At sila ay naghanda sa paglalaban. Pareho nilang hinihintay kung sino ang mauunang aatake. Hanggang sa sila ay sabay na umatake at nagsimula nang maglaban. Inaatake ni Agortho si Kahlil ngunit naiiwasan ni Kahlil ito, ganun din kay Agortho pag-umaatake si Kahlil sa kanya. Inatake naman ni Kahlil si Agortho gamit ang kanyang kapangyarihan. Tinapatan naman nito ng baril ni Agortho. Ganun lagi ang labanan nila, minsan espada ang gamit nila sa pag-atake, minsan naman ginagamit nila ang atake nila na pangmalayuan. Hanggang sa unti-unti na silang nakakaramdam ng kapaguran. Pareho na silang naghahabol ng hininga.
Kahlil: Hindi ko akalain na may lakas kahit paano ang mga heneral ng Hathoria.
Agortho: Hindi ako makapaniwala na ang isang anak ng isang Sang'gre ay hindi pala ganoon kahirap kalabanin.
"Kamangha-mangha, hindi sya nagpapatinag sa takot" sabi ni Kahlil sa kanyang isip.
Kahlil: Maaaring magtagal ka sa pakikipaglaban sa akin. Pero malayong mapatumba mo ako.
Saby takbo ng mabalis na syang ikinagulat ni Agortho.
"Anong klaseng bilis! Hindi ako makakaiwas sa magiging atake nya. Pero Mahaharangan ko sya. " sabi ni Agortho sa kanyang sarili.
At naharangan nga nya si Kahlil sa pag-atake nito sa kanya gamit ang kanyang espada.
Agortho: Kala mo ba masusugatan mo ako?
Mabilis namang itinutok ni Kahlil ang kanyang kamay kay Agortho at nagpalabas ng kanyang kapangyarihan.
Agortho: Anong?!
At tinamaan si Agortho at sya'y tumilapok. Lumapit si Kahlil kay Agortho.
"Yung baril ko. " sabi ni Agortho sa kanyang isip.
Kinapa nya kung nasaan ang baril nya ngunit wala ito.
" Teka, nasaan ang baril ko? " sabi nya sa sarili.
Nagulat naman sya nung tinutukan sya ni Kahlil gamit ang kanyang baril. Natanggal kasi ito nang tumilapok sya at kinuha naman ito ni Kahlil.
Kahlil: Sumuko ka na.
"Kuso! " sabi ni Agortho habang naiinis.
At may biglang tumusok kay Kahlil na isang maliit na kadena na may tusok sa dulo. Nagulat din si Agortho sa nangyari. Lumingon si Kahlil sa likod at nakita nya si Agane na syang tumusok sa kanya.
Kahlil: Ahkkkkhkk!
Tinanggal na ni Agane ang kadena sa kanyang katawan. Tinignan ni Kahlil ang sugat sa kanyang tiyan kung saan tumusok ang sandata ni Agane. Tumayo naman si Agortho at sinipa si Kahlil kaya sya ay natumba.
Agortho: ito ang tandaan mo. Hindi nyo matatalo ang Hathoria!
Sabay sinaksak nya sa dibdib si Kahlil. Si Kahlil ay tuluyan nang nawalan ng buhay. Nagpasalamat naman si Agortho kay Agane. Nakita ito ng heneral ng Lireo.
Heneral ng Lireo: Kahlil!!
Sigaw nya, di nya namalayan na may isang kawal ng Hathoria sa likuran nya at sya ay sinaksak nito mula sa likod. Ang Heneral ng Lireo ay namatay na din. Isa-isa naring napatay ng mga Hathorian ang mga kawal ng Lireo hanggang sa wala nang matira. Buti nalang at nakaakyat na sa itaas ng puno ang mga mamamayan ng bayan ng Rosas. Inutusan naman ni Agane na putulin ang mga puno. At iyon nga ang ginawa ng kanilang mga kawal. Pero malalaki ang mga puno kaya matatagalan sila sa pagputol kaya sinabihan sila ni Agane na umalis. At nung umalis na sila, ginamit ni Agane ang kanyang sandata na maliit na kadena na may tusok sa dulo para patumbahin ang mga puno.
Ang kanyang sandata ay umaabot hanggang pitong kilometro at kaya nya itong kontrolin.
Itinusok nya ang kanyang sandata sa mga puno kung nasaan ang mga mamamayan. Buong lakas at bilis nyang hinila ang kanyang sandata dahilan nang pagsunod ng mga puno hanggang sa maputol ito. Nagpanic ang mga tao. Kumapit sila sa mga sanga ng puno para sa pagbagsak nito. Sa kabutihang palad, wala namang nasaktan sa kanila.
"Si Kahlil ba yun?Lagot na tayo! Ang heneral! Maawa kayo sa amin!" sabi ng mga mamamayan.
Agane: Patayin sila.
At sumugod ang mga Hathorian. Bigla namang lumitaw ang isang dambuhalang katubigan galing sa isang lawa na hindi gaano kalayuan. Pumunta ito sa kanila at inanod ang mga kawal ng Hathoria. Tumalon naman si Agane at sumakay sa isang sasakyan na kakalipad kaya hindi sya naanod. Dito sya galing kanina bago sya bumaba at bago atakihin si Kahlil. Itinusok naman ni Agortho ang kanyang espada sa lupa kaya nung tumama ang tubig sa kanya hindi sya naanod nito. Nagtaka ang mga tao kung bakit hindi sila kasama sa inanod. Bigla namang lumitaw si Alena sa harapan nila.
Alena: Huwag kayong mag-alala, malapit na ang mga kawal ng Lireo. Umalis na kayo dito.
At nagsialisan na ang mga tao. Nakita nya naman ang kanyang anak na si Kahlil na kahandusay sa lupa. Nilapitan nya ito at niyakap at sya ay lumuha.
Alena: Patawarin mo ako anak. Nang dahil sa nahuli ako ng pagdating dito kaya napaslang ka nila. Hindi na kita nailigtas.
"Tumatakas sila! Dahil yan dun sa Sang'gare na yun. Dapat syang mamatay!" sabi ni Agortho sa kanyang sarili.
At sinugod nya si Alena. Nakita naman ito ni Alena. Ginamit ni Alena ang kapangyarihan nya at si Agortho ay malakas na inatake ng isang matibay na anod. Ang pakiramdam ng atakeng ito ay katulad ng pagtalon sa apat na palapag ng gusali pabagsak sa swimming pool na nakatapat ang buo mong katawan sa babagsakan mong tubig.
Kaya si Agortho ay tumilapok ng malayo.
Agane: Sang'gre Alena.
Napalingon naman si Alena sa taas kung nasaan si Agane.
Agane: Huwag ka nang malungkot dahil susundan mo rin ang anak mo.
Alena: Tama nga si ina. Magsisimula na kayong maghigante.
Naging masama ang tingin ni Alena kay Agane samantalang nakangiti lang si Agane, ngiti na katulad sa isang mamamatay tao.
Susunod: Alena vs Agane