mahanap ko ang lugar na ito.
Baku: Bakit kailangan mong hanapin ang Arbol?
Besa: Dahil nandito ang hinahanap namin.
Baku: Namin? Diba kinain mo ang mga kasama mo?
At may iniluwa si Besa sa kanyang bibig, mga piraso ng isang uri ng makina.
Baku: Ano iyan?
Nachi: She can't eat people.
Besa: Isa.
Paja: She eats metal.
Besa: Dalawa.
Yala: She eats the robotic copy of us.
Besa: Tatlo.
Baku: Ano? Bakit?
Besa: Boom.
At nagsipagsabog ang ilang mga bahay sa Arbol. Namalayan ito nina Luna at Luda pati sina Perdix at Diwani Dinaria.
Smag: Ano iyon?
===================
Luna: Anong...
At sumabog ang bahay kung nasaan sina Luna at Luda.
Goust: Anong nangyayari.
Dumating si Perdix at Eltin mula sa magkabilang direksyon.
Eltin: Anong nangyayari dito?
Goust: Sumabog ang ilang mga bahay!
Perdix: Ano?! Sinong nagpasabog?
Dumating si Datu Asul.
Datu Asul: Anong nangyayari dito?
At biglang may dumating na mga helicopter at mga tangke, dumating ang Hukbong Katihan ng Pilipinas sa Arbol kasama sina Albert, Mech, at Mistry. Nagsalita ang General of the Philippine Army na si Fernando Jellaya.
Fernando: Kami ang Hukbong Katihan ng Pilipinas, at nandito kami para itanong sa inyo kung nandito ba ang taong ito?
At ipinakita ng General ang isang malaking litrato ni Perdix. Napalingon ang mga taga Arbol kay Perdix.
Fernando: There you are.
Hindi makagalaw si Perdix dahil nakatingin sa kanya lahat ng tao roon.
Abangan ang susunod na kabanata.....
Susunod: At your service, across the land
