Kabanata 29: Ang Pwersa ng Hathoria

14 1 0
                                        

At natapos nang kumain sina Smag. Sinabihan ni Juan(ama ni Smag) na magpalit sya ng damit. At ang damit nyang galing sa mundo ng mga tao ay pinalitan nya ng damit na isinusuot sa Encantadia. At nagsipagtulog na sila.

Hindi makatulog si Smag dahil hindi sya sanay sa damit ng Encantadia kaya nagpahangin muna sya sa paligid. Nagpunta sya sa may ilog, sya ay namangha sa nakita nya. May mga isdang nagliliwanag na parang mga alitaptap ang nakita nya sa tubig. Tumingin naman sya ngayon sa kalangitan. At mas lalo syang namangha. Napakalinaw ng kalangitan. Kitang-kita ang mga bituin di gaya nung sya pa ay nasa Cavite. Puro ulap lang kasi ang nakikita nya dahil sa polusyon. Pero alam nyang may mga lugar sa mundo ng mga tao kung saan makikita  ng malinaw ang kalangitan sa gabi gaya ng sa Japan, Egypt, Africa, Italy, Greece, Spain, France, Germany, Russia, Ireland, Netherland, Scottland, Iceland, Brazil, Hawaii, Canada, England, at sa America. Isa sa mga pangarap nya ang makapunta sa mga bansang iyon.

At may narinig syang parang may nag-eensayo. Pinuntahan nya ito at nakita nya si Luna na nag-eensayo ng isang uri ng martial arts.

Smag: Luna? Anong ginagawa mo?

Luna: Nag-eensayo. Ano pa ba sa tingin mo?

Smag: A–um–ang ibig kong sabihin ay yung galaw ng kamay at paa mo. Anong klaseng martial arts yan? Taekwondo? Karate? Moi Thai? Yoga? Kung fu?

Luna: Eskrima.

Smag: Eskrima? Anong klaseng martial arts yun?

Luna: Eskrima ang national martial arts ng Pilipinas. Kaso mas tinatangkilik ang taekwondo, karate lalo na ang kung fu kaya bihira nalang ang nakakaalam ng martial arts na'to.

Smag: Saan mo naman natutunan yan?

Luna: sa isang eskrima master sa may Cebu. Hindi ka pa ba matutulog?

Smag: Hindi ako makatulog. Hindi kasi ako sanay sa damit na'to. Gusto ko nang bumalik sa mundo ng mga tao.

Luna: Hindi mo ba gusto dito? Mahiwaga, at malayo sa kaguluhan ng daigdig.

Smag: Sa susunod na pag matanda na ako. Marami pa akong gustong mapuntahan, gawin, at matuklasan.

Luna: Ano naman ang mga gusto mong matuklasan?

Smag: Gusto kong gawin ang mga adventures na napapanood ko. Marami pang mga katanungan at kababalaghan sa mundo ng mga tao, gaya ng mga hidden treasures, lost cities, existence ng mga aliens at ufo's,  Bermuda triangle, at marami pang iba. Gusto kong maging bayani ng mundo. Makilala bilang isang superhero? Siguro parang ganun na nga. Wala akong pakelam sa sasabihin ng iba. Walang makakapigil sa aking tuparin ang mga yun.

Luna: Bahala ka. Pero sabihin ko sa'yo, kailangan mo ng mga payo.

Samantala sa kaharian ng Lireo, si Alena na nakaupo sa isang upuan, sya ay nakikipag-usap sa mga kaibigan nyang mga nilalang ng Encantadia. Dalawang maliit na nilalang, kasing laki lang ng isang walong taong gulang na bata. Sila ay nakasuot ng isang salakot at nakasuot syempre ng damit ng Encantadia.

Ang dalawang nilalang na'yun ay humiling kay Alena na kantahin ang isang awit sa Encantadia. Pinagbigyan naman sila ni Alena at sya'y nagsimula nang umawit.

♪Mashne duva lushna-e
  Ivo pashne lireo liva bida nu
  Lunca du ivo meshna cinca luntaie
  Duva pashna lireo
  Ivo minta kashne intaluva ishta
  Niva  beo neva du♪

Nagpalakpakan at nagpasalamat naman ang dalawang nilalang.

Alena: Walang anuman.

Dumating naman si Amihan.

Blue FlamesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon