Tumilapok sa gubat si Besa.
Besa: Aaaaaaa!!!!
Bigla namang dumating si Anitun Tabu.
Anitun Tabu: Ano ang iyong problema?
Besa: Wala kang pakelam doon.
Umatake si Besa gamit ang isang punyal ngunit naiwasan ito ni Anitun Tabu.
Anitun Tabu: Nakikita kong malaking galit ang itinatanim mo sa iyong puso. Pero nasisira na iyan, kailangan mo na iyang alisin.
Besa: At sino ka naman para sabihin sa akin iyan? Hindi mo alam ang mga nangyari sa akin dahil pinabayaan nyo ako!
Anitun Tabu: Ako si Anitun Tabu. Ang pabago-bagong isip na Dyosa ng hangin at ulan.
Biglang nagpaulan si Anitun Tabu ng isang napakalungkot na ulan na halos hindi ka masisiyahan.
Besa: Ano ito?
Anitun Tabu: Ganyan kalungkot ang nasa loob ng iyong puso.
Besa: Ano?
At habang umuulan ay nagpaihip ng malakas na hangin si Anitun Tabu. Hindi makalapit si Besa sa kanya sa lakas ng hangin habang umuulan.
Besa: Anong klaseng hangin ito? Hindi ako...
Anitun Tabu: Ganyan naman kalakas ang galit na nararamdaman mo.
Iniwala na ni Anitun Tabu ang malakas na hangin ngunit umuulan parin.
Besa:*Pant**Pant*
Anitun Tabu: Sabihin mo sa akin. Ano ba ang iyong nakaraan at bakit ka naging ganyan?
Besa: Hihi!
Anutun Tabu: Bakit ka tumatawa?
Biglang naging taong ahas si Besa at naging metal ang buo nyang katawan at sumugod kay Anitun Tabu . Nagulat si Anitun Tabu kaya pinaihip nya agad ang isang malakas na hangin para ibahin ang direksyon ng pag-atake ni Besa.
Besa: Dahil nagiging ganito ako kapag nababasa sa tubig.
Anitun Tabu: Ganoon ba?
Besa: Gusto ma ba talaga malaman kung bakit ako ganito?
Anitun Tabu: Sabihin mo.
Besa: Nagsimula lahat noong grade 3 pa ako.
=================================================================
Grade 3 ako noon. Nasa loob ako ng silid-aralan habang hinihintay ang aking nanay. Nang dumating na ang aking ina, umuwi na kami ng bahay. Pagpasok ko sa loob ay may nakita akong isang lalaking nakaupo sa sala. Sabi ko...
Besa: Nay sino po sya?
Ina ni Besa: Sya ang iyong bagong tatay.
Besa: May bago na po akong tatay?
Ina ni Besa: Oo anak, meron ka nang bagong tatay.
Besa: Yehey!
Ang saya ko noon. Namatay kasi ang tunay kong tatay noon dahil sa isang aksidente. Nabangga ng isang bus ang kanyang jeep na sinasakyan kaya napakasaya ko nung magkaroon ako ng bagong tatay, ngunit....
Besa: Ang tagal naman ni inay.
Hindi ako sinundo ni nanay sa eskwelahan. Hindi ko alam kung bakit, malapit nang dumilim kaya nagpasama nalang ako sa aking guro pauwi sa aking bahay. Nung makauwi na ako ay may narinig akong nagsisigawan sa loob kaya pumasok agad ako.
