At sabi nga ni Caver.
Caver: Ano ang koneksyon ni Bathala sa aking pagkatao?
Mahiwagang Salamin: Kailangang malaman ng mga hindi pa nakakaalam.
Caver: Ano?
At nagpatuloy sa pagsasalita ang mahiwagang salamin.
Mahiwagang Salamin: Pagkatapos likhain ni Bathala ang ating mundo, nalungkot siya kaya nagpadala siya ng isang ibon para maaliw siya. Nung nakarating na sa ating mundo ang ibong pinadala ni Bathala biglang nakarinig ang ibon ng isang boses ng isang nilalang at sinundan niya ang boses na iyon hanggang makarating siya sa isang kagubatan. Narinig niyang nanggagaling sa isang punong Bamboo ang boses at tinuka-tuka niya ang puno at bigla itong nahati sa dalawa, may lumitaw na isang lalaki na nagngangalang Malakas at isang babaeng nagngangalang Maganda at lumabas sila nang magkahawak ang kanilang kamay at sumakay sa ibon at sinabing kailangan nila ng tamang lugar na paninirhan kaya lumipad ang ibon at naghanap. At maya-maya ay may nakitang isang isla ang ibon at doon niya nilapag si Malakas at si Maganda, pagkaapak nila sa isla nahati ito sa maraming piraso dahil nabigatan ang kalupaan sa bigat ng bagong nilalang na lumitaw sa mundo. Si Malakas at Maganda ang unang tao sa ating mundo at namuhay sila ng mapayapa at nagkaroon ng maraming anak hanggang dumami ang lahi ng tao sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyang panahon.
Caver: Ahhh, ganun pala ang nangyari noong unang panahon.
Mahiwagang Salamin: At ngayon sasabihin ko na sa iyo ang kuwento ng iyong buhay bago ka mamulat sa Cavite.
Abangan ang kwento ng buhay ni Caver sa susunod na Kabanata...
![](https://img.wattpad.com/cover/21985935-288-k890379.jpg)