Blue Flames Special 12: X-Mas Party

2 1 0
                                        

Desyembre na, ang lahat ng mga room sa Biclatan Elementary School ay naghahanda na para sa paparating na X-Mas Party sa biyernes. Nilagyan ng mga parol ang paligid ng mga silid-aralan at nilagyan ng design ang paligid ng greenboard. Pero bago magsimula ang X-Mas party ay kailangan munang bumuo ang isang section ng isang team na may pitong miyembro na sasabak sa mga palaro. Ang mga team ay may pangalan at kailangan mga pangalan ng bansa ang pangalan ng team nila. Ibibigay sa faculty ang name ng mga team at hindi matatanggap ang team na merong parehong pangalan sa team na nauna sa kanilang magpasa kaya paunahan ang mga team sa pagpasa. Sa kabutihang palad walang kapareho ang bansang pinili ng team ni Smag. Napasama sya sa Grupo nila na tatawaging Team Italy.

At dumating na ang araw ng X-Mas Party. Ang mga mag-aaral ay nagsipuntahan muna sa kanikanilang silid-aralan at inilapag sa teacher's desk ang mga regalo nila para sa exchange gift mamaya pagkatapos ng palaro.

3 hrs and 7 minutes later

At magsisimula na ang palaro pero pitong team lamang ang makakapasok sa main game kaya kailangan ang bawat team ay matalo ang iba hanggang sa pito nalang ang matira. Ang game ay kailangang mapasa ng bawat member ng team ang kalamansi na nasa kutsara mula sa kanila papunta sa kutsara ng kasunod na member, ang nasa unahang memeber ay kailangang umikot sa upuan at pagkatapos ay ilalagay ang kalamansi sa plato na nasa upuan na nasa likuran ng unang member na unang nilagyan ng kalamansi sa kutsara nito. Bibig lang ang gagamitin sa pagpasa.

At sa huli ay nakapasok ang team Italy sa main game. Ang iba pang mga team na nakapasok ay ang Team Canada, Team Japan, Team England, Team Australia, Team Russia at Team Hungary.

Team Italy - ang team nila Smag.
Team Canada - ang team na galing sa star section.
Team Japan - ang team Otaku.
Team England- Ang team na galing sa section na magagaling sa English.
Team Australia- ang team na mahilig sa sports.
Team Russia- ang team na mahilig sa mga video games na barilan tulad ng Counter Strike, Special Force, Call of Duty at marami pang iba. At ang
Team Hungary- ang team na magagaling sa pagluluto kahit nasa murang edad pa lamang.

Merong 8 games sa buong palaro. Ang makakahua ng mataas na score ang syang tatanghaling panalo.

First Game
Isang member bawat team lang ang maglalaro. Ang kailangan ay makapunta sa finish line habang nasa sako.
Ang Team Italy ang nahuli.

Second Game
Isang member lang ang maglalaro. Paunahan sa pag-ubos ng Spaghetti.
Panalo ang Team Italy, Si Smag ang naglaro.

Tinanong sya ng kaklase nya kung bakit malakas sya kumain pero hindi sya tumataba.

Classmate: May bulate ka siguro sa tyan mo no?

Smag: Wala ah! Baka tahimik lang ako sa Appetite.

Third Game
Dalawang member ang maglalaro. Cheerleading battle.
Panalo ang Team Canada.

Fourth Game
Isang member ang maglalaro. Drawing Battle.
Team Japan ang nanalo.

Fifth Game
Pass the message Question. Parang katulad ng nilaro bago makapasok sa main game kaso ang message ang ipapasa sa pamamagitan ng pagbulong. Ang huling mabubulungan ay kailangang tumakbo sa nagbigay ng question at ibulong ang sagot.
Team Russia ang nanalo.

6th Game
By group. Get me everything I said. Example: Sinabi ng teaher na give me an apple. Paunahan ang mga team sa pagbigay ng apple.
Team Japan ang nanalo.

7th Game
Isang member lang ang sasali. Singing Contest.
Panalo ang Team Australia.

At

8th Game
By group. Hihilain ng dalawang grupo ang tali. Kung sino ang lalagpas sa line na nasa gitna ang syang talo.
Team Japan ang nanalo.

At natapo na ang palaro. Oras na para sa pag-aanounce ng mag prize na mapapanalunan ng mga team base sa rank nila.

Ito ang rank nila:

1.Team Japan
2 Team Australia
3.Team Russia
4 Team Canada
5.Team Hungary
6.Team Italy
7.Team England

Ito ang mga prize by rank:
1. Free tickets para sa Enchanted Kingdom
2.₱1000.00 load
3. PS4
4. School Supplies
5. Mga Foods galing sa Burger King
6. Mga educational books galing sa Natinal Book Store
7. Mga laruan galing sa Toy Kingdom

Pagkatapos ay nagsibalik na sila sa kanikanilang silid-aralan para sa exchange gift.

Merry X-Mas!🎄

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon