Umuulan parin ng malakas sa Tagaytay.
Besa: Kakainin ko kayong lahat! Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!
At sinugod nya si Eltin na may angking bilis at kinalmot nya ito kaya nagtamo ng maraming sugat si Eltin.
Luna at Goust: Eltin!
" Kailangan kong mapigilan si Besa ng hindi sya mapapatay." sabi nya sa kanyang sarili.
Besa: Oras na para kainin kita!
Eltin: Alam ko na!
At ikinulong ni Eltin sina Luna at Goust sa isang kulungang nababalutan ng makapal na metal.
Luna: Ano to?
Goust: Wala akong makita!
Luna: Anong binabalak ni Eltin?
Besa: Katapusan mo na!
At sumugod si Besa kay Eltin nung biglang nagpalitaw si Eltin ng pitong missiles.
Besa: Ano?
Eltin: Huli ka.
BOOM! Sumabog ito ng napakalakas.
Chord: Huh! Ano iyon?
Napansin ni Chord ang sabog mula sa malayo.
Balik kina Eltin.
Luna: Anong malakas na ingay na iyon? Parang may sumabog.
Eltin: Bakit wala akong makita!
Luna: Malamang wala ka talagang makikita dahil walang lagusan yung liwanag!
At biglang bumukas ang pintuan at nasinagan nila si Eltin at ang liwanag, tumigil narin ang malakas na ulan. At nakita nila si Eltin na may takip sa bibig at ilong.
Eltin: Takpan nyo ang inyong bibig at ilong.
Goust: Huh? Bakit?
Luna: Teka! Yung amoy...
Goust: A-a-ang baho!!!!!!!!
Luna: Anong ginawa mo? Bakit ang baho?
Eltin: Pinasabugan ko si Besa ng mga CD Missiles pero huwag kang mag-alala, buhay parin sya dahil nawalan lang sya ng malay dahil sa CD Missiles.
Goust: Anong ibig sabihin ng CD Missiles?
Eltin: Carbon Dioxide Missiles.
Goust: Ano!
Luna: Kaya naman pala!
Goust: Teka! anong gagawin natin sa kanya?
Luna: Ikukulong muna natin sya sa Arbol.
Eltin: Mabuti pa nga.
At bumalik na sila sa Arbol para ikulong si Besa. Makalipas ang isang oras, pumunta si Luna sa bahay ni Datu Asul.
Datu Asul: Luna! Mabuti't nakabalik ka na.
Luna: Ito na po ang libro ng mga numero na nagmula pa sa bansang Egypt.
Datu Asul: Magaling at nagawa mo ang iyong misyon. Makakauwi ka na.
Luna: Um, Datu Asul.
Datu Asul: Bakit?
Luna: Maraming salamat sa pagpapadala nyo sa akin ng mga katulong at...
Datu Asul: Ano?
Luna: Ha! Bakit po?
Datu Asul: Wala akong pinadala para tulungan ka sapagkat may tiwala akong magagawa mo ang iyong misyon nang mag-isa.
Luna: Ano?!
Luda: Ipagpaumanhin nyo po ako mahal na Datu sa ginawa kong kamalian sapagkat gumawa ako ng isang bagay ng hindi himuhingi ng inyong pahintulot.
Luna: Babaylan Luda?
Datu Asul: Kung ganun nakabalik ka na pala, maligayang pagbabalik! At bakit mo naman ginawa iyon?
Luda: Sapagkat kailangan ko pong makausap si Luna sa lalong madaling panahon. Mapahintulutan nyo po sana ako.
Luna: Kailangang makausap sa lalong madaling panahon. Bakit?
Sabi nya sa kanyang sarili.
Samantala sa hardin ni Diwani Dinaria, bumisita ang Diyosa ng trabaho at mabuting gawa, walang iba kundi si Idiyanale.
Idiyanale: Diwani Dinaria!
Dinaria: Dyosa Idiyanale! Bakit naparito po kayo?
Idiyanale: Naparito ako dahil pinapasabi ni Bathala na dumating na ang oras para malaman ni Perdix ang sikreto sa kanyang sarili.
Dinaria: Si Smag po ba yung tinutukoy nyo?
Idiyanale: Oo.
Dinaria: Masusunod po mahal na Dyosa ng trabaho at mabuting gawa.
At nagliwanag ang buong katawan ni Idiyanale at lumipad sa langit patungo sa mudo ng mga Diyos at Dyosa na tinatawag na Kalangitan Kalibutan.
Abangan ang susunod na kabanata.....
Susunod: Ang Sampung Sagradong Elemento
