Ikinagulat nila ang sinabi ng lalaki na ang mga Hathor ay papunta sa bayan ng Orliba. Sinabihan ni Juan na magtago sila.
Juan: Magtago kayo!
Smag: Tutulong kami.
Juan: Hindi pwede masyadong mapanganib.
Smag: Pero may kapangyarihan naman kami!
Juan: Pero kaya nyo bang makipaglaban sa may mga sandata gaya ng pana at espada? Hidi sila katulad ng mga kapre, mga kawal sila. Wala kayong laban kahit may mga kapangyarihan pa kayo dahil hindi pa kayo sanay.
Luna: Sumunod ka sa tatay mo Smag.
Juan: Ilikas nyo ang iba pang mga mamayan at magtago kayo sa lugar na hindi kayo makikita ng mga hathor.
At umalis na sina Juan. Sina Smag naman ay inilikas ang mga mamayan.
Goust: Saan tayo magtatago?
Imana: Sumunod kayo sa akin.
Besa: Mga mamayan ng Orliba! Sumunod kayo sa amin!
At sinundan nila si Imana patungo sa kanyang bahay.
Smag: Dito tayo magtatago? Pano tayo magkakasya?
Imana: Pasok kayo.
At pumasok sina Smag. Pumasok sila sa loob hanggang sa makarating sila sa likod ng bahay, nakita nila si Imana na naghuhukay sa likod ng bahay.
Goust: Ahh! Alam ko na! May lagusan dyan no?
Imana: Wala. Tulungan nyo akong maghukay. Dito tayo lulusot patungo sa tataguan natin para walang makitang bakas ng mga paa ang mga hathor.
Luna: Tama. Kung mapapansin nyo nga naman, puro buhangin ang naaapakan natin dito sa bayan ng Orliba.
At tinulungan nilang maghukay si Imana.
Luna: Goust gamitin mo ang kapangyarihan mo. Mas mapapadali ang paggawa ng lagusan dahil buhangin ang kapangyarihan mo.
Umoo naman si Goust. Nakagawa nga sya ng lagusan.
Goust: Saan ko lalagyan ng lagusan palabas?
Imana: Sundan mo ang ginagawa mong lagusan.
Goust: Papasok ako?
Imana: Oo.
Besa: Kailangan mo ng liwanag. Samahan mo sya Smag.
Smag: Oo.
At kumuha si Smag ng kahoy at nilagyan nya ang dulo nito ng kanyang apoy at saka sumunod kay Goust.
Habang sila ay nasa loob, sila ay nag-usap.
Goust: Hindi pa nga pala kita gaanong kilala.
Smag: Sa katunayan, sina Gem at Ini palang ang kilalang-kilala ko.
Goust: Goust H. Buster.
Smag: diba parang nasabi mo na yung pangalan mo?
Goust: Oo nga parang nasabi ko na. E ikaw? Di ko pa alam ang buong pangalan mo.
Smag: Smag C. Aidem
Goust: Ano yung C?
Smag: Hindi ko alam. Yun ang sinabing full name sa akin ni Ngiti. E sa'yo? Ano yung H?
Goust: Hakbo.
Smag: Goust Hakbo Buster?
Goust: Oo. Sa'yo sa tingin mo? Ano yung C?
