Kabanata 42: Ang Paghihiganti

13 1 0
                                        

Papalapit si Aghar kay Goust samantalang si Goust naman ay pinilit nalang na gumapang papalayo dahil nahihirapan na syang tumayo. Itinali ni Aghar ang kanyang espada sa kadena.

Aghar: Sa wakas. May maipagmamalaki narin ako kay guro Agane.

Goust: Pwede naman nating pag-usapan to.

Aghar: Wala tayong pag-uusapan.

At inihanda na nya ang kanyang kamay para isugod kay Goust ang espada na nakatali sa kadena na lumilitaw sa isang malabracelet na uri ng sandata sa kanyang kamay.

Goust: Parang awa mo na!

Aghar: Nagmamakaawa ka? He! Katapusan mo na!

At isinugod na ni Aghar ang kanyang espada papunta kay Goust. Nagpakawala naman ng buhanging kapangyarihan si Goust at mabilis na itinama sa kadena hanggang sa umabot sa kamay ni Aghar. Biglang tumigil ang espada na medyo malapit na sa kanya at ito ay bumagsak sa lupa.

Aghar: A–anong nangyari?

Nagulat si Goust nang gumana yung plano nya. "Kung ganon posible. " sabi nya sa sarili. Si Aghar naman ay hinawakan ang sandatang yun at inaalam kung ano ang nangyari dito at bakit ito'y tumigil sa paggana.

Aghar: Anong ginawa mo?!

Goust: Ipinasok ko ang mga maliliit na particles ng mga buhangin sa bagay na yan para mastuck-up ang mga piyesa sa loob na nagpapagana sa bagay na yan.

Aghar: Maliliit na ano?! Huh?!

Nagulat si Ahgar ng mapansin nya ang dalawang hating kulungan na gawa sa buhangin ang nasa gilid nya. Agad na pinagsalubong ni Goust ang kanyang kamay para makulong si Aghar. Natanggal naman ang bagay na nakakabit sa kamay ni Aghar at agad na hinila ito ni Goust palabas sa kulungan.

Aghar: Hindi maaariii!!!

At pinilit nang tumayo ni Goust hanggang sa makatayo sya at lumapit kay Aghar.

Goust: Sabihin mo sa akin kung bakit kayo ang biktima rito.

Aghar: At bakit ko naman sasabihin sayo? Kalaban ka.

Goust: Kung kayo ang biktima, kayo ang mabait. At ang mabait, sinasabi ang kanyang problema para malaman ng mga taong nakapaligid sa kanya kung bakit sya ganon.

Aghar: Parang sinabi narin nya ang kanyang plano sa kalaban.

Goust: Magkaiba ang plano sa hinaing. At saka pano mo masasabing kalaban ang kaharap mo kung wala naman itong masamang motibo sa'yo?

Aghar: Hindi lang ito away ng dalawang tao. Lahi at kaharian ang magkaaway dito. Wala kang alam dahil isa ka lang taong galing sa mundo ng mga tao na mahilig pumanig sa kalabang diwata.

Goust: Simple lang naman ang gusto ko. Ikwento mo lang sa akin ang dahilan.

Hindi umiimik si Aghar.

Goust: Sige ako na muna ang mauna.

At ikinwento ni Goust ang nangyari kung bakit sila nasa Encantadia.

Aghar: Kung ganun sinasabi mo na may nagpadala lang sa inyo papunta dito at hindi kayo kusang nagpunta?

Goust: Oo. Ngayon sabihin mo sa akin. Bakit kayo nanggulo sa bayan ng Orliba? At saka ano yung sinasabi mong lahi at kaharian ang magkaaway dito? May kaharian kayong kaaway?

Aghar: Oo. At kasalukuyan nang nagaganap ang digmaan sa timog-hilaga ng Hathoria.

Goust: May digmaang nagaganap?!

Nag-alala si Goust sa mga mamamayan sa bayan ng Rosas.

Goust: Ikwento mo sa akin ang puno't-dulo ng digmaang to.

At ikinwento ni Aghar ang nangyari.
——————————————–—–—–

Ito ang kwento ni Aghar.

Noong una, payapang namumuhay ang apat na kaharian sa Encantadia. Ang Lireo (kaharian ng mga diwata), Ang Sappiro (kaharian ng mga mandirigma), Adamya (isang payapang kaharian sa silangan) at ang Hathoria na kaharian ng mga magagaling sa pagpapanday ng mga espada at armas. Isang araw, may namataan ang isa sa mga kawal ng Hathoria sa mga isang kagubatan na paligid nito. Limang tao, ang dalawa ay galing sa Lireo at ang tatlo ay galing sa Sappiro. May sinusubukan silang paganahin na malaking bagay. Nung umandar ito, nag-suot sila ng isang kakaibang maskara na may pabilog na salamin sa mga mata nito.
At ang sumunod na nangyari, naglabas ito ng hangin at biglang nagsilagas ang mga dahon sa mga puno at ang ibang mga puno ay nagsitumbahan at nagkulay itim. Nangamba ang kawal at dali-dali itong nagpunta sa hari ng Hathoria para ipaalam ang nasaksihan. Nangamba ang buong kaharian dahil sa ginawa ng mga taga Sappiro at taga Lireo. Maraming namatay na hayop, halaman, mga taniman at pati mga tao ay naapektuhan. Ngunit iba ang epekto nito sa tao. Sila ay nagiging marahas. Kaya iniutos ng hari ng Hathoria na paalisin ang mga taong nakatira sa mga paligid ng nasasakupan. Pero di nila ipinaalam ang dahilan dahil paniguradong mangangamba ang mga taong nakatira sa mga paligid ng Hathoria. Ngunit iba ang naging pananaw ng mga tao sa ginawa ng hari ng Hathoria. Napaisip sila na baka balak agawin ng hari ng Hathoria ang buong kalupaan, kaya sila ay sumugod sa Hathoria at ipinaglaban ang kanilang karapatan sa lupain. Sinubukang ipaliwanag ng mga hathor ang utos ng hari ngunit di natinag ang paniniwala ng mga tao kaya nauwi ito sa karahasan. Uminit ang ulo ng hari ng mga hathor kaya iniutos nya na ipapapatay  ang sinumang hindi aalis sa lupain na nasasakupan at napapaligiran ng Hathoria. Dito nagkaroon ng matinding patayan sa Hathoria.
Biglang dumating ang mga Sappiro at Lireo upang tulungan at ipaglaban ang mga tao. Eto ang nakakainis sa lahat. Ang kanilang pangengelam . Wala silang karapatan na tulungan ang mga walang hiyang mga inutil na hindi marunong makinig sa namumuno sa kanila lao na't sila ang dahilan ng kaguluhang to. At dahil sa kanilang pangengelam, nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng Hathoria, Sappiro at Lireo. Pero bago naganap ang digmaan, nag-usap ang tatlong hari. Ang hari ng Hathoria, hari ng Sappiro at reyna ng Lireo. Sinabi ng hari ng Hathoria na kunin nalang nila ang mga tao kung sila ay nag-aalala sa mga ito. Pero iginiit ng dalawang pinuno na mali ang nais ng hari ng Hathoria at dapat na payagang mamuhay ang mga tao sa paligid ng kaharian nito. Hindi pumayag ang hari ng Hathoria bagkus ay isinulong nalang nya ang digmaan para matapos na ang kaguluhan.

Sa kasamaang palad, natalo ang pwersa ng Hathoria at napanatili ang pamamalagi ng mga tao sa paligid ng kaharian ng Hathoria. Malaking kahihiyan ang hinarap ng mga hathorian. Dahil sa pagkatalo ng Hathoria nagkaroon ng lakas ng loob ang mga tao na sirain at pagnakawan ang aming kaharian. Di rin kami makapalag sapagkat nakabantay ang mga Sappiro at mga Lireo sa mga hangal na tao. Para kaming naging alipin sa sarili naming kaharian. Ngunit hindi dito natatapos ang lahat. Pitong taon ang nakalipas at nakagawa ang isa sa mga panday ng Hathoria ng isang sandatang ginagamit namin ngayon, may mga hathorian din na nakagawa ng mga bagay na lumilipad na kayang makapaglakbay sa himpapawid. Matagal naming pinaghandaan ang aming paghihiganti sa mga pakelamerong Sappiro at Lireo at pati sa mga taong mapang-abuso sa kanilang kalayaan. At dumating na ang araw na'yon ngayon.

————————————————

At natapos na ang kwento ni Aghar. Nag-isip naman si Goust ng ilang segundo, nang makapag-isip na sya. Naglakad sya palayo at kinontrol ang kulungan gawa sa buhangin na tila sumusunod sa kanya.

Aghar: Anong ginagawa mo? Saan mo ko dadalihin?!

Goust: Ituro mo sa akin kung saan ginagawa ang mga sandata nyo.

Aghar: At bakit ko naman sasabihin sa'yo?

Goust: Ang mga piyesa at materyales na nasa loob ng sandatang to (sabay hawak sa hinila nyang sandata mula kay Aghar) ay galing sa mundo namin at gawa ng mga tao.

Aghar: Ano!?

Ikinagulat ni Aghar ang kanyang narinig.








Susunod: Itim na usok

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon