Tumatakbo si Luna sa gubat upang hanapin si Smag. Sa kanyang pagtakbo ay nakarinig sya ng ingay ng naglalaban sa di kalayuan. Inisip nya na si Smag iyon na nakikipaglaban kay Pirena kaya pinuntahan nya iyon.
Samantala, Sina Pirena at Amihan ay kasalukuyang naglalaban gamit ang kanilang espada at kapangyarihan ng kanilang brilyante. Pinapatamaan ni pirena ng kanyang apoy si Amihan ngunit tinatapatan ito ni Amihan gamit ang kanyang brilyante ng hangin.
Amihan: Huwag mo nang subukan. Walang laban ang apoy sa hangin.
Pirena: Pashnea Amihan! Kahit kailan maliit ang tingin mo sa akin.
Amihan: Huwag mong hayaang gamitin ko ang pinakamalakas kong kapangyarihan para lang hilain ka pabalik sa Lireo. Huwag kang magpakalason sa impluwensya ni haring Hagorn.
Pirena: Ipinakita nya sa akin ang katotohanan Amihan. Tinanggap nya ako, tinanggap ng mga hathorian kung ano ako. Hindi nila ako kinamumuhian.
Amihan: Pinapa-ikot ka lang nya Pirena. Ginagamit ka lang nya para makuha nya ang kung ano man ang gusto nya.
Pirena: Yaaaaaaa!
At nagpalabas ng malawak na apoy si Pirena na hugis pabilog na lumawak palayo sa kanya. Pinigilan ito ni Amihan gamit ang kanyang hangin. Inatake naman ng direkta ni Pirena si Amihan. Tinapatan ito ni Amihan kaya ang kapangyarihan nila ay naglaban. Bigla namamg dumating si Luna.
Luna: Smag?!
Napatingin si Amihan kay Luna. Ginawa itong pagkakataon ni Pirena para lakasan ang kanyang pag-atake. Kaya napatalsik nya si Amihan nung nilakasan nya ang pag-atake sa kanya.
Amihan: Aaahhh!
Tumama si Amihan sa puno. Agad namang tumakbo ng mabilis si Pirena pagkatapos ay pinadyak nya ang kanyang isang paa sa lupa upang tumalon paurong papalapit kay Amihan upang atakihin sya.
Pirena: Yaaaaaaahhhhh!
Tatamaan na sana nya si Amihan nung pinigilan ng espadang hawak ni Luna ang espadang hawak nya. Napaatras naman ng kaunti si Pirena sabay inislash nya sa hangin ang kanyang espada. May lumitaw na apoy sa pagslash nya sa kanyang espada papaatake kay Luna. Hiniwa naman ni Luna ito na parang papel.
Pirena: Paano mo nahiwa ang apoy ko?
Seryosong pagtataka ni Pirena.
Luna: Hmp.
Ngumiti ng paseryoso si Luna.
Luna: Ang aking arnis na nagiging espada ay biyaya ni Bathala. Kaya nito humiwa ng mga bagay at elemento ito man ay matatag o likido.
Pirena: Ngunit hindi pangkaraniwang apoy ang sa akin.
Luna: Sabihin nalang natin na immune ang espada ko sa kapangyarihan ng brilyante.
Pirena: Anong ibig mong sabihin? Na kayang tapatan ng espada mo ang apoy ko?
Luna: Parang ganun.
Pirena: Hmp. Maaari ngang kayang tapatan ng espada mo ang brilyante ko, ngunit hindi nang katawan mo.
At umatake si Pirena kay Luna.
Samantala si Goust at Smag ay napatumba ang ilang mga kawal ng hathoria sa pabrika ng kanilang makabagong sandata.
Smag: Goust paano ka napunta dito?
Goust: Mahabang kwento.
At nagsilabasan pa ang ilang mga kawal.
Smag: Ang dami nila!