" Ano ba, ang sakit na ng ano ko. Sino ka ba ha?" Daing ko pa habang hawak ang buhok ko.
" Get your hands off my wife! " Ma-awtoridad na utos na ni Jeush sabay tinanggal ang kamay ng babae na mahigpit na nakahawak sa buhok ko. Natinag naman ito at nagpapa-cute na tumingin kay Jeush.
" H-hi, Babe. " Malanding wika pa nito at tiningnan ng nang-aakit si Jeush. Kumulo naman ang dugo ko lalo pa at masakit pa ang anit ko mula sa pagkakahila nito kaya sinampal ko rin ito. Bigla-bigla nalang sumulpot ang babaeng 'to sa kung saan.
" Anong Babe ka diyan ha? Tsaka, sino ka ba? " Pagtataray ko pa. Nakipagtititagan naman ito sa'kin na nakataas ang kilay at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
" And who are you? Fan lang naman ako ng lalaking hinalikan mo! " Taas noong wika pa nito. Sasampalin ko sana ito ulit nang pigilan ako ni Jeush.
" Asawa lang din naman ako. Gusto mo bang matulog mamaya sa kulungan ha o gusto mong uuwi na 'di makalakad?" Pananakot ko pa at nakipagtaasan ng kilay sa kanya. Napangisi naman ako nang makitang napalunok ito.
" M-Ms. R-Reah." Bulalas pa nito at agad na namutla.
" Ako nga. "
" P-pasensiya na p-po. 'D-di ko sinasadya. P-patawarin niyo po ako. " Takot na wika pa nito at aktong luluhod sa harap ko nang pigilan ko ito. Baka mamaya ay makita pa kami ng mga reporters. Magiging issue na naman.
" Makakaalis kana. " Tipid na wika ko lang.
" P-pasensiya na po talaga. Sorry din po Mr. Sinatra. " Muling paumanhin pa nito bago nagmamadaling umalis.
Agad na tumaas ang kilay ko nang humarap qko kay Jeush at nakita itong ang lapad pa ng ngiti habang nakahawak sa labi niya.
" Anong nginingiti-ngiti mo diyan ha?" Pagtataray ko pa.
" N-nothing. I was just amaze with your braveness. " Aniya sabay pulupot ng kanyang braso sa beywang ko. Muli naman akong napalunok. Parang nagkakarera na naman ang puso ko at nagpapaunahan ito sa pagtakbo. It's always like this sa tuwing nagdidikit ang mga balat namin ni Jeush.
" Can we continue it later?" Mapang-akit na bulong pa no Jeush sa tainga ko nang makapasok na kami sa sasakyan na sumundo sa amin. Matapos ng sandaling interview sa labas ng airport ay iginiya kami ng isang lalaki sa kung saan naka-park ang sasakyan.
Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito at mahinang kinurot ito sa tagiliran. Mahinang tumawa lang ito sa'kin sabay hinigpitan ang paghawak sa beywang ko.
" I-iwan ko s-sayo. Puro ka lang kalandian!" Utal na wika ko pa sa kanya at bahagyang umurong palayo sa kanya ngunit mas hinila lang ako nito papalapit sa kanya. I tried to push him ngunit bigla nalang ako nitong niyakap mula sa likod at pinaupo sa kandungan ko. Bigla naman akong nailang at tila naestatwa sa posisyon namin.
" Don't move, Maby or someone will be mad. " Bulong pa nito sabay simot sa leeg ko na bahagyang nagpakiliti sa'kin.
" B-bitawan mo nga ako! 'Di kana nahiya sa driver. " Saway ko pa sa kanya ngunit hindi ito nakinig. Ang driver naman ay nakatuon lang sa daan atensiyon habang nagmamaneho at parang wala lang ito pakialam.
" I'm warning you, Maby. Don't move or else I can't control myself and I will get you here. " Aniya at mas hinigpitan ang pagyakap sa beywang ko. Hindi nalang ako umalma pa at hinayaan nalang ito. Kalaunan ay naging komportable narin ako.
BINABASA MO ANG
Love Beyond Sundown | Completed
RomanceLabag sa kalooban ni Jeush ang makasal sa isang babaeng ni minsan ay hindi pa niya nakilala sa personal. Ngunit dahil sa takot na mawalan ng kompanya ay pilit niyang tinanggap ang pinagkasundong kasal ng kanyang mga magulang. Sa unang araw ng kanil...