Kabanata 26: The Rock City Boy

40 1 0
                                        

Pumunta si Reyna Minea sa kwarto ng batang babae para kamustahin ang kalagayan nito. Kumatok sya sa pintuan ng kwarto. Nang mapansin nya na bukas ang pinto, pumasok sya at nagulat sya sapagkat wala doon ang batang babae.

Batang Babae: May mga kapangyarihan sila? Kung ganun hindi ako nagkamali.

Sabi ng batang babae habang tumatakbo patungo rin sa bayan ng Rosas. Samantala, sina Goust,Besa,Luna, at Khalil ay nagpahiga muna sa pglalakbay. Huminto sila sa isang ilog.

Goust: Grabe gutom na ako!

Khalil: Ako na ang maghahanap ng mga pagkain.

Goust: O sige.

Umalis muna si Khalil para maghanap ng pagkain.

Goust: Teka hindi nyo ba talaga nakita si Perdix?

Besa: Mas nauna akong nawala kaya hindi ko alam kung ano na ang sumunod na nangyari sa inyo.

Goust: E ikaw Luna? Diba kayog dalawa ang naiwan?

Luna: Nawala rin ako doon. Ang naaalala ko lang naiwan ay si Perdix at si Bathala.

Goust: Hmm? Ano kayang doon sa batang iyon?

Dumating na si Khalil kasama si Danaya. Isa sa mga anak ni Reyna Minea at ang tagapangalaga ng Hiyas ng Lupa.

Goust: Teka sino yang kasama mo?

Khalil: Sya si Danaya, kapatid ng aking ina at ang tagapangalaga ng hiyas ng lupa.

Danaya: Ikinalulugod kong makilala kayong tatlo.

Luna: Ako naman po si Luna at sya naman  po si Besa. Kapatid ko at sya naman si Goust.

Itinuro nya sina Goust at Besa.

Danaya: Nakita ko si Khalil at sinabi nya sa akin na naghahanap sya ng pagkain. 

Khalil: Oo, at sinabi naman nya sa akin meroong malapit na bayan dito. Doon nalang tayo kumain.

Luna: Sige.

Goust: Salamat makakakain narin!

Pumunta sila sa isang malapit na bayan na tinatawag Bayan ng Sampaguita. Doon makikita ang mga naggagandahang mga engkantada ng kagubatan. Pumasok sila sa isang puno. umakyat sila sa taas at doon ay may lamesa at upuan na gawa sa kahoy at doon sila pinaupo. Binigyan naman sila ng mga engkantada ng mga plato na yari sa dahon ng saging at nakalagay sa loob ang mga pagkaing gulay gaya ng Tortang Talong, Pinakbet na Okra, Relyenong Ampalaya, Dinengdeng na Labong, Adobong Kangkong, Pinakbet at Saluyot, Ginisang Monggo, Ginataang Sigariyas, Ginisang Pechay, Pinakbet na Malunggay, at Pinakbet na Sili. At hindi lang iyon, Pinaghandaan din sila ng mga prutas gaya ng Mangga, Lanzones, Pinya, Durian, Pakwan, Langka, Rambutan, Avocado, Saging, at Bayabas. Ang kanilang inumin naman ay nakalagay sa isang baso na gawa sa kahoy at laman nito ay ang tubig na nasa loob ng mga Buko  at ang mismong tubig na iniinom. At sila ay nagsipagkain na maliban kay Goust.

Goust: Huh? Bakit puro mga gulay? Wala bang mga karne?

Danaya: Hindi pwedeng kainin ang anumang hayop dito sa mundo ng Encantadia.

Luna: Ganito ba ang kinakain nyo araw-araw?

Danaya: Oo.

Luna: Kaya naman pala ang gaganda ng mga kutis nyo

Danaya: Maraming salamat sa iyong pagpupuri subalit hindi ang mga pagkaing iyan ang dahilan kung bakit ganito ang aming mga balat.

Luna: Ano po ang dahilan.

Blue FlamesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon