Kabanata 31: Ang Brilyante ng Apoy at Ang Sagradong Apoy

9 1 0
                                    

Sinabihan si Smag na subukan nyang hawakan ang apoy at baka sakaling mas lalo nya itong makontrol. Muntikan na nyang makalimutan na hindi pala sya masasaktan sa apoy kaya hinawakan nya ito. Ngunit hindi nya parin ito makontrol. Bigla namang may naisip na ideya ang ama ni Smag.

Sinabihan nya si Smag na lumabas at doon nya sa labas kontrolin ang apoy. Ginawa naman ito ni Smag, lumabas sya at sinubukang kontrolin ang apoy. Ngunit hindi nya parin ito makontrol. Sinabihan naman ni Juan si Goust na gumawa ng tulay gamit ang kapangyarihan nyang buhangin. Ngunit sinabi ni Goust na hindi sya makakagawa ng solid na tulay na buhangin dahil maghihiwa-hiwalay ang mga particles nito dahil sa init ng apoy. Napansin nila na unti-unting lumalapit sa kanila ang apoy na nakabilog sa kanila. Kailangan nilang makaisip agad ng paraan para makaalis dito.

Bigla namang may naisip na ideya si Luna. Sinabihan nya si Juan(ama ni Smag) na gawin ulit ang pagpapawala ng apoy doon kung nasaan si Smag. Sinigaw din nya kay Smag ang gagawin ng kanyang ama at sinabihan nya na bilisan nyang lagyan ng kanyang apoy ang lugar na napatayan ng apoy.

At iyon nga ang ginawa ni Juan. Nagpakawala sya ng hangin at nagkaroon ng daan sa pagitan ng apoy ngunit hindi agad nalagyan ni Smag ng apoy ang lugar na iyon kaya muling nagsibalik ang apoy. Muli ulit nilang sinubukan at sa pagkakataong ito, binilisan na ni Smag ang paglagay ng apoy sa lugar na napatayan ng apoy. At nagawa nga nya. Sinubukang magbalik ng apoy ngunit tumigil ito sa apoy ni Smag at ganun din sa kabilang banda ng apoy ni Smag. Ngayon sinabihan naman sya ni Luna na gumawa ng daan sa kanyang apoy. At ginawa nya ito,nagkaroon nga ng daan at nakalabas na sila. Tinanong naman ni Smag kay Luna kung paano nya nisip iyon. Sinabi naman ni Luna na kaya hindi nya makontrol ang apoy dahil hindi ito ordinaryong apoy o sagradong apoy. Ang apoy na'yon ay galing sa brilyante ng apoy. Sinabi pa nya na hindi nya ito makokontrol dahil tanging si Sang'gre Pirena lamang ang may kakayahang makakontrol nito dahil sya ang nagmamay-ari nito. At ganun din sa brilyante ng apoy, hindi rin makokontrol ni Pirena ang apoy ni Smag. Tanging mga ordinaryong apoy lamang ang kayang kontrolin ng nagmamay-ari ng brilyante ng apoy at ang tagapangalaga at gumagamit ng sagradong apoy. Sinabi pa nya na kaya hindi nilamon ng apoy galing sa brilyante ng apoy ang sagrasong apoy ni Smag dahil maglalaban ito at magbubungguan dahil ang parehong uri ng apoy ay higit na makapangyarihan kumpara sa mga ordinaryong apoy.

Sinabi ni Juan na kailangan na nilang lumayo dito kaya tumakbo na sila papalayo. Natanong naman ni Smag na paano ang lugar na iyon kung hindi namamatay ang apoy. Sinabi naman ni Juan na kusang mamatay ang apoy pag ginusto ni Pirena, ngunit mamatay parin ito kahit hindi nya ginugusto paglipas ng pitong oras at syempre hindi nila kailangan hintayin ang oras na'yon dahil lumalapit sa kanila ang apoy na bumibilog sa kanila.

Samantala, ang mga mamamayan ng rosas ay nagsimula nang magsiakyatan sa mga puno habang pinoprotektahan sila ng mga kawal ng Lireo habang ang iba ay nakikipaglaban sa mga kawal ng Hathoria. Hindi naman nahihirapan ang mga mamamayan sa pag-akyat bitbit ang kanilang mga gamit dahil nakasanayan na nila ito nung araw na sinugod sila ng apat na kapre bago sila lumipat ng pagtataguan.

Si Kahlil at ang isang heneral ng Lireo ay nakikipaglaban sa isang heneral ng Hathoria na si Agortho. Mabilis na pinatamaan ni Agortho ang isang heneral ng Lireo gamit ang kanyang baril na gawa sa Hathoria. Umiwas ang heneral na'yon ngunit natamaan sya sa paa.

Kahlil: Mashna!

Sigaw ni Kahlil. Agad namang sinugod ni Agortho si Kahlil, mabuti nalang at napigilan ito ni Kahlil. Tinulak naman ni Kahlil si Agortho gamit ang kanyang espada. Sinabihan naman nya ang heneral ng Lireo na tulungan ang mga kawal.

Heneral: Ngunit paano po kayo?

Kahlil: Anak ako ni Sang'gre Alena at nagtataglay ng isang kapagyarihan. Mas may laban ako sa kanya. Tulungan mong protektahan ang mga mamayan ng bayan ng Rosas.

Heneral: Masusunod po.

At umalia ang heneral para tulungan at protektahan ang mga mamamayan.

Agortho: He! Sa tingin mo ba matatalo mo ako? Isa akong heneral ng Hathoria!

Kahlil: Hindi mo ba kilala ang kinakalaban mo? Mas mataas ang posisyon ko sa mga heneral ng Lireo. Ako ay anak ng isang Sang'gre.

Agortho: Patunayan mo!

At naghanda na sila para sa mas lalong madugong paglalaban.







Susunod: Kahlil vs Agortho

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon