Kabanata 55: Paglabas sa gubat

9 1 0
                                        

At tumilapok ng kaunti si Smag dahil sa pagsabog. Hindi naman sya ganoon napuruhan dahil sa ginawa nyang kalasag na gawa sa kanyang sagradong apoy.

Nagpalabas ulit ng apoy si Pirena at sea pagkakataong ito ay direkta itong nakatutok kay Smag. Tinapatan naman ito ni Smag gamit ang kanyang apoy. Naglaban ang kanilang mga kapangyarihan. Nahihirapan si Smag dahil sa kanyang posisyon.

Smag: Aaaaahhh!

Pireha: Maaari ko itong ihinto anumang oras kung sasama ka sa amin.

Hindi makasagot si Smag dahil nakafocus sya sa pagpigil sa atake ni Pirena gamit ang pag-atake ng kanyang apoy patungo rin kay Pirena

Smag: Aaaaaaaaahhh!

Sigaw ni Smag dahil sa lakas ng kapangyarihan ni Pirena. Hindi nya ito makayanan.

At biglang may humarang sa atake ni Pirena. Napahinto naman si Pirena. Ang humarang sa atake ni Pirena ay si Amihan.

Smag: A–a–amihan?

Pirena: Amihan.

Amihan: Pirena.

Pirena: Ang lakas ng loob mo na magpakita sa akin.

Amihan: Huwag mong pasamain ang sarili mo. Bumalik ka na sa amin. Hinihintay ka na ni ina.

At nagpalabas ng apoy si Pirena sa kanyang kamay.

Pirena: Pashnea! Wala akong balak bumalik sa inyo!

Amihan: Umalis ka na dito.

Smag: Opo

Sabi ni Amihan kay Smag. Agad namang tumayo si Smag saka tumakbo palayo sa kanila.

Samantala, Si Ngiti ay lumilipad  pabalik na kina Imana.

Ngiti: Lola Imana!

Sigaw ni Ngiti. Napalingon naman sila sa kanya.

Minaya: Ngiti?

Ngiti: Lola Imana!

Imana: Ano? Narating nyo na ba?

Ngiti: Huwag po tayong tutuloy!

At nagtaka sina Imana, Minaaya at mga taong nakarinig.

Minaya: Bakit naman?

Ngiti: Ang ligtas na lugar na sinasabi nyo ay hindi talaga ligtas na lugar. Ang lugar na balak nating puntahan ay pagmamay-ari ng Hathoria.

At ikinagulat nila ang mga sinabi ni Ngiti.

Minaya: Ano? Pero hindi tayo pwedeng bumalik sapagkat posibleng may mga hathorian din tayong makasalubong.

Imana: Wala na tayong matatakbuhan?

Sabi ni Imana ng may pag-aalala.

Imana: Pero paano nangyari yun? Sinabi nya sa akin ang eksaktong bilang sa pagdating ng araw na'to at kung saan pupunta. May mali ba sa mga kalkulasyon nya?

Minaya: Lola Imana. Ayos lang po ba kayo?

At nag-isip-isip si Imana. Pagkatapos ay nagsalita sya.

Imana: Kailangan nating bumalik sa eyrsyip.

Ngiti: Huh? Bakit naman po?

Imana: Muntikan ko nang nakalimutan, may isa pa tayong pwedeng masakyan na nasa loob ng ersyip na'yon.

Minaya: Ano po yun?

Imana: Hindi ko pa maalala. Ang kailangan ngayon ay makalabas tayo sa gubat nato.

Minaya: Di po kaya maligaw tayo?

Lumipad naman ang tatlong malalaking kuwago.

Imana: Sundan natin sila.

Sinundan nila ang mga kuwago hanggang sa makalabas sila ng gubat pabalik sa maladisyertong lugar na napapalibutan ng mga burol. Doon ay nakasalubong nila si Luna.

Ngiti: Luna!

Masayang sabi ni Ngiti.

Luna: Bakit kayo bumabalik?

Ngiti: Hindi talaga ligtas na lugar ang pupuntahan natin at kailangan nating bumalik sa airship dail may isa pa daw tayong masasakyan doon ayon kay lola Imana.

Lumingun-lingon naman si Luna at napansin nyang wala si Smag.

Luna: Nasaan si Smag?

Ngiti: Kinalaban si Pirena.

Luna: Ano?!

At nagulat din sina Minaya at lola Imana sa narinig.

At agad na tumakbo si Luna papasok sa gubat.

Ngiti: Luna!

Luna: Kilangan ko syang tulungan!

At tumakbo ng tumakbo si Luna hanggang sa nakapasok na sya sa gubat.

Samantala,  si Smag ay tumatakbo pabalik kina Imana. Sa di kalayuan ay may naaninag syang mga liwanag pero ang mga liwanag na naaaninag nya sa di kalayuan ay parang hindi natural. Naalala nya na gabi na ngunit alam nya ang liwanag ng mga apoy sa gabi. Ang mga liwanag na naaaninag nya ay parang galing sa isang ilaw na ginagamitan ng kuryente.

Nang marating nya ito ay nakalabas narin sya ng gubat at laking gulat nya ng makita nya ang isang pabrika.

Smag: Ano? Isang pabrika?

Bigla naman pinalibutan sya ng maraming kawal ng Hathoria.

Smag: Lagot!

Sabi nya sakanyang sarili.

At biglang nawasak ang pader sa isang parte ng pabrika. Sa pagkawasak ng pader ay lumitaw si Goust na inatake ang mga kawal gamit ang kanyang kapangyarihan.

Napalingon naman ang mga kawal kay Goust. Kinuhang pagkakataon ito ni Smag para atakihin ang mga kawal gamit ang kanyang sagradong apoy.

Smag: Hyaaa!

At napatumba ang mga kawal dahil sa pagkapaso.

Napatingin naman ai Goust kay Smag at ganun din si Smag kay Goust.

Goust: Smag?

Smag: Goust?

Sa bintana naman sa taas ng pabrika ay nakikita sila ni Ol.

Ol: Looks like we've got another brat to accompany.

Nabunyag na ang ilang mga lihim ng Hathoria at ang kasaysayan sa mga taong nagpunta dito maraming taon na ang nakakalipas. Pero marami paring mga blangko upang mailantad ang katotohanan. Sino ang tama? Sino ang mali? Bakit ito ginawa ng Hathoria? Totoo bang inaapi sila ng mga diwata at mga sappiro? Bakit may kasamang tao ang Hathoria na mukhang galing sa mga taong nasa kwento ni Imana? Ano ang plano ni Ol? Bakit nya gustong gamitin ang mga armas na naimbento nya sa ikalawang pangdaigdigang digmaan? Anong nangyari sa mga taong nagpunta sa Encantadia na galing sa panahon ng ikaunang digmaang pangdaigdig? Alamin ang mga kasagutan sa mga susunod na kabanata.







Susunod: Ang dalawang laban

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon