CHAPTER 37

129 2 0
                                    


Kinabukasan ay maaga akong nagising nang makaramdam ng paninikip ng dibdib. I saw the clock in the bed side table na alas kwatro pa lang ng umaga.


Dahan-dahan akong gumalaw upang tanggalin ang braso ni Jeush na nakapulupot sa beywang ko. Maging sa pagbaba at paghapak ko ay subrang maingat upang hindi ito magising. Nagmumukha tuloy akong magnanakaw nito.


Buti nalang at mahimbing pa rin na natutulog si Jeush kaya tagumpay akong nakalapit sa walk in closet at naghalungkat sa mga gamit ko. Kailangan kong makainom ng gamot bago paman lumala at baka mabuking pa ako sa harap ni Jeush. 'Wag ngayon. Hindi pa ako handa na malaman niya ng maaga. I want to spend more time with him. Susulitin ko muna ang tatlong buwan.


Nang makita ko na ang gamot ay kumuha lang ako ng isang tabletas at nagmamadaling bumaba sa kusina upang kumuha ng tubig. Naghahabol hininga pa ako matapos makainom.


"Muntik na." Bulong ko pa sa aking sarili. "Ah! Pusang gala!" Tili ko pa nang aktong lalabas na ako ay siyang pagbukas naman ng ilaw. Napahawak rin maging si Nanang sa dibdib niya dahil sa gulat. Hindi ko kasi binuksan ang ilaw dahil may replica naman mula sa lanai. "Muntik na akong atakihin sa gulat, Nanang. Akala ko minumulto na ako."


"Ay maging ako nga ay muntik nang atakihin sa tili. An gaga mo yatang nagising." Aniya at tuluyan ng pumasok at naghanda ng mga lulutuin.


"U-uminom lang po ako ng tubig. Bigla po kasi akong nauhaw." Pagsisinungaling ko pa. Mabuti nalang ay tumango lang si Nanang.


"Alam mo iha, dito ay ako ang laging nauunang gumising. 'Yong ibang mga kasamahan ko dito lalabas 'yong mamayang alas singko pa. Alam ko naman kapag tumatanda na tayo." Aniya. Napangiti ako at nagpasyang maupo nalang muna upang makipagkwentuhan kay Nanang. Maaga na rin naman at paniguradong hindi na ako dadapuan pa ng antok. "Ikaw ba ay marunong ng magluto?" Tanong pa nito sa'kin. Tumango naman ako.


"Opo, Nanang. Sa katunayan nga po ay graduate po ako ng Culinary Arts at nag—" Natutop ko agad ang aking bibig nang muntik ko nang masabi na nagpapatakbo ako ng sariling restaurant.


"Ano k aba naman. Tayo-tayo lang ang nandito kaya huwag kang mahiya." Nakangiting wika pa ni Nanang kaya nginitian ko nalang din ito. "Alam mo ba na paborito ng asawa mo ang kalderita. Iyan lagi ang ipinapaluto niyan sa akin sa tuwing narito siya sa lolo niya. Subrang bait ng batang 'yan at napakalapit sa lolo niya dito maliban kay Don Agustin. " Aniya at ang tinutukoy nitong Don Agustin ay ang kanyang lolo sa father side na subrang strict lalong-lalo na pagdating sa oras. Ayaw non na may nasasayang na oras sa mga 'di makabuluhang bagay.


Napangiti ako nang malaman ang bagay na iyon. Ang dami ko pang gustong malaman tungkol sa mga paborito ni Jeush.


"Maaari po bang ako na ang magluluto ng Kalderita? Gusto ko po na ipagluto si Jeush." Nakangiting presenta ko pa. Magiliw naman na pumayag si Nanang kaya nagsuot agad ako ng apron at naghanda ng mga kakailanganin ko.


Habang nagluluto ay nakikipagkwentuahan din ako kay Nanang tungkol kay Jeush at kung gaano nito kaayaw noon umuwi sa kanila dahil gusto niyang manatili dito sa hacienda. Nabanggit din ni Nanang kung gaano kami mag-away noong mga bata palang kami dahil lang sa bola na ayaw niyang ipahiram sa'kin.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon