Kabanata 8: Gemini

65 4 0
                                        

Maghahapon na,sina Caver at Ngiti ay nasa hardin at kinakausap nila ang mahiwagang salamin. Dumating si Diwani Dinaria at sinabi niya na sapat na ang mga nalamang impormasyon na dapat malaman ni Caver ngunit biglang nagsalita si Caver at sinabing.

Caver: Teka sandali! kailangan kong malaman kung ano ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa akin ni Bathala.

Mahiwagang Salamin: Hindi ko alam ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa iyo ni Bathala, ang mga babaylan ang magsasabi sa iyo kung ano ang kapangyarihan mo.

Caver: Kung ganun kailangan kung pumunta sa mga babaylan.

Diwani Dinaria: Oo kailangan mong puntahan ang mga babayalan at sila ang magsasabi sa iyo pero bago iyon, kailangan mo munang kumain. Natitiyak kong nagigutom ka na pati ang iyong kaibigan.

Ngiti: Oo nga po nagugutom na ako kailangan na naming kumain.

Caver: Sige po maraming salamat po sa mga impormasyong kailangan ko pong malaman lalo na po sa akin.

Diwani Dinaria: Walang anuman.

At umalis na sila sa hardin ni Diwani Dinaria. Pag dating nila sa bahay ni Caver nakita nila sina Eltin at Ersiya.

Caver: O nandito pala kayo, anong ginagawa nyo dito?

Eltin: binilhan ka na namin ng mga sarili mong gamit.

Caver: Bakit? Diba ako dapat ang bibili, nakakuha na ako ng pera pambili.

Eltin: dahil kailangan mo nang mapalabas ang kapangyarihan mo sa lalong madaling panahon.

Caver: Bakit?

Eltin: Dahil nararamdaman ng mga babaylan na lumalakas ang pwersa ng mga impakto at dilang yon nalaman din nilang merong ding kampon ng mga aswang si Bakunawa at lumalakas din ang pwersa nila.

Caver: ANO!?

Ersiya: Oo at basahin mo to.(May ibinigay na dyaryo si Ersiya kay Caver).

Nakasulat sa dyaryo ang nangyari sa Cavite kung saan may mga bahay na biglang sumabog sa Brgy Biclatan ngunit walang ebidensya kung saan nagsimul ang pagsabog may mga nagsasabing impakto daw ang gumawa niyon pero ayon sa mga scientist masyadong malayo sa katotohanan iyon dahil uindi man daw totoo ang mga impakto. Sinabi ng mga Scientist na may posibilidad na nang yari ito dahilan sa mga napabayaang mga wire na nakasaksak at hindi agad nabunot o kaya naman ay dahilan ng mga gasolinang nakita nila sa mga bawat bahay. May mga tao ring biglang nawala nung gabing nangyari ang pagsabog. Nakita ni Caver ang pangalan niya na isa sa mga nakasulat na nawawala. At nakasulat ding pinaghahanap na ng mga pulis ang mga taong nawawala.

Caver: Hinahanap ako ngayon ng mga pulis.

Eltin: Hindi lang ikaw.

Ersiya: Kailangan mo munang kumain pagkatapos puntahan mo kami sa bahay ni Eltin.

Caver: Saan naman ang bahay ni Eltin?

Eltin: Ok ganito puntahan mo nalang kami sa bayan malapit sa Tribong Unpo.

Caver: Ok.

At Umalis na sina Eltin at Ersiya at pumasok na sina Caver at Ngiti, nakita nilang may pagkain na sa lamesa at may pagkaing ibon narin at kumain sila. Habang kumakain napansin ni Ngiti na parang may malalim na iniisip si Caver.

Ngiti: Mukhang may malalim kang iniisip? bakit may problema ba? iniisip mo prin ba ang mga magulang mo?

Caver: Hindi, nabanggit kanina ni Ersiya na pinaghahanap ako so naisip ko lang hinahanap din kaya ako ng mga kaklase ko? Namimiss ko na rin sila lalo si Tyra.

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon