Nagising ako sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone. I immediately grab it mula sa side table at 'di man lang nag-abala na basahin ang pangalan ng caller.
"Hello."
"Good morning, Mrs. Sinatra, I would like to inform you that Mr. Kachigawa will approve that deal if you agree to have lunch with him on Wednesday." Napabalikwas ako nang bangon nang marinig iyon. Paulit-ulit ko pang ikinurap ang mga mata ko upang magising ang diwa baka sakaling ibang ang narinig ko.
"Really? I would love to. Thank you so much. I assure you that I will not waste that opportunity." Magiliw na wika ko pa. Abot tainga ang ngiti ko nang sabihin iyon. Alam kong matutuwa rin si Jeush kapag malalaman niyang muling bumalik si Mr. Kachigawa. Sila kasi ang biggest investor ng company kaya hindi pwedeng masayang.
"All right, Ma'am. I will send you the address ahead of time. Bye." Wika ng secretary sa kabilang linya at pinatay na ang tawag.
Napatalon ako sa tuwa at mabilis na nagtungo sa banyo para makapaghanda na.
'Di ko na naabutan si Jeush nang bumaba ako. Ani Yaya Belle ay kakaalis lang nito kaya mag-isa nalang akong kumain.
"Nagmamadali na naman 'yon sa babae niya." Bulong ko pa habang palabas. Napabuntong hininga na lamang ako.
Pagdating ko sa kompanya ay inabala ko agad ang sarili ko sa trabaho. Busy ang lahat lalo na sa paghahanda sa paparating na event.
"Lael, please bring all this papers to the HR Department." Pagtawag pa ni Jeush gamit ang dual-way talk intercom speaker.
Hindi na ako nag-respond at tumayo na agad upang tumungo sa opisina nito. Kumatok muna ako ng tatlong beses upang masiguro na pagbukas ko ay 'di ko makikitang nakakandong na naman ang bruha sa kanya. Kanina pa naman 'tong dalawa na 'di lumalabas. Ano pa nga ba ang aasahan ko kapag narito ang bruha na 'yan.
"Come in." Jeush respond kaya binuksan ko na ang pinto.
Napaikot ako ng mata nang makita ang bruha sa likod ni Jeush habang hinahaplos ang balikat nito. At talagang hinayaan pa niyang gawin 'yon sa kanya. Ang sarap nilang pag-untugin. Ginagawa ng landian 'tong opisina. Akala ko ba bawal ang public display of affection dito. Nakasaad iyon sa rules ng kompanya.
"Ito na po lahat, sir? Wala po ba kayong ipapasuyong basura na itatapon sa labas? Nanunuot na kasi sa opisina ang amoy." Pagpaparinig ko pa sabay kuha ng mga documents sa mesa nito.
Nakita ko ang bahagyang pagtawa ni Jeush habang 'di naman maipinta ang mukha ng bruha. Ang dakilang ex-bestfriend ng Pilipinas.
"Are you saying that I'm a trash, bitch?" Naiinis na tanong pa nito.
Plastic akong ngumiti sa kanya na may pang-aasar na tingin.
"May pangalan ba akong binanggit?" Uyam ko pa. "'Di mo yata nakikita ang trash bin sa ilalim ng mesa na umaapaw na ang kalandian...I mean ang basura." Nakangising wika ko pa na mas lalong ikinainis nito.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...