" Mamaya niyo na 'yan ituloy sa hotel. Naglanding na. Mahiya naman kayo sa'kin. " Pagpaparinig pa ni Keith na nagpabalik sa ulirat ko. Agad akong tumayo habang nakangising nakahiga parin sa floor ng eroplano si Jeush.
" Does my kiss taste good, Lael? It's even healthier than your favorite junk foods." Mapanuksong tanong pa ni Jeush nang makatayo. Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin sa kanya. " You're blushing. " Dagdag na aniya sabay lapit sa'kin at sinilip ang mukha ko. Tumalikod naman ako sa kanya.
" I-Iwan k-ko sa'yo! " I stammered at agad na hinila na ang maleta at naunang lumabas sa kanila.
Paglabas namin ng airport ay may sumalubong din agad sa amin na sexy na babae na may kasunod pang mga bodyguards.
" Kingster, it's nice to see you again. " Nakangiting wika pa nito sabay lapit kay Jeush at hinalikan ito sa pisngi. Napaikot naman ako ng mata. Sarap hilain ng babaeng 'to. Nakakainis.
" You look stunning as always, Erica. " Papuri naman ni Jeush. Inapakan ko naman ang paa nito sa inis at kunyaring sa iba nakatingin. Nagpapacute pa ang babae sa kanya and acting like she's worried nang napadaing si Jeush sa ginawa ko.
" Are you okay, Kingster? Is there something hurt?" Pabebeng tanong pa nito.
" Of course he's okay. Tatayo nalang ba tayo dito?" Pagsingit ko pa at talagang diinan ko pa ang bawat pagbigkas ng mga salitang iyon upang malaman niyang naiinis ako.
" And who are you?" Mataray na tanong pa nito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ang taray pero hindi naman pantay ang kilay.
Nilabanan ko ang titig nito at tinaasan rin siya ng kilay. Kala niya ha.
" She's my wife, Erick." Singit pa ni Jeush sabay pulupot ng kanyang braso sa beywang ko. Palihim naman akong napangiti nang bahagyang umawang ang bibig nito at gulat na gulat.
" Yuks, Kingster. Ba't mo naman ako binuko. I am a girl now!" Nagulat man nang malamang bakla pala ito ay bahagya akong natawa sa sinabi nito. " Sumakay ka sana eh 'di sumabag na sana sa selos ang wifey mo. " Maarting wika pa nito sabay flip ng kanyang buhok.
" Ouch! Stop it, Maby. " Reklamo pa ni Jeush nang apakan ko ang paa nito nang makitang ngumiti pa ito sa bakla. Mas lalo naman akong nainis ng tawagin niya akong "Maby". Siguro babae niya iyon.
" Talagang natutuwa kapa ha? Don ka sa Maby mong kabit! " Pagtataray ko pa sabay sipa ng binti niya. Imbes na magalit ay mas lalo lang itong natawa nang makitang naiinis ako. " Tara na nga Keith. Manlalandi pa 'yan sa mga babae niya. " Baling ko pa kay Keith habang hila-hila ang maleta. Nakangiting tumango naman ito.
Aktong iiwan na namin ang mga ito nang hinila ako ni Jeush pabalik at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. Inagaw niya pa sa isang kamay ko ang maleta at ibinigay iyon sa isang bodyguards.
" You'll come with me, Maby." Aniya sabay hila sa'kin patungo sa kabilang exit. " Reporters are hanging fire outside, wear my hoddie and eyeglasses so your face won't be exposed in the news." Aniya matapos akong dalhin sa comfort room. Taka ko naman itong tiningnan nang hubarin niya ang suot na hoddie at may inaabot sa'king isa pang eyeglass. It's a Cartier dark shades. Isa mga mga mamahaling eyeglass.
" Paano ka?" Tanong ko pa at nagdadalawang isip pa na tanggapin ang hoddie at eyeglasses nito.
" I'm used to it, Maby. Wear it now. " Aniya. Napanguso naman ako nang muli na naman niyang binanggit ang Maby.
Kinuha ko ang hoddie at eyeglasses sa kamay niya at tumalikod. Bago paman ako pumasok sa loob ay saglit muna akong huminto.
" Stop calling me, Maby. Hindi ako si Maby and I will never be Maby. Nasasaktan ako, Jeush. Ako 'yong nandito pero iba ang binabanggit mo. " Wika ko pa bago tuluyang pumasok sa loob.
Matapos kong magbihis ay pinasadahan ko muna ng tingin ang repleksiyon ko sa salamin. Malaki sa akin ang hoddie at bumagay naman sa'kin ang eyeglass nito.
" Are you spy? You're outfit is out of style. Gosh!" Mataray na wika pa ng babaeng kalalabas lang mula sa cubicle. Napatingin naman ako sa palagid baka may iba itong kausap kaso wala akong nakita. Kaming dalawa lang ang narito.
" Kapag sinakal kita ngayon dito walang tutulong sa'yo. Pinakialam ba kita kanina nang tumae ka sa kabila? It's gross! Kumakalat ang amoy pati dito sa labas. " Pabalang na wika ko naman na ikina-usok ng ilong nito. Maganda sana kaso ang pangit ng ugali. Inikutan ko lang ito ng mata bago nagpasyang lumabas. Bago paman ako tuluyang lumabas ay muli ko pa itong nilingon. " Mag-ingat ka ha. Baka kasi multuhin ka at 'di kana makalabas. " Pang-aasar na wika ko pa bago isinara ang pinto at hinarangan ito ng stick.
" Are you done? " Bungad na tanong pa ni Jeush. Tumango lang ako. " My stuff suits you well. I love it. " Papuri pa nito pero hindi ako kinilig dahil naiinis parin ako sa pagtawag niya ng Maby sa'kin.
" Alam ko! Lahat bumabagay sa'kin kasi maganda ako. " Wika ko pa at naiwang naglakad sa kanya. Mas lalo naman akong nainis nang marinig ang munti nitong pagtawa.
" Are you mad at me, Maby hmm?" Aniya at pinantayan ako sa paglalakad. Mahinang pinisil niya pa ang pisngi ko.
" I told you to stop calling me, Maby. Hindi ako ang kabir mo! " Inis na wika ko pa na mas lalong ikinatawa nito. Iniwan ko naman ito at mas lalong binilisan ang paghakbang ngunit naabutan parin ako nito sabay hila sa'kin. Nanlaki naman ang mata ko nang bigla niya akong hinalikan kahit maraming tao. Itinulak ko naman ito at inilayo ang mukha sa kanya ngunit mas hinigpitan lang nito ang pagyakap ng isang braso niya sa baywang ko. " Are you jealous, Maby?" Aniya na parang nagtatanong sa isang bata. Inikutan ko lang ito ng mata.
" T-tumigil ka nga! M-maraming tao. " Saway ko pa sa kanya at pilit siyang itinulak kaso ang lakas niya.
" I don't care. Besides, we're married. Nothing's wrong with that, Maby. " Aniya sabay kindat sa'kin. Mahinang kinurot ko naman ito sa tagiliran.
" Stop me calling me that! " Inis na wika ko pa ngunit ngumiti lang ito ng malapad.
" Why are you jealous with yourself hmm? Maby means you're my baby, Lael. " Aniya na nagpatigil sa'kin at nagpalakas ng kabog ng dibdib ko. Biglang nag-init ang buo kong mukha sa sinabi nito. Kinikilig ako na natatawa sa sarili ko.
Nasa ganoon kaming sitwasyon nang biglang may sumingit na babae sabay hila sa'kin sa buhok at sinampal ako. Gulat na gulat naman akong napatingin dito habang hawak-hawak ang pisngi ko dahil sa sakit. Ang lakas ng pagkakasampal nito na pakiramdam ko ay parang humiwalay ang ulo ko saglit sa katawan.
__________
A/N: Sorry sa late update, Lyners! May live tayo sa FB page ngayon. See yah!
FOLLOW | VOTE | COMMENT
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...