Kabanata 27: Happily Ever After

16 1 0
                                    

" Huwag! Huwag nyo syang hulihin! Mabait sya!" Sabi ng batang babae.

Kawal: paumanhin ngunit utos ito sa amin ng reyna. At saka isa pa, hindi ka dapat nagtitiwala sa mga ibang nilalang.

Batang babae: Ngunit yung bayan po ng Rosas!

Kawal: Huwag kang mag-alala sapagkat nagpadala ang reyna ng mga magpapaalis sa mga kapre sa inyong bayan.

Isinakay na ng mga kawal ang batang babae sa isang karwahe. Ipapasok na rin sana si Alabanabalu sa isang karwaheng kulungan na gawa sa kahoy ng sumigaw ang batang babae.

Batang babae: Alabanabalu!

Alabanabalu: Oo.

At nagwala si Alabanabalu dahilan para matanggal ang pagkakatali sa mga kawal at tumakbo ng mabilis papunta sa bayan ng Rosas.

Kawal: Nakawala ang taong bato!

" Alabanabalu. Tulungan mo sila. Alam kong hindi nila kakayanin ang mga kapre. Dahil...." sabi ng batang babae sa kanyang isip.

At si Alabanabalu ay tumatakbo sa malawak na damuhan. Napansin nya ang isang parang maliit na bulalakaw na pabagsak sa bayan ng Rosas. Nag-alala sya kaya tumakbo pa sya ng mabilis. Malapit na sya sa bayan ng Rosas ng makita nyang bumagsak ang isang parang maliit na bulalakaw sa isang kapre. Tumilapok ang kapreng binagsakan ng parang maliit na bulalakaw. Nang makalapit pa sya ay nalaman nya na tao pala ang parang maliit na bulalakaw na bumagsak sa isang kapre. Nakita nya ang isa pang kapre na balak suntukin ang taong iyon kaya magmadali sya at agad na sinuntok ang kapreng iyon.

Smag: Sino ka?

Alabanabalu: Ako si, The rock city boy!

Smag: Ano?

Alabanabalu: Ang sabi ko ay....

Kapre: Tumabi kaaa!

At sinuntok ng isa pang kapre si Alabanabalu dahilan upang tumilapok sya ng malayo.

Kapre: Ikaw!

Umatake ang kapre sabay namang umatake rin si Smag. Pinalabas nya ang apoy sa mga kamay nya. At malakas na sinuntok ang kapre dahilan upang ito ay tumilapok.

Khalil: Nakakamangha ang ginawa nya.

Luna: Nagkakamali ka. Walang nakakamangha sa ginawa nya.

Goust: Eh? Hindi mo ba nakita nang maayos ang ginawa nya?

Luna: Nakita ko. Ngunit hindi iyon ang nakakamanghang atake na nakita ko sa buong buhay ko.

Balik kina Smag. Si Smag ay lumapit sa isang kapre na inatake nya nung sya ay dumating sa bayan ng Rosas na sa ngayon ay unti-unti na ulit nagkakamalay. Inapakan ng kanyang kanang paa ang dibdib ng kapre at nag-apoy ang kaliwa nyang kamay at itinutok sa mukha ng kapre.

Smag: Sabihin mo! Bakit kayo gumagawa ng gulo dito?

Kapre: Ma-ma...

Smag: Ano?! Sabihin mo!

Kapre: Ma-ma-mar... eeeyaaaa!

Sumigaw ito. Nagulat si Smag kaya sinuntok nya ito at ang kapre ay nawalan ng malay.

Smag: Kainis.

Goust: Perdix!

Smag: Huh?

Lumingon si Smag sa kanila. Napansin nila na nagulat si Smag.

Goust: Bakit ka nagulat?

Kapre: Nakalimutan nyo ako.

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon