CHAPTER 1

350 11 1
                                    

" Ang ganda naman ng unica iha namin. The wedding gown looks beautiful on you." Nakangiting wika pa ni mommy.


Tiningnan ko naman ang kabuoang repleksiyon ko sa salamin. Even I can't believe this wedding gown suits me. Mas lalong tumitingkad ang pagka-filipina-Lebanese ko. I'm a classy type of person. Subrang madaldal ako sa mga taong komportable akong kasama at mataray minsan. I'm an only child but not a spoiled one. Independent ako and never did I depend my life with my families wealth.


" Sa tingin mo po ba mommy magugustuhan din ako ng mapapangasawa ko? " Tanong ko pa kay mommy habang inaayos nito ang belo. Tumigil naman ito at tiningnan ako sa repleksiyon ng salamin.


" Of course, baby. You're so beautiful, he will definitely like you." Nakangiting aniya. Humarap naman ako kay mommy at niyakap ito. She's really is my mom. Suportado sa akin.


Nag-iisa lang akong anak nila kaya tutok palagi sina mommy at daddy sa'kin. Kahit na abala sa negosyo ay hindi naman sila nagkulang sa paglaan sa akin ng oras. They're the best parents I've ever had.


" Thanks mom. "


" No worries, baby. Your daddy and I are always here for you." Mom sweetly said. Napatingin naman kami sa pinto nang bumukas ito. It's dad.


"Baby, are you ready? You look so good with that dress. Finally, our princess is getting married." Ani daddy sabay yakap sa'kin.


Excited na ako sa araw na 'to pero hindi ko maiwasang kabahan. Natatakot ako sa possibleng mangyari. Ikakasal ako sa lalaking ipinagkasundo nina daddy. Anak iyon ng business partner nila.


" Yes, dad. I'm ready. " Nakangiting wika ko pa sabay kalas ng yakap.


" Okay then, let's go?" Aniya at inilahad ang kanyang kamay na tila ba isang prinsepe. Bahagya naman akong natawa kay daddy at inabot ang kanyang kamay. Nakahawak ako sa braso niya habang palabas kami ng mansion.


" Wow, ang ganda naman ng alaga ko. " Pagpuri pa ni nanay Tes. She's my nanny simula pa noong isinilang ako hanggang sa lumaki. I'm 25 now. Pamilya narin ang turing namin sa kanya. Wala siya mga anak at maagang nabalo. He took good care of me like her own child.


" Thanks po, nay. Hindi po ba kayo dadalo? " Tanong ko pa nang makitang nakasuot parin ito ng maid's uniform.

" Siyempre dadalo ang nanay mo sa pinakamahalagang araw sa buhay mo. Susunod kami mamaya pagkatapos namin dito. " Nakangiting wika pa ni nanay Tes. Napatango naman ako. Lima lang silang katulong dito pero baguhan palang ang iba. Si nanay Tes talaga ang pinakamatagal na dito.


BUONG biyahe namin patungo sa simbahan ay tahimik lang ako. Iniisip ko ang magiging reaksiyon ng lalaking pakakasalan ko at kung ano ang magiging buhay ko pagkatapos ng araw na ito. This is the last day of my singleness. Sa mga susunod na araw magiging abala na ako sa responsilidad ko bilang asawa.


" Are you okay, baby? " Napatingin ako sa harap nang tanungin ako ni mommy. Nasa likod kasi ako nakaupo samantalang nasa passenger sila ni daddy. Nakangiting tumango naman ako bilang sagot.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon