Kabanata 18: At your service, across the land

32 1 0
                                        

Luna: A-anong nangyari?

Ini: Sumabog ang bahay kung nasaan kayo.

Luna: Si babaylan Luda.

Gem: Nasa maayos na lagay sya. Ang kaso, nawalan sya ng malay dahil sa pagsabog.

Luna: Teka! Anong ingay iyon?

Sa di kalayuan ay nakita nina Luna,Gem, at Ini sina Perdix,Goust,Eltin, at pati sina Datu Asul at ang mamamayan ng Arbol at ang Hukbong Katihan ng Pilipinas.

Luna: Anong ginagawa ng Hukbong Katihan ng Pilipinas dito?

Gem: Hindi namin alam?

Nakita nila na sumama sa mga sundalo si Perdix.

Luna: Anong ginagawa nya?

Sumakay si Perdix sa isang sasakyang pangsundalo at ang sasakyan na ito ay umalis.

Luna: Hindi ko maintindihan.

=================================================================================

Datu Asul: Maaari na ba kayong umalis?

Fernando: Hmp! Sa katunayan, hindi lang sya ang pakay namin dito.

Datu Asul: Anong ibig mong sabihin?

Fernando: Hindi dapat malaman ng buong mundo ang tungkol sa inyo pati sa mga Diyos at Dyosa. Ang modernong Agham lamang ang dapat malaman ng mga tao. Sige! Wasakin nyo ang lugar na ito!

At biglang pinasabog ng mga tangke ang mga bahay-bahay sa Arbol. Nagsipagtakbuhan ang mga tao.

Datu Asul: Goust, Eltin! Dalhin nyo ang mga tao sa ligtas na lugar!

Goust at Eltin: Opo!

At dinala nina Goust at Eltin ang mga tao sa isang kuweba na malayo sa Arbol. Nagsipaglabas naman ang mga kawal ni Datu Asul para kalabanin ang Hukbong Katihan ng Pilipinas gamit ang mga Bolo, Sibat, at Pana ngunit wala silang laban sa modernong mga  panlaban ng Hukbong Katihan ng Pilipinas gaya ng mga baril, at Tangke kaya maraming namatay na kawal kay Datu Asul samantalang wala man lang galos ang mga sundalo ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.

Datu Asul: Huwag tayong susuko! Laban hanggang kamatayan!

General Fernando: FIRE!

BOOM!BOOM!BOOM!BOOM!

At unti-unti nang nawawasak ang buong Arbol.

================================================================================

Sa pangsundalong sasakyan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas na bumabyahe patungong Maynila.

Perdix: Saan nyo ako dadalhin?

Sundalo 1: Sa Maynila.

Perdix: Saan sa Maynila?

Sundalo 1: Sa Dogo Company.

Perdix: Bakit? Hindi nyo ako dadalhin sa DSWD?

Sundalo 1: Dadalhin ka din doon.

Perdix: Ano ba ang gagawin ko sa Dogo Company?

Sundalo 1: Malalaman mo din!

Perdix: Pero...

Sundalo 2: Manahimik ka na lang!

At biglang tumigil ang kotse.

Sundalo 2: Anong nangyari? Bakit tayo tumigil?

Tinignan ng isang sunadlo ang problema at nakita nya na walang hangin ang gulong ng sasakyan nila.

Blue FlamesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon