Kabanata 39: Nasayang

7 1 0
                                    

Tumilapok ang pasatsat dahil sa sipa sa kanya ni Besa gamit ang kanyang buntot. Muling tumayo ang pasatsat at nagbuga ng berdeng asido sa tubig. Mabilis kumalat ang asido na ikinabahala ni Besa kaya lumangoy-langoy si Besa papunta sa dulo ng mababaw na lawa at umakyat sa pader ng kweba. Mula sa taas, nakita ni Besa na halos maging asido na ang buong lawa.

Besa: Kuso! Paano ko sya tatalunin? Teka...

Naisip ni Besa na kung pupugutan nya ito ng ulo, hindi na ito makakapagbuga pa ng asido at agad itong mamatay.

Kaya gumapang pa sya papunta sa itaas ng pasatsat. Bigla namang itinaas ng pasatsat ang ulo nito para tumama kay Besa ang asido. Nagulat dito si Besa nang nakita nya ito.

Besa: Ano ang!

Ibinalik naman nya ang tingin sa pasatsat.
"Wala nang ibang paraan. Kailangan ko syang sugurin kahit tumama pa ang asido sa akin. " mabilis na sabi nya sa kanyang isip at agad-agad nga syang bumitaw pabagsak sa pasatsat.

Pasatsat: Guaarrrgh!!

At tumama ang asido kay Besa pero nilakasan nya ang kanyang loob at binalewala ang mga sakit na nararamdaman.

Besa: Aaaaaaaaaaahhhhhh!

At tumama ang kanyang mahabang metal na kuko ng kanyang kanang kamay sa bunganga ng pasatsat pero agad narin ito natutunawa kaya binilisan nya ang kilos sabay biglang ipinadaan nya ang mga metal na kuko ng kanyang kaliwang kanang kamay sa leeg ng pasatsat.

At unti-unting nawala ang asido na lumalabas sa bunganga ng pastsat.

Besa: Hiiiiiyaaaaaahhh!

Sigaw nya nung hinugot nya ang ulo ng pasatsat at hinagis sa malayo. Natumba ang pasatsat kasama si Besa. Napasigaw sya dahil naging asido na ang buong lawa. Gayun paman, pinilit namang tumayo ni Besa kahit nahihirapan sya at lumakad pabalik sa butas paalis sa mababaw na lawa. Doon natumba si Besa.

Besa: Hindi ko—magalaw— ang katawan ko.

Sabi nya habang papikit hanggang sa nawalan na sya ng malay.




May lumapit naman sa kanya, ang dungan ng taong naging pasatsat.
" Salamat, at pinalaya mo ako." sabi nito kay Besa. Bigla namang lumitaw si Pandaki para ihatid ang dungan ng taong naging pasatsat sa Saad.

Pandaki: Halika, at ikaw ay ihahatid na sa Saad.

Lumingon ang dungan kay Besa.

Dungan: Maraming nasayang na lakas at dugo sa kanyang katawan. Ayos lang kaya sya?

Pandaki: Hindi pa ngayon ang oras nya.

Dungan: Mabuti naman.

Pandaki: Halika na.

Dungan: Mawalang galang lang po ngunit maaari ko pa bang pasyalan ang mundong matagal ko nang hindi nakita? Kahit saglit lang.

Pandaki: Maaari.

Dungan: Salamat.

Inabot ng dungan ang kamay ni Pandaki at sila'y unti-unting nawala habang papalipad. Si Besa naman ay nakahandusay, wala na ang kanang palad nya at puno ng pasa ang buo nyang katawan. Ngunit sya ay humihinga parin.







Susunod: Cassiopea

Blue FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon