CHAPTER 54

134 5 1
                                    

"Mrs. Sinatra, it's good to see you again. You even look so gorgeous today." Papuri pa ni Mr. Kachigawa sabay na naglahad ng kamay. Tumayo naman ako at nakipagkamay dito. Kakarating lang nito. Mabuti nalang at dito sa 2J restaurant siya ng booked which is convenient sa'kin dahil malapit lang sa Jlines Corp. Wednesday kasi ngayon at muntik ko pang makalimutan. Mabuti nalang at tumawag ang secretary ni Mr. Kachigawa at pinaalalahanan ako. Hindi na ako nagpaalam pa kay Jeush dahil hindi na magiging surpresa kung malalalaman niyang nakiusap ako kay Mr. Kachigawa para lamang ipagpatuloy nito ang close deal nila. Busy rin naman siya dahil magkasama sila ni Rhinaya kaya 'di na ako nagtangka pang ipaalam na sa labas ako kakain.


"Thanks for the compliment, Mr. Kachigawa." Nakangiting wika ko pa at inalok itong maupo. Magkatapat kami ngayon.


Sa tantya ko ay nasa mid 80's na ang negosyanteng ito ngunit 'di pa rin halata sa batang hitsura niya at ang liksi pang kumilos. Aakalin mong binata pa ang galawan nito ngunit halata naman sa mukhang medyo kulubot na may edad na siya.


As expected, dahil nangyari kahapon ay dinumog ng media ang entrance ng JLines Corp. kanina dahil gusto nilang makumperma kung totoo ba na ako ang mesteryosong may-ari ng 2J restaurant. Nag-alanganin pa si Jeush kanina na paunlakan ko ang mga katanungan nila ngunit wala na siyang nagawa. Panahon na rin siguro para malaman ng lahat total hindi rin naman magtatagal at ang mga magulang ko na ang mamamahala nito.


Sabay kaming pumasok ni Jeush kanina sa kompanya and usual, andon na agad sa opisina niya si Rhinaya at nakaabang. Hindi ko nalang din sila pinansin pa kahit na sa totoo lang ang nagseselos ako.


Napangiti ako nang maalala ang halikan naming ni Jeush kaninang umaga. Mabuti nalang talaga at maagang dumating si Nanay Belle kanina dahil kung hindi ay malamang ay nakarating na kami sa sukdulan.


"How's your life this passed few months, Mrs. Sinatra? I heard the news this morning and was even surprised to know that you're the owner of this restaurant." Manghang aniya. Saktong dumating naman ang order naming kaya pinatapos ko munang maayos ito sa mesa bago siya sinagot.


"Well, it wasn't that easy as a wife and business owner, Mr. Kachigawa."


"Oh, I would love if you just call me Tito Chi. You're like a daughter to me." Nakangitin aniya ngunit kita ko sa mga mata nito ang lungkot.


"O-okay, Tito Chi." I uttered and smiled sweetly at him. Ang akala ko kasi nong unang kita ko sa kanya ay napakastrikto at supistikadong tao nito but this time, all I can see is a sweet gestures of a father.


"That sounds better." Aniya. " You know what, Reah, the very first time I met you, I saw my daughter's image in you." Malungkot na wika nito. Bigla naman akong nakaramdam ng awa nang makita ang sakit sa mga mata nito.


"If you don't mind me asking po, may I know where's your daughter now?" Malumanay na tanong ko rito. Ngumiti siya sa akin ngunit hindi iyong ngiti na abot sa mga mata. Ngiti iyon ng pangungulila.


"She died because of cancer a year ago." Malungkot na sagot pa nito.


"I'm sorry to hear that po, Tito Chi." Tumango ito.


"It's okay.Anyway, let's not ruined the mood. We might end up bursting in tears here." Aniya at mahinang tumawa but pain is still visible in his eyes. "Let's have our lunch." Pag-alok pa nito. Tumango naman ako.

Love Beyond Sundown | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon