CHAPTER 49

137 5 0
                                    

"Besh, sigurado ka ba talagang papasok ka sa trabaho? Eh magpahinga ka na lang kaya muna. Hindi ka nakatulog buong magdamag. Masama 'yan sa kalusugan mo lalo pa at buntis ka." Nag-aalalang wika pa ni Marie habang nasa hapag kami at nag-aalmusal.


Buong magdamag ay 'di ako nakatulog. Sa tuwing nakakaidlip naman ako ay nagigising din ako sa bangungot. Mugto pa ang mga mata ko sa kakaiyak. Kahit nga ang pagkain ngayon ay hirap kong malunok. Wala akong gana ngunit napilit pa ako ng kaibigan ko na kumain.


"Ayos lang ako. 'Di mo na kailangang mag-alala." Tipid na sagot ko pa sa kanya.


"Sasamahan nalang kita. Wala naman akong photoshoot ngayon." Aniya na ikinailing ko.


"'Di na kailangan. Ayos lang talaga ako." Wika ko pa at umaasang makombinsi ito.


"Sigurado ka ba talagang ready kanang makaharap ang asawa mo?" Muling tanong nito na ikinatahimik ko. "See? 'Di mo kakayaning makita na naman siya na kasama ang bruha." Aniya.


"Stop calling her that. We used to be friends." Kontra ko naman sa sinabi niya.


" Don't get wrong, Besh okay? dati rin nating kaibigan si Rhinaya but she betrayed us. Hindi kaibigan ang turing niya sa'tin, sa'yo. She took what's meant to be yours. She's no longer your friend." Pangagaral nito na mas lalong ikinatikom ng bibig ko. She's right ngunit ewan ko ba na sa kabila ng ginawa ni Rhinaya, I still saw her as my friend. Unang naging magkaibigan kami ni Rhinaya bago ko pa man nakilala si Marie.


"Kahit pagbalik-baliktarin pa ang papel, siya parin ang gusto ni Jeush at hindi ako. W-wala na akong magagawa don. Asawa niya lang ako sa papel." Tila piniga ang puso ko sa binitawan kong mga katagang iyon. "Tama lang na papasok ako para makausap siya tungkol sa divorce papers na ibinigay niya sa'kin. M-matapos kong mapermahan iyon ibibigay ko na sa kanya pagdating ng araw na aalis ako." I painfully added and heave a deep sigh.


"Alam kong mahirap para sa'yo ang bagay na 'yan dahil minahal mo si Jeush kahit 'di niya alam na ikaw ang babaeng hinahanap niya noon, pero sana huwag mo rin ipagkait sa kanya ang katotohanan. He deserve to know the truth kahit hindi ikaw ang pipiliin niya sa huli." Mahabang wika pa nito sabay tayo sa upuan at lumipat sa tabi ko.


She's right. May balak naman talaga akong sabihin sa kanya ngunit naghahanap lang ako ng tamang oras.


Marie hug me tightly that made me felt that I was not alone. Mabuti nalang talaga na palagi siyang nandiyan sa tuwing down na down ako.


"Oh, ayan. Naiiyak ka na naman. Gusto mo yatang maging kamukha ng unggoy ang anak mo." Aniya na nagpatawa sa'kin. Napahawak ako sa tiyan ko kahit hindi pa ito umbok. Nakangiting hinihimas koi yon.


" Alam kong magiging maganda siya katulad ko kapag babae siya at kasing gwapo niya naman ang daddy niya kapag lalaki." Mapait na wika ko pa.


"Nga pala, 'di ba check up mo sa Monday? Sasamahan kita para naman maaalala ng baby mo na may maganda siyang tita." Nakangiting ani Marie at bumalik na sa pwesto niya.


Tumango ako sa kanya.


"Saang parte ka ba maganda? Sa pisngi?" Natatawang pang-aasar ko pa na ikinabusangot nito.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon