12:00 na ng umaga, bumabyahe parin sila papunta sa Tribong Unpo.
Caver: Ano ang pinagsasabi mong katotohanan?
Eltin: Ang katotohanan tungkol sa iyong pagkatao na hahanapin mo sa hardin ni diwatang Dinaria na matatagpuan malapit sa Tribong Unpo.
Caver: Bakit kailangan ko pang hanapin? Wala bang aalalay sa akin doon para hindi ako maligaw?
Eltin: Wala dahil ang tanging naninirahan lamang doon ay walang iba kundi si diwatang Dinaria lamang.
Caver: Ah. Okay. Eh diba papunta tayo ngayon sa Tribong Unpo, saan ba yang Tribong Unpo nayan?
Eltin: Matatagpuan ang Tribong Unpo sa kagubatan ng Tagaytay at doon tayo papunta ngayon.
Caver: Ok. Sabihin mo nga sa akin anong bang klaseng halimaw si Bakunawa?
Eltin: Si Bakunawa ay isang serpent na naninirahan sa karagatan, kasing laki ng lawa ang kanyang bunganga kaya siguradong isa siyang malaking serpent.
Caver: Eltin na-iisip ko lang, talaga bang pito ang buwan nating noong unang panahon bago pa nakain ni Bakunawa ang anim na buwan?
Eltin: Oo.
Caver: Eh bakit naman binalak ni Bakunawa na kainin ang pitong buwan?
Eltin: Dahil nabighani siya sa sobrang ganda ng pitong buwan at nagmukha itong pagkain sa kanyang paningin kaya binalak niya na kainin ito.
Huminto sa madilim na kagubatan ang sinasakyan nila.
Caver: Nandito na ba tayo?
Eltin: Oo, ilang kilometro lang mula dito ang layo ng Tribong Unpo. Pumunta na tayo bago pa may makakita sa atin.
AT nagmadali silang pumunta sa Tribong Unpo. Hindi nakita ni Caver na ginamit ni Eltin ang kanyang kapangyarihan upang iwala pansamantala ang kanilang sinakyan. Nakapunta na sila sa Tribong Unpo at nakita ni Caver ang itsura ng Tribong Unpo.
Caver: Hindi ko aakalain na may isang maliit at simpleng bayan pala dito sa Tribong Unpo.
Eltin: Sakatunayan nasa dulo ng maliit na bayan na ito ang Tribong Unpo. At ang mga naninirahan dito ay ang mga mamamayan na pinamumunuan ni Datu Asul.
Sinalubong sila ng mga mamamayan habang naglalakad patungo sa Tribong Unpo. Nung pagdating nila doon sinalubong naman sila ng isang babaylan na nagngangalang Luda.
Luda: Magaling Eltin natapos mo ang misyong ibinigay sayo ng Datu. Maaari ba kitang makausap sandali?
Eltin: Opo.
Luda: sige doon muna tayo sa aking balay.
Eltin: Sige maiwan muna kita dito.
Caver: Hindi ba tayo pupunta sa Datu para maparangalan ka?
Eltin: Hindi muna sa ngayon dahil abala siya sa paghahanda para sa pagbalik ng kanyang nagiisang anak na lalaki.
Caver: O sige, hihintayin nalang kita dito.
Pumunta na si Eltin sa balay ng babaylan para magusap at naiwan si Caver. Napansin ni Caver na maraming tao sa balay ng Datu.
Caver: Ano kayang meron doon?
At piniuntahan ni Caver ang mga tao doon sa balay ng Datu.
Caver: Mawalang galang lang po. Ano po bang nangyayari dito?(Biglang lumabas ang Datu sa kanyang balay kasama ang kanyang nagiisang anak).
Napansin ni Caver na parang mistiso ang anak ng Datu.
Caver: Teka sino ba ang asawa ng datu at para bang nahaluan ng ibang lahi itong anak nila?
Ersiya: Bata bago ka dito.
Napalingon si Caver sa babaeng nagtanong sa kanya at sumagot siya.
Caver: Oo, teka bakit mo ako tinawag na bata eh mukhang magkasing eded lang naman tayo?
Ersiya: Pasensya na para kasing bata ang kinikilos mo. May deperensya ka ba sa utak?
Caver: Ano ka ba? siyempre wala, teka sino ka ba?
Ersiya: Ako si Ersiya Red isa ako sa mga taong pinagkalooban ni Bathala ng kapangyarihan. Eh ikaw sino ka naman?
Caver: Ako naman si Caver Aidem at isa rin ako sa mga taong pinagkalooban ni Bathala ng kapangyarihan.
Ersiya: Welcome Caver. Eh ano naman ang kapangyarihan mo?
Caver: Ewan ko ikaw?
Ersiya: Ang kapangyarihan ko ay isang arnis na kayang magwasak ng mga bato at metal at nagiging espada rin ito.
Caver: Hindi nga?
Ersiya: Gusto mo ipakita ko sa iyo?(Pasungit na pagsabi ni Ersiya).
Caver: A eh sige mamaya nalang.
Ersiya: Ganun pala eh, good boy
Caver: Bakit ang sungit mo?
Ersiya: Hindi mo na kailangang alamin iyon.
Caver: Teka teka, matanong ko lang sino ba ang nanay ng anak ng datu at para bang nahaluan ito?
Ersiya: Si Elizabeth.
Caver: Si Queen Elizabeth ng England?
Ersiya: Hindi, si Elizabeth ay isang Australiana na naulila dahil pinatay ang kanyang mga magulang at sa sobrang takot na baka patayin di siya umalis siya sa kanyang bansa at pumunta dito sa Pilipinas dahil alam niyang siguradong magiging ligtas siya dito. Naghanap siya ng matutuluyan ng nakita siya ng datu.
Caver: Bakit hindi siya pumunta sa mga bayan at ginusto pa niyang maghanap ng matutuluyan sa kagubatan?
Ersiya: Dahil sa sobrang takot hindi na niya naisip iyon, sumakay lang siya sa isang bangka at hindi nagpakita sa mga tao dahil baka daw mahanap siya ng mga pumatay sa mga magulang niya at patayin din siya. Habang naglalayag siya sa karagatan hindi niya naisip na puwede niyang madaanan ang bagyo at nagkataon ngang may nadaanan siyang bagyo at binagyo siya hanggang napadpad siya sa isang dalampasigan na malapit sa kagubatansa ating bansa at yun nga, naghanap na siya ng matutuluyan at siyempre naman umaasa siya na sana nga may makita siyang matutuluyan niya. At gaya nga ng sabi nakita siya ng datu at pinakasalan at yan ang kalalabasan ng kanilang anak.
Hindi na naisip ni Caver ang kanyang tito.
Abangan ang susunod na kabanata...
![](https://img.wattpad.com/cover/21985935-288-k890379.jpg)